Chapter 2

75 5 14
                                    

December 2018.

Kunot-noong bumaba si Fea sa sinakyang bus galing ng Dubai, hila-hila ang may kalakihan niyang gray na maletang de-gulong. Tatlong oras din ang ibiniyahe niya ng hapong iyon bago nakarating ng Fujairah dahil sa traffic sa bypass road, kung kaya't ramdam na niya ang kalam ng sikmura.

Grrr... Grrr... tunog ng kaniyang flat na t'yan.

Sumalubong sa kaniyang pagbaba ang malamig na hangin ng Disyembre – kasing lamig ng hangin sa Baguio tuwing pasko

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.

Sumalubong sa kaniyang pagbaba ang malamig na hangin ng Disyembre – kasing lamig ng hangin sa Baguio tuwing pasko. Hindi niya inakalang mas maginaw pala sa Fujairah kumpara sa Dubai. Mabuti na lang at suot niya ang paboritong dilaw na smiley sweater.

"Ayun taxi," bulong ni Fea nang matanaw ang nakaparadang sasakyan sa di kalayuan.

"Ayun taxi," bulong ni Fea nang matanaw ang nakaparadang sasakyan sa di kalayuan

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.

Hirap sa paglalakad at nangingiwi ang mukha.Iyon ang kakatwang hitsura ni Fea habang kinakaladkad ang may kabigatang maletang sira ang isang gulong, habang lumalapit sa taxi'ng nakaabang sa gilid ng daan. Nang aktong bubuksan na niya ang pintuan, isang lalaki ang biglang sumulpot sa kaniyang tagiliran. Nagulat siya at napaatras nang magaspang na hinawi ng lalaki ang kaniyang kamay at dali-dali itong sumakay sa loob. Sa liit ng kaniyang katawan, muntik na siyang ma-out-of-balance. Hitsura niya'y parang kengkoy na nagsu-surf sa maalong dagat nang pinilit niyang bawiin ang balanse at tumindig ng maayos.

"Pasensya na kabayan," mabilis na wika ng matangkad na estrangherong hindi mo mawari kung nakangiti ba ang ekspresyon ng mukha o nae-ebak lang, sabay sarado ng malakas sa pintuan ng taxi.

"Aba'y! Bastos na kulot na 'yon!" lalong lumukot ang mukha ni Fea habang tinitignang papalayo ang taxi. "Muntik na 'kong matumba sa ginawa n'ya ah!" gigil na sabi niya. "Hay nako! Kakainis!" sabay padyak ng padabog ng kanan niyang paa.

Animo'y matandang puno ng wrinkles ang busangot na mukha ni Fea habang nakatayong naghihintay ng kasunod na taxi. Mamula-mula ang maputi at makinis niyang pisngi dahil sa inis na sinabayan ng pagtunog ng naghuhurimentado niyang tiyan.

Grrr! Grrr!

Hindi nagtagal, sunud-sunod na nagdatingan ang mga taxi.

"Hay salamat, makakasakay na rin," paismid na bumuntong hininga si Fea nang tumigil sa kaniyang harapan ang pinarang taxi.

Don, sa FujairahUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum