UNDEVIGINTI

234 42 3
                                    

She stared at the corpses piled on the floor with undeniable disgust.

'Paano ba niya nasisikmurang kumain ng patay?'

Agad na tumabi si Nica nang pumasok sa silid ang mga nakamaskarang lalaki. Tulad kanina, bitbit ng mga ito ang itim na body bags. At tulad kanina, muntik na naman siyang masuka sa naaagnas na amoy ng mga ito. No, the facemask didn't even help lessen the mortifying smell.

Nang dumako naman ang mga mata ni Nica sa loob ng silid, she had to double the effort not to vomit her dinner. Agad siyang nag-iwas ng tingin nang makitang pinunit ng dambuhalang kamay ang isang braso ng bangkay. Just like ripping off a wing from a roasted chicken.

The moment she heard the bones crunching against the beast's teeth, she knew it was her cue to get out of there.

Mabilis niyang nilagpasan ang mga tauhan ng EKT at nagtungo sa kabilang bahagi ng gusali. When she was far enough from the beast's den, mabilis niyang tinanggal ang kanyang facemask at sumuka sa katabing basurahan. Ilang buwan na siyang nakatira sa lungga na 'to, pero mukhang hindi talaga siya masasanay sa eksenang 'yon.

"Well, there goes my dinner," Nica muttered and wiped her lips. Inis niyang tinalian ang kanyang maikling buhok at inayos ang sarili.

"May natira pang pagkain sa kusina. Since, I assume, you just emptied your entire stomach for the night."

Oh, she recognized that voice.

Nica's sharp eyes darted to the secretary of this twisted freak show, her own aunt. Hindi na siya nagulat nang makitang nakasuot pa rin ito ng corporate attire at bitbit ang kanyang clipboard kahit pa ala-una na ng madaling-araw.

Heck, she wouldn't even be surprised if she sleeps in those clothes!

"Thanks for the offer, pero nawalan na ako ng gana."

'Tsk! Sino ba naman kasi ang hindi mawawalan ng gana sa ganun? The cannibalism in the movies can never be compared to the real deal!'

Nagkibit ng balikat ang sekretarya, as if she could care less. Abala pa rin ito sa binabasa niyang papeles.

"Suit yourself. How's your emergency assignment?"

She suppressed the urge to roll her eyes. Paano ba niya makakalimutan ang dahilan kung bakit wala pa siyang maayos na tulog nitong nakaraang mga gabi?

"Yeah. I think the big guy already 'finished' our problem. No loose ends," seryoso niyang sabi. "Hindi na magagamit ng mga Neverwoods ang dating tauhan natin para hanapin tayo."

Noong una ay ayaw pang tanggapin ni Nica ang assignment na 'to. Bukod sa sawang-sawa na siyang maging utusan ng kanyang tiyahin, ni hindi pa nga siya nakakahanap ng referee para sa unang match. But when the secretary explained the odd circumstances of this "emergency assignment", it suddenly piqued her interest.

Just a day or two ago, nalaman nila mula kay Whistler (one of the killers) ang tungkol sa pagnanakaw ni Everick Neverwood ng bangkay sa sementeryo. Of course, her aunt was furious since the kid didn't mention it earlier. Naging kahinahinala ang pagnanakaw nila sa bangkay ng dati nilang tauhan, so they did some tracing.

What would you do with a dead body, anyway?

Doon nila natuklasan ang tungkol sa kasamang babae ng imortal. After doing some investigation, they eventually found out that she had powers, too. Ang mas malala pa, kaya nitong bumuhay ng patay sa pamamagitan ng pagdampi ng kanyang mga labi sa balat ng anumang bangkay.

It was too dangerous for them, so Nica took the task to retrieve the corpse from the girl's home.

Ngayong wala na ang bangkay, wala nang maaaring gamitin ang mga imortal na 'yon para hanapin sila.

Or so she thought...

"They found us."

Natigilan si Nica sa sinabi ng kanyang tiyahin. She stared at her incredulously. Tama ba siya ng narinig? Damn. Imposible 'to.

Para saan pa't nagpagkapagod siya?

"You must be kidding me."

The look on the secretary's face told her everything she needed and didn't want to know.

"Unfortunately, Felicia caught a Neverwood trying to sneak into this building. Kasama niya yung babaeng may resurrecting ability."

"At naniniwala ka talaga sa sinasabi ni Felicia Feline? Alam nating dalawa na mas madalas pa siyang magsinungaling kaysa maligo!" Hindi siya nage-exaggerate. That cat lady is one of the most annoying killers in the tournament, next to the Toymaker.

"Hindi siya nagsisinungaling, hindi sa pagkakataong ito. Our men verified her story. May namatay pa sa kanila. The fact is, hindi malayong na-trace nila tayo dahil sa kapabayaan mo."

"B-Bakit ako? I didn't do anything wrong..."

Nica's words hung in the air as she remembered the invitations she sent to the potential referees. Shit! 'Di kaya may nagsumbong sa kanila?

"Nahanap na nila tayo," ngumiti nang kalmado ang sekretarya. But her eyes stared sharply at her niece with the same crazed glint in those filthy murderers'. "Kapag nalaman 'to ng boss, paniguradong hindi niyo magugustuhan ang magiging reaksyon niya. For several months, we worked under the radar to ensure the tournament's survival."

Napayuko si Nica.

Wala na ring saysay kung dedepensahan niya ang kanyang sarili lalo't mukhang siya nga talaga ang nagpahamak sa organisasyon.

"Then what are we gonna do now?"

Ibinalik ng sekretarya ang kanyang atensyon sa hawak niyang clipboard na para bang mas interesante ito kaysa sa kanyang pamangkin.

"I'll leave that up to you. It's your mess, Nica...so go and clean it by yourself."

Napanganga ang dalaga sa sinabi nito. 'Is she even serious?!' She panicked inside her head. Sa lahat siguro ng assignment na ibinigay nila sa kanya nitong mga nakaraang buwan, ito na ang pinakamabigat. Do they really expect her to carry this burden alone?

"A-And if I fail...?"

Ni hindi man lang siyang dinapuan ng tingin ng sekretarya bago siya nito tuluyang tinalikuran.

"Failure is not an option."

---

To the person who covered my death
with an accident, and made the first call...
If I see you weeping at my fucking funeral,
maybe you're worst than a killer, after all.

---Everick Neverwood

✔The Knight's MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon