Chapter 28

5 2 0
                                    

Tanaw ang malawak na dagat, nakaupo si Fea sa ga-baywang na sementong harang sa may gilid ng malapad na walkway sa Corniche. Kalamado ang kulay asul na tubig-dagat sa makulimlim na umagang iyon. Alas diyes pa lang ng umaga, ngunit ang hanging humahampas sa mukha ni Fea ay kasing lamig ng hangin sa dapit-hapon.

 Alas diyes pa lang ng umaga, ngunit ang hanging humahampas sa mukha ni Fea ay kasing lamig ng hangin sa dapit-hapon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ipinasok ni Fea ang nanlalamig niyang mga kamay sa bulsa ng suot niyang itim na sweater. Mapayapa ang pakiramdam niya sakabila ng mga ingay ng palakad-lakad na kabataan at matatanda sa kaniyang likuran.

Iyon ang ikalawang araw ng leave niya sa trabaho, na sana'y gugugulin niya sa pamamasyal kasama si Arriane. Ngunit dahil sa surprise ni Abono sa kaibigan, hindi na matutuloy ang mga plano nila ni Arriane.

Habang nag-iisip si Fea kung ano ang pwede niyang gawin sa natitirang araw ng bakasyon, at kung saan siya pupunta, isang tapik sa kaniyang balikat ang gumulat sa kaniya.

"Oh, anung ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Fea nang lingunin niya at makita si Don sa kaniyang likuran.

"Eto palakad-lakad. Pajogging-jogging ng konte," sabi ni Don sabay hagod ng kaniyang kamay sa maiksing kulot niyang buhok na para bang nagpapapogi. Bagama't mukhang hindi pinagpapawisan sa pagiging aktibo at sa suot na cream-colored oversized-long-sleeve-shirt, bahagya niyang hinabol ang hininga na animo'y bahagyang pagod, at saka binuksan ang bitbit na tumbler. Matapos uminom ng tubig ay umupo siya sa tabi ni Fea. "Ikaw? Bakit mag-isa ka dito? Asan si Arriane?" tanong ni Don sabay alok ng dalang tubig.

"Salamat," tugon ni Fea sabay senyas nang pagtanggi. "May ibang lakad si Arriane. May surprise daw uli sa kanya si Abono ngayon," sagot ni Fea habang binababa ni Don ang dalang tumbler sa gilid nito.

"Ah oo nga pala. Nasabi kagabi ni Abono na magdu-Dubai daw sila ni Arriane ngayon. Hindi nga lang nya binanggit kung bakit, pero sabi din nya na 3 days daw sila don at mag-ii-stay sa flat ng barkada nya," sabi ni Don. "Uhm, matanong ko lang," may bahagyang pag-aalinlangan sa tinig ni Don. "Uhm... okay na ba kayo ni Arriane? I mean, yung tungkol dun sa nasabi mo sakin kagabi... tanggap mo na ba yung..." nakabitin na sabi ni Don.

Tumingin si Fea sa malawak na dagat at nagkibit balikat.

"Nag-usap na kami," paunang salita ni Fea habang nakatanaw sa dagat. "Sabi ko sa kanya 'masaya ako para sa kanya',"

"Pero yun ba ang totoo?" usisa ni Don na hindi pa rin inaalis ang tingin kay Fea.

"Oo naman," nakangiting sumulyap si Fea sa kausap bago yumuko at pinagmasdan ang mga buhangin sa kaniyang paanan. "Hindi man sya ganun kadaling tanggapin, para sakin... pero masaya naman talaga ako para sa kanya. Sa ngayon syempre, may bigat pa rin sa pakiramdam. Yung tipong, pinipilit kong ipakita sa kanya na okay na, pero ang totoo syempre hurt pa din ang lola mo. Nakakabigla kasi. Parang kelan lang kasi nung sinabi nyang may jowa na sya, tapos parang unti-unti pa lang nagsisink-in sakin yon tapos biglang proposal na agad. Parang napakabilis ng lahat. Parang ang hirap pang i-absorb lahat. Tapos ang OA ko lang ano? Eh friend lang naman ako," nangingiting pailing-iling na sabi ni Fea. "Ay teka, bakit ko nga pala sinasabi sayo to?" nakangiti siyang sumulyap sa kausap. Matapos non ay bahagya niyang sinipa-sipa ang buhangin na dumadausdos sa suot niyang brown na rubber shoes.

"Pero salamat nga pala kagabi," pagpapatuloy ni Fea. "Kundi dahil sa sinabi mo hindi pa siguro ako mahihimasmasan sa mga bagay-bagay. At least ngayon alam ko na kung saan ako dapat lumugar."

"Ah, wala yon," tila ba nahihiyang tugon ni Don sabay kamot ng ulo.

