SEPTEM

300 52 3
                                    

Nang tuluyan nang makaalis si Everick, napabuntong-hininga na lang ang dalaga at pasimpleng sumulyap mula sa kanyang pinagtataguan. 

Yes, she was hiding inside the trash can.

When Kleo saw that the coast was clear, agad niyang inalis ang takip at nag-inat. Hindi na niya pinansin ang pusang kumaripas nang takbo dahil sa biglaan niyang paglitaw. Hindi na siya nag-abala pang alisin ang mga basurang kumapit sa kanyang buhok. Why bother? It's not like mortals will judge her appearance any more than they already have.

"Hay! Muntik na niya tayong mahuli kanina, Roberta. Buti na lang nakapagtago tayo agad... Roberta?"

Behind her black bangs, Kleo's eyes widened in horror when she saw the spot empty. Panic clawed in her chest. Natatarantang lumabas ng trash can ang dalaga (na kamuntikan pang matapilok) at hinanap ang kanyang manika.

"Roberta? D-Don't play games with me... Mamaya na tayo magtagu-taguan kapag maliwanag ang buwan... Roberta, nasaan ka na?!"

Pinagtitinginan na siya mga dumaraan, pero sadyang walang pakialam sa kanila si Kleo. In fact, she didn't even bother answering her phone when it began ringing, again. Malamang tinatawagan na naman siya ni Marquessa. Hindi niya alam kung paano nito nakuha ang kanyang numero, pero kanina pa siya kinukulit nito.

She would've been amazed with this "friendship" thing, pero mas nananaig ang kanyang pag-aalala ngayon para sa kauna-unahan niyang kaibigan.

"Roberta... Roberta... Nasaan ka na?"

Hindi kaya...?

"Hello, Miss Creeps! Ano naman ang ginagawa mo rito, hmm?"

Natigilan na lang si Kleo nang marinig ang boses sa kanyang likuran. Kumunot ang kanyang noo nang mapansin ang lalaking nakasandal sa pader ng eskinita. He was even twirling a cane in his hands. Nang ngumiti ito sa kanya, doon niya napansin ang black teardrop tattoo sa ilalim ng kanyang mata at ang nakakaasar nitong necktie.

"Frabjous! You do look a little strange... Hahaha! I'm Joker," he bowed mockingly at her. "At ako nga pala ang---"

"Have you seen my doll?"

Mukhang nagulat pa si Joker nang hindi siya pinansin ni Kleo na abala pa rin sa paghahanap ng kanyang manika. Tuluyan na ngang pinatay ng dalaga ng kanyang cellphone nang tawagan na naman siya ni Marquessa.

What?

Finding her beloved Roberta is her top priority right now!

Nangangagat pa man din 'yon ng mga taong hindi niya gusto.

Kalaunan, natawa na lang si Joker at may inabot na papel sa kanya.

Hindi niya ito kinuha. 'Is he trying to give me a paper cut so I can bleed to death?' Alam niyang maliit ang tyansa na ganito nga ang balak nito, pero handa na niyang paniwalaan ang kahit ano.

So Kleo waited for his explanation.

"Ah, that's Everick's address. Sa tingin ko nasa kanya ang manika mo. In fact, that playboy has several 'dolls' in his treehouse, too." Joker grinned mischievously. "If you know what I mean. HAHAHAHA!"

Kleo hesitantly snatched the paper from his hand. She stared at the address and a rough sketch of a...treehouse? Damn. Gusto niya sanang ipaliwanag na tiyak na hindi naman pag-iinteresan ng crow-shifter si Roberta, but she was too tired to object.

"Salamat."

Pero nang mag-angat ng tingin ang dalaga, noon niya lang napagtantong wala na pala roon si Joker.

✔The Knight's MadnessWhere stories live. Discover now