TRIGINTA QUINQUE

233 50 5
                                    

"I don't think it was a good move to let the killers lose. Ano bang napala natin sa pang-te-terrorize nila sa bayan?"

Nica knew the Elite Killing Tournament administration has done a lot of questionable decisions in the past, pero ang ginawa nila kagabi at kaninang umaga? Even she thinks it was unnecessary. Gustuhin man niyang maniwalang para sa promotion ito ng nalalapit na match, ramdam niyang may ibang agenda pa rito.

"Ginawa niyo ba ito para mapalabas ang magkakapatid na Neverwood? Is this a trap for them?"

But still, it doesn't make sense.

Base sa pagkakaalala ni Nica, hindi naman ugaling magligtas ng mga tao ang tatlong 'yon, at kahit pa sabihin nating nagiging "malambot" na nga ang puso nila sa mga mortal, they're not stupid enough to expose themselves and let their guards down just because of a small killing spree.

Mula sa kanyang desk, nag-angat ng tingin ang kanyang tiyahin at nagkibit ng balikat. Halatang mas gugustuhin pang magtrabaho ng 24/7 kaysa sagutin ang mga tanong niya.

"We pay you to follow orders, not to question them."

She crossed her arms over her chest, "Pero ang last minute naman na yata ng 'order' na 'to. Ano ba talaga ang plano ng boss?"

The secretary sighed and fixed her business attire which she wore even in the wee hours of the morning. "Mas mabuti nang 'wag na nating alamin. He's got everything under control. Isa pa, isa raw itong test..."

A test? For what?

Her aunt stared hard at her and tapped something on her smartphone before showing the screen to her. Laking gulat ni Nica nang makitang ang nangyayari. Sa kuha ng isang amateur video ng isang netizen, makikita ang nakakapangilabot na pagwawala ni Everick Neverwood. The sadist tortured a few civilians and hurled knives everywhere like a hailstorm of blades.

Walang nakakawala.

At ang mas nakakapanindig-balahibo pa rito, bakas ang kawalan ng emosyon sa kanyang mga mata.

He looked like he was trapped inside his own head.

'And all along, I thought he wasn't half as evil as his brothers!'

"This is madness.."

Pinatay ng sekretarya ang kanyang cellphone at dinampot ang clipboard na hindi mawala-wala sa tabi niya. Habang binabasa nito ang mga kailangan niyang gawin ngayong araw, she calmly dismissed her niece.

"Mas mabuti pang asikasuhin niyo na ang 3D stimulation para sa susunod na laban. We don't want to disappoint our audience."

*

It was a bloody massacre, that much I am aware of.

Pero wala na ako sa katinuan para maging guilty sa mga ginawa---mga ginagawa ko ngayon. Narinig ko ulit ang boses nina Evil mula sa distansya, pero hindi ko na maintidihan ang sinasabi nila. Rumehistro na lang sa'kin na may kinuha na pala akong hunting knife sa bulsa ko at sa narinig kong mahinang pagmumura ni Joker, I think I tried to stab him with it.

This is one of the reasons why I hate losing control.

Madness knows no brothers.

✔The Knight's MadnessWhere stories live. Discover now