Chapter 22

5 3 0
                                    

Sumalubong ang malamig na hangin ng aircon sa pagpasok nina Fea at Arriane sa entrance ng Millennium Hotel. Suot ang nude shoes heels at itim na blazer na itinerno ni Arriane sa suot na red dress, confident siyang naglakad sa eleganteng lobby kasabay si Fea na mukhang magnininang sa binyag – na nagmukhang pang majonders nang pinaibabawan niya ang suot ng kulay beige na knitted cardigan.

"Pek, sigurado ka bang dito mo ko ililibre ng dinner?" pabulong na tanong ni Arriane kay Fea habang naglalakad sa malawak na lobby. "Mukang sosyalin dito, Pek," dumuyan ang maliit na puting shoulder bag na may mahabang strap na nakasabit sa kanang balikat ni Arriane.

"Anu ka ba, Pok," mahinang tugon ni Fea. "Wag ka ng kumontra dyan. Para kang antiox eh. Ngayon na nga lang kita malilibre sa ganito ayaw mo pa?" pirming nakadikit sa tiyan ni Fea ang hawak na dirty white purse.

"Hindi naman sa ayaw noh. Type ko nga eh. Pero syempre, worried lang ako," pabulong pa ring sabi ni Arriane. "Baka mamaya maubos ang budget mo, eh baka mangutang ka sakin."

"Hay naku. Kaya ka pala worried," medyo masungit na tugon ni Fea sa mahinang boses habang diretso pa rin sila sa paglalakad patungong elevator. "Wag kang mag-alala noh. Pag naubos ang anda ko dito, hindi ako mangungutang sayo kasi pwede naman tayong maghugas ng pinggan pag tapos mag dinner noh!" Impit na tawa ang sinukli ni Arriane na biglang nahinto nang makasalubong nila ang grupo ng mga tila executives na mukhang galing sa meeting.

Pinindot ni Fea ang up arrow sa labas ng lift at naghintay sa pagbubukas nito. Tahimik ang dalawang magkaibigan nang pumasok sa elevator kasabay ang dalawang babaeng mukhang modelong Russian na biglang sumulpot sa kanilang likuran.

Hay! Muntik na kong mabuko ni Pok kanina sa pagtetext ko kay Don ah. Inalala ni Fea ang pangyayari sa taxi kanina habang nakasakay sila patungong hotel. Buti hindi sya nagduda at pinaniwalaan nya yung sinabi kong sa harap na lang ako ng taxi sasakay para may clear view ako ng daanan papuntang hotel. Iyon ang naging paraan niya para makapagtext siya kay Don at mainform ito na on the way na sila sa hotel – nang sagayon ay makapaghanda na sila sa pagdating ng celebrant.

Unti-unting umandar pataas ang elevator nila Fea. Pagdating sa 2nd floor ay bumaba ang dalawang babaeng kasabay nila.

"Pek, san ba tayo?" pabulong na tanong ni Arriane.

"Ah, dun tayo sa tuktok," sabi ni Fea sabay tapat ng key card sa maliit na scanner ng elevator. Matapos non ay pinindot niya ang 12th floor.

"Anu ba tong pakiramdam ko, Pek," mahinang sabi ni Arriane. "Hindi pa tayo kumakain eh parang natatae na ko," marahang pumadyak-padyak si Arriane sa kinatatayuan.

"Uy excited," panunukso ni Fea. "Pero wag masyado excited ha? Kasi kanin lang naman kakainin natin dito," sabay tawa ni Fea nang mag-make-face ang kaibigang si Arriane na tila dismayado sa sinabi niya.

Ting!

Sabay na napatingin ang magkaibigan sa floor indicator ng lift nang tumunog ito. Bumukas ang elevator at sabay na lumabas ang dalawa.

"Tara, dito tayo," marahang hinila ni Fea ang kaliwang kamay ng kaibigan.

"Pek," mahinang sabi ni Arriane. "Nakakasosyal naman tong red carpet na nilalakadan natin. Tapos may mga nakasabit pang paintings sa wall," sabi pa niya habang kahawak-kamay si Fea. Kasunod siya sa paglalakad ni Fea sa carpeted na hallway patungo sa nakapinid na malaking pintong nasa dulong bahagi. "Pero... dito ba talaga yung pinaka restaurant ng hotel? Bakit an tahimik ata?"

"Anu ka ba," halos pabulong na sagot ni Fea na patuloy pa rin sa paglalakad. "Syempre kumakain mga tao kaya tahimik. Ikaw ba maingay pag kumakain?"

Don, sa FujairahWhere stories live. Discover now