Chapter 19

6 2 0
                                    

Biyernes, December 21.

Sa mga nakalipas na araw, bagama't walang nabago sa masayang samahan nina Fea at Arriane matapos ang isang gabi ng seryosong usapan, naging malihim naman si Fea tungkol sa pasikreto niyang pagkikipag-usap kay Don. Hindi lang ito dahil sa surprise party na inihahanda nila, ayaw lang din ni Fea na isipin ni Arriane na sa kabila ng pag-uusap nila't pagpapaalala sa kaniya ni Arriane na maging maingat sa pakikipagkaibigan, ay patuloy pa rin siya sa pakikipag-usap sa lalaking hindi niya lusbusang kilala.

"Happy birthday, Pok!" pabulong na sabi ni Fea kay Arriane na nakahiga pa sa kama. Nakaupo si Fea sa gilid ng kama ng kaibigan. Nakalapit ang kaniyang mukha sa tainga ng nakatagilid at nakapikit pang si Arriane.

"Uhmmm..." ungol ni Arriane na tila ba wala pang planong gumising.

"Pok, nagmessage sakin yung bisor ko. Pinapapasok ako ngayon. Kahit half-day lang daw," bulong ni Fea.

"Ha?" tila naalimpungatang sagot ni Arriane sabay mulat ng mata.

Bahagyang nilayo ni Fea ang mukha sa kaibigan.

"Pok, dahan-dahan naman sa pagsagot. Ambaho ng hininga mo," kunot noong sabi ni Fea. Marahan niyang inalis ang malaking muta sa kanang mata ng kaibigan.

"Ahayyy... sorryyy..." pang-aasar na tugon ni Arriane nang sabihin niya ito ng pabuga.

"Wow!" sabi ni Fea sabay punas ng kaniyang ilong. "Nanunuot sa sinus ang amoy ha."

Nakangiting nag-unat ng katawan si Arriane.

"Pok, gagayak na ko at pasado alas dose na. Maya-maya susunduin na ko ng van. Initin mo na lang yung natirang ulam kahapon para lunch mo ngayon. Mamayang dinner ite-treat kita sa labas, birthday gift ko sayo. Before 7 andito na ko kaya dapat ready ka na non ha?"

Patayo na si Fea nang hilain siya ni Arriane.

"Hmmm, wag ka na pumasok," paglalambing na sabi ni Arriane. Nilakasan niya ang pwersa ng paghila kaya napahiga sa tabi niya si Fea. "Dito ka na lang. Samahan mo na lang ako," sabi pa niya sabay yakap kay Fea.

"Anu ka ba. Pagagalitan ako ng bisor ko pag di ako pumasok," paliwanag ni Fea habang iniiwas niya ang mukha niya mula sa hininga ni Arriane.

"Ang sad naman kasi kung di kita kasama eh birthday ko," pilit na inilalapit ni Arriane ang bibig sa mukha ng natatawang si Fea.

"Half day lang naman ako. Saglit lang yun. At saka babawi na lang ako sayo mamaya. Gigimik tayo pagbalik ko," humagikgik si Fea na parang kinikiliti dahil sa kulit at hininga ng kaibigan.

"Promise?" tanong ni Arriane.

"Oo, promise. Sige na at gagayak na ko," pilit na tinanggal ni Fea ang nakapulupot na kamay ni Arriane sa kaniya. Nang makawala't bumangon, mabilis niyang iniwan si Arriane na tawang-tawa sa kalokohan nilang magkaibigan.

Hindi alam ni Arriane ang ginawang pagsisinungaling ni Fea. Walang message na natanggap si Fea mula sa bisor na pinapapasok siya ng half day sa araw na iyon. Iyon lamang ang naisip ni Fea na palusot para sa sikreto nilang pag-prepare sa mga kailangan at decoration sa venue para sa surprise party ng kaibigan. Kasama niya sa pag-aasikaso si Abono at ang iba pang mga kaibigan nito kasama si Don.

At dahil maaga pa para sa pagpunta sa venue na nakaschedule ng 5:00 ng hapon para sa pag-aayos at 7 ng gabi para sa pagsisimula ng event, minungkahi ni Don na magkita sila ni Fea sa Fujairah Mall (na karugtong ng Millennium Hotel) ng alas dos ng hapon. Doon na sila maghihintay sa pagsapit ng takdang oras ng pagpunta sa venue.

 Doon na sila maghihintay sa pagsapit ng takdang oras ng pagpunta sa venue

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Don, sa FujairahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon