DECIM

302 51 2
                                    

Nang makalabas ako ng sementeryo bitbit ang bangkay sa sako, agad kong natanaw sa 'di kalayuan si Sadako. She sat down on the sidewalk, raven black hair contrasted her pale complexion. Kung may taong makakakita sa kanya, baka pinagkamalan na siyang white lady. 

'Kung may bangs din ang mga white lady.'

Otherwise, I wouldn't be too surprised if even ghosts will be afraid of her. Ni hindi man lang siya tumingin sa'kin nang naupo ako sa tabi niya. Abala siya sa pagtitig sa screen ng kanyang cellphone. I suddenly had the urge to brush her bangs just to see the color of her eyes, but I stopped myself just in time.

'Tangina, Everick. Pagod ka lang.'

I cleared my throat. "What are you looking at?"

"Malabo."

"Ang?"

"Ang pictures nila. See? This is so disappointing..." Ipinakita sa'kin ni Kleo ang mga larawang kinuha niya kanina nang atakihin kami. Indeed, all of them were blurred. Nakasimagot pa rin siya. "Sayang. Ang akala ko pa man din may makukuha akong matinong picture nila."

Nang mapansin niyang hindi ko pa rin maintindihan ang koneksyon nito, Kleopatra sighed and patiently explained, "May scrapbook kami ni Roberta."

"Err...ano naman ang kinalaman ng scrapbooking?"

Seriously, I have no idea what she means.

"Yung mga nakalaban natin kanina ay demon hounds. They were recently discovered by the Eastwood Paranormal Experts Society last year, pero wala rin silang malinaw na picture. Nagpunta na ako sa deep web, pero wala talaga. They're quite rare, you know? It would've been cute to paste their pictures on the page."

Matagal akong nakatitig sa kanya.

Ilang sandali pa, hindi na napigilang matawa. Kamuntikan ko pang matukuran ang sako sa tabi ko---not that it matters since the corpse inside is probably twisted in odd angles already. Nakasimangot lang sa'kin si Sadako habang nakahalukipkip.

"Why?"

"Hahaha! How interesting... Ang ibang babae, baka nauna pang kumaripas nang takbo. And here you are, worrying about some stupid scrapbook even when death is staring at you straight in the eye." Napapailing na lang ako.

"It's a simple psychology trick, crow-shifter. When someone stares at you in a threatening manner, just stare back at him. Magugulat ka na lang na ang kamatayan na ang unang iiwas ng tingin," she replied. "Not that I'm a girl who gets stared at often..."

There is a fine line between being brave and being brainless, and I guess Kleopatra Claveria defied all logic. Suddenly, there was that urge again. Dahil dito, napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya at naunang nang tumayo.

"Kailangan na nating umalis."

Tumango naman siya at binitbit ang mga pala. Ayaw daw niyang iwan ang mga ito, kaya hinayaan ko na lang din siya. Natuklasan kong mahirap makipagtalo sa babaeng ito, dahil hindi mo alam kung anong tumatakbo sa isip niya. I usually know how to handle women and their occasional mood swings, but Sadako is clearly a different species.

"Bakit ba tayo inatake kanina? Siguro naman may dahilan kung bakit sumulpot na lang bigla sementeryo 'yong bata, 'di ba?"

Mahinang tanong ni Kleo nang makarating na kami sa kwarto niya. We laid the corpse of the dead man on an examining table (don't ask where we got that) and ignored the rotting smell.

Paniguradong mahihimatay ang tiyahin niya kapag nakita niya ang bangkay sa silid ng pamangkin niya.

Yup, this was a different kind of madness.

✔The Knight's MadnessWhere stories live. Discover now