Chapter 17

10 3 0
                                    

"One fiesta chicken salad, two peach iced tea, and two country fried chicken," sabi ni Don sa Nepali server habang nakatingin siya sa hawak na menu. Kaharap si Fea na nasa kabilang side ng table, komportableng nakaupo si Don sa malambot na silya sa loob ng Applebee's. Ang restaurant na ito sa loob ng mall na karugtong ng Millennium Hotel ang isa sa pinakamalapit na kainan sa area na iyon.

 Ang restaurant na ito sa loob ng mall na karugtong ng Millennium Hotel ang isa sa pinakamalapit na kainan sa area na iyon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Uhm... and can you please change the side dish to baked potato and vegies for two?" dagdag pa ni Don sa lalaking kumuha ng order, sabay tingin kay Fea na tila kinukumpirma ang pagpapalit ng side dishes.

Ngumiti si Fea at tumango – pagsasang-ayon niya sa request ng kasama.

"Sure, Sir," magalang na tugon ng matangkad at payat na server. "I'll just repeat the order, Sir. One fiesta chicken salad, two peach iced tea, and two country fried chicken with baked potato and vegies for sides."

"Yes, my Friend," masiglang tugon ni Don.

"Would you like to have an appetizer? How about desserts? Any additional, Sir, Madam?" tanong ng server sabay tingin kay Fea.

Nakangiting umiling si Fea, at marahan niyang inilapag sa lamesa ang hawak na menu.

"That would be all, my Friend," sagot ni Don nang hindi umimik si Fea.

"Okay, Sir. Your food will be served in 15 to 20 minutes."

"Ah, my Friend," habol ni Don bago umalis ang server. "Can I have balsamic vinegar and olive oil for the salad?"

"Sure, Sir."

"Thank you," pasasalamat ni Don bago tuluyang lumakad palayo ang server. Sa pag-alis nito, tila napansin ni Don ang bahagyang pagka-ilang ni Fea.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Don habang nakasandal sa upuan at pinagmamasdan ang kaharap.

"Ah... Okay naman," sagot ni Fea habang iniikot ang paningin sa loob ng restaurant. "Wala bang food court dito?" biglang tanong niya kay Don nang tumingin siya rito.

"Ah... meron naman," sumulyap si Don sa labas ng resto. "Banda dun sa kabilang side," sabay muestra ng kamay. "Kaya lang Mcdo lang ang makakainan don eh. Bakit mo naman natanong?"

"Alam mo, okay naman ang Mcdo. Bakit dito pa tayo pumunta? Eh medyo may kamahalan dito, mapapagastos ka," mahinang sabi ni Fea.

"Anu ka ba. Okay lang yon," nakangiting sagot ni Don sabay usog ng upuan palapit sa lamesa.

Oh, okay naman pala, Fea. Kinausap ni Fea ang sarili sa isipan. Wag ng mahiya at willing naman syang gusmastos. Mukha namang galante.

"Minsan lang naman tayo dito. At saka ganun talaga pag nagpapa-impress ang tao," dagdag pa ni Don. Sumilay ang pilyong ngiti sa kaniyang mukha.

"Ha?" patay-malisyang sagot ni Fea.

"Teka, gusto mo bang tikman yung lava cake nila?" biglang iniba ni Don ang usapan. Tila ba bigla siyang nahiya sa patay malisyang reaksyon ni Fea. Kagatlabi siyang napatingin sa picture ng desserts na nakadikit sa wall na nasa gilid nila.

Don, sa FujairahWhere stories live. Discover now