Nang tumahimik ang paligid, sabay na tumingin ang dalawa sa kaharap na dagat. "Eh, pano nga pala yung plano nyo ni Arriane? Di ba sabi mo yung ilang araw mo na leave eh para sa pamamasyal nyo ni Arriane?" pag-iiba ni Don ng usapan.

"Pinag-iisipan ko nga kung itutuloy ko pa yung ibang na-plano namin o magstay na lang ako sa flat," sabi ni Fea sabay buntong-hininga. Bahagya siyang napangiti nang hinabol ng dalawang maliliit na batang babae ang ilan sa mga ibong lumapag sa dalampasigan.

 Bahagya siyang napangiti nang hinabol ng dalawang maliliit na batang babae ang ilan sa mga ibong lumapag sa dalampasigan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Anu ba yung mga plano nyo?" tanong ni Don habang pinanonood din ang mga bata.

"Pupunta sana kami ngayon sa Jebel Jais kasama yung mga kasama namin sa flat," sagot ni Fea. "Actually, natuloy nga sila. Umalis sila kaninang 9. Hindi lang ako sumama kasi jahe naman, hindi ko pa naman sila ganun ka close."

"Ah," tugon ni Don.

"Tapos bukas naman daw, pupunta sa Madhab Park. Malapit lang daw yun. Dyan sa may bandang palasyo. May picnic daw kasi. Parang Christmas party celebration ata,"

"Punta ka," masayang sabi ni Don sabay tingin kay Fea na bahagyang nagulat sa suhestiyon nito. "Christmas party namin yan," nakangiting sabi pa niya. "Tayo-tayo lang naman ng mga kasamahan kong Pinoy sa school at yung mga Pinoy na friend namin sa building nyo ang mga kasama."

"Ah, ganun ba," tugon ni Fea.

"Oo. Masaya yan kaya sumama ka na,"

"Uhmmm..." hindi tiyak na sagot ni Fea. Muli siyang tumingin sa mga naglalarong bata at nag-isip.

"Sige na, sama ka na. Wala ka namang ibang lakad bukas di ba?" pangungumbinsi ni Don. "At saka andun naman ako. Pag nabored ka pwede naman tayong umalis at magpunta sa iba. Ah este, pwede naman kitang ihatid pauwi agad kung gusto mo."

"Hmmm..." bahagyang tumangu-tango si Fea.

"Hindi naman required na magdala ng pang exchange gift. Kung sino lang naman ang may gusto. Yung may dala lang naman ng mga gifts ang magbubunutan. Pero kung gusto mong sumali, pwede kitang samahan ngayon na bumili ng regalo," alok ni Don. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin kay Fea. "At since wala naman akong gagawin ngayong araw, eh, pwede din kitang samahan mag lunch, miryenda at dinner, kung okay lang sayo?"

"Hmmm, sige," nakangiting tumingin si Fea kay Don na tila nagulat sa sagot niya.

"Ah... payag ka na samahan kita ngayong mag lunch, miryenda at dinner?" tanong ni Don na tila ba hindi makapaniwala sa sinagot ni Fea.

"Ay hindi," biglang bawing sagot ni Fea. "Ang ibig kong sabihin eh, payag na kong sumama sa picnic bukas. Di ba yun naman ang pinag-uusapan natin?"

"Ah, oo nga pala," nangingiting napakamot sa ulo si Don. "Eh yung lunch ngayon? Gusto mo bang sabay na lang tayo? Ako nang bahala sa lunch."

"Naku thank you na lang," pagtangging sagot ni Fea. "Madaming pagkain ngayon sa bahay. Dala ni Arriane. Yung natira sa party."

"Ah madami ba? Pakain naman," sabi ni Don.

Natawa si Fea sa seryosong mukha ng kausap. "Seryoso ka ba talaga? Kung gusto mo ipagbabalot kita."

"Naku hindi na. Joke lang yon," nakangiting tugon ni Don. "Actually, madaming pagkain ngayon sa flat namin. May adobong chicken legs, adobong chicken thighs, adobong chicken feet, adobong ulo ng manok, adobong leeg ng manok at adobong itlog. Ikaw baka gusto mo ipagbalot kita?"

Hindi napigilan ni Fea ang mapahalakhak.

"Naku wag na," sabi ni Fea matapos tumawa.

"Alam mo, gustung-gusto kong nakikita kang tumatawa," biglang sabi ni Don kasabay ang pagpungay ng mga matang tila ba nagpapacute. "Lumalabas lalo ang ganda mo pag tumatawa ka," dagdag pa ni Don sabay hagod ng kamay sa kaniyang kulot na buhok na para bang nagpapapogi.

Don, sa FujairahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon