QUATTOUR

342 59 3
                                    

Hindi ko matandaan kung kailan ako huling nawalan ng malay.

Kung nawalan man siguro ako ng malay noon, baka dahil sa mga kalokohang pinaggagagawa ni Joker. Hindi ko mabilang kung ilang beses na kaming nadadamay at napapahamak sa kabaliwan ng isang 'yon. One time, he even "accidentally" pushed us off the pyramids while he was doing a sun dance! Matapos 'non, kinailangan kong pagalingin ang mga pasang natamo niya sa panggugulpi sa kanya ni Evil. But instead of regretting what he did, Evarius just laughed and joked about our youngest brother's temper.

'Crazy bastard.'

My point is, being an immortal gives you the privilege to dictate your enemy's attacks so that you wouldn't get caught off guard.

Kaya hindi ko talaga alam kung paano ako napunta sa sitwasyong ito.

"Damn.."

Nang magmulat ako ng mga mata, inaasahan ko nang masisilaw ako sa liwanag na nagmumula sa chandelier na nakasalambitin sa kisame ng private room. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang imahe ng isang multong nakatitig sa'kin. Bigla akong natigilan, pilit kong inaalala kung saan ko siya nakita noon.

But that creepy smile on her face was very distracting.

Hindi pa nakatulong na natatakpan ng kanyang bangs ang kanyang mga mata.

"Sayang."

"Huh?"

Who the hell is she?

Napabuntong-hininga naman lang ang dalaga sabay kibit ng balikat. "Sayang dahil buhay ka pa pala. Balak ko pa man din sanang mag-on the spot autopsy. I brought my dissecting tools, see?"

Nagpakurap-kurap na lang ako nang ipakita niya sa'kin ang isang matalim na scalpel. Its sharp tip reflected the light of the chandelier menacingly. Agad akong napasimangot. I'm offended. Mukha ba akong palakang kailangan niyang i-dissect? I was about to tell her to dissect someone else when I suddenly remembered something...

"Shit!"

Agad kong hinanap ang katawan ng lalaki sa sahig. Gustuhin ko mang sabihing nakahinga ako nang maluwag nang makita ko siyang nakahiga pa rin sa pwesto kung saan ko siya iniwan kanina, the fact that I couldn't see the rise and fall of his chest was enough to make me panic. Signs of rigor mortis were already visible. 'Damn... this can't be happening!' Agad ko siyang nilapitan at sinubukang gamitan ng healing ability ko.

But the faint light coming my hands was deflected off his skin.

Remember that one "tiny" restriction I told you about? Well...

"Sadako, anong oras na?"

Binalingan ko ang dalaga na abala sa pagtatahi ng braso ng manika niya. As much as I want to comment on how her doll looked like it came from a mortal horror movie, hindi ito ang tamang oras para rito. Agad na kinuha ni Sadako ang kanyang cellphone at ipinakita sa'kin ang skeleton-themed clock display. "It's 3:00 a.m. Devil's hour...Exciting!"

3:00 a.m?

"No... No... No... Fuck this!"

Napahilamos na lang ako ng mukha ko. Hindi na ako nag-abala pang gamitin ang kapangyarihan ko sa bangkay ng matandang nasa tabi ko. Alam kong wala na rin akong magagawa. Mahina akong napamura nang mapagtanto kong nasayang lang ang ilang araw ng pago-overtime ko. Yup, Evillois will definitely kill me (or at least "attempt" to kill me) if he finds out about this.

"Anong problema, crow-shifter? Mukha kang balisang siyokoy na naubusan ng sun screen..."

The fuck?

Noong mga sandaling 'yon, bigla kong naalala ang mga nangyari. Someone ambushed me form behind. And I suspect it's the same person who shot the man. 'A woman, huh? How interesting.' Tumalim ang tingin ko sa kanya. Walang pagdadalawang-isip ko siyang hinigit sa braso. Alam kong mag-iiwan ito ng pasa mamaya, but I don't give a shit anymore.

✔The Knight's MadnessWhere stories live. Discover now