DUODEQUADRAGINTA

223 41 8
                                    

"Ingat po kayo, sir." 

Raffaelo nodded in acknowledgement before exiting the glass doors. Nang nasa labas na siya ng ospital, doon lang siya nakahinga nang maluwag. Ni hindi nga niya alam na kanina pa pala siya hindi makahinga nang maayos sa loob. With how frequently he's been visiting Eastwood General Hospital nowadays, one might easily assume that he's already used to the suffocating white walls and sterile smell.

Pero bukod sa nakikilala na siya ng mga gwardiya at staff, wala namang bago sa pagbisita niya rito.

Walang nagbabago, at iyon ang kinakatakot niya.

'Maybe she's already gone... Kung ganoon, may saysay pa ba 'tong pagpapahamak ko sa sarili ko?'

He shook the thought away and cursed under his breath, hating himself for even thinking that way. Hindi niya alam kung kailan magigising ang taong nagluwal sa kanya sa mundo, pero hangga't sinasabi ng doktor na may pag-asa pa---kahit gaano kaliit na pag-asa---Raff is willing to endure for as long as he can.

"Or for as long as I don't get accidentally killed."

Huminto siya sa tapat ng isang sasakyan at sinulyapan ang kanyang repleksyon sa bintana. Napasimangot siya sa bagong pasa na nakuha niya dahil sa laban nina Phantom at Flesh Eater noong isang gabi. Sana man lang may nag-warning sa kanyang telekinesis ang powers nung isang participant, 'di ba? Tangina. Natamaan pa tuloy siya ng lumilipad na upuan.

The Elite Killing Tournament is taking everything to the extreme and the number of blood-thirsty patrons seems to double every damn night.

Hindi niya alam kung dahil ba 'to sa virtual reality effects na ginagamit nila, dahil sa walang-awang mga participants, o dahil sa anunsiyo ng "boss" kagabi na magreretiro na siya pagkatapos ng season na 'to.

"At hanggang kailan naman kaya ako kakailanganin ng mga Neverwood bilang espiya nila?"

Speaking of the Neverwoods, hindi pa pala siya nako-contact ng mga ito mula noong kumalat ang balitang nagwala si Everick sa bayan. Yes, probably the entire town is aware about this since it's been on the headlines for a couple of days now. Ang akala ng lahat, kasama siya sa mga EKT killers na nanggugulo. 'With that ability and madness, wala siyang pinagkaiba sa mga mamatay-taong kailangan kong pagitnaan tuwing may laban,' he thought.

Bukod pa rito, wala pa rin siyang balita kina Kleo at Marquessa.

Absent na naman sila sa klase kanina, at hindi matawagan ang mga cellphone nila. Raff was so close to filing a missing person report if not for the fact that Kesa's parents knew where their daughter was.

"May tumawag sa'min kagabing binata, boyfriend raw niya. Evarius? Oo, Evarius yata ang pangalan... He said that Kesa had a fever, so he and Kleo are taking care of her. Nandoon sila sa bahay nina Kleo."

Hindi alam ni Raff kung dapat ba siyang matawa sa excuse na 'yon o mabahala. Ano naman ang ginagawa ng nakatatandang Neverwood sa bahay nina Kleo? And if Kesa really is sick, Kleo will, at least, call him, right? Walang rason na kalimutan siya ng mga ito.

His friends couldn't possibly trust the Neverwoods more than him, right?

But then again, palagi nga pala siyang iniiwan ng mga ito.

'Mukhang busy sila. Tsk!'

Raff was about to cross the street when the car's window suddenly rolled down, revealing a pair of sharp eyes and a matching frown. Natuod sa kanyang kinatatayuan ang binata nang makilala ang dalaga.

'Siya yung pamangkin 'nong sekretarya, ah!'

Ang babaeng nag-recruit rin sa kanya.

Bago pa man siya makapag-isip ng matinong excuse para umalis at magkunwaring hindi niya ito nakita (which is nearly impossible), biglang nagsalita si Nica. "Papasok ka na sa trabaho, 'di ba? 'Wag mong sabihing uuwi ka pa. My aunt doesn't like compromising the schedule."

✔The Knight's MadnessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang