Chapter 21

6 4 0
                                    

Saktong 6:30 pm nang makarating si Fea sa tinutuluyang flat. Naabutan niyang nag-aayos ng buhok si Arriane na nakabihis ng maong na pants at blue knitted sweater.

"Uy, magpalit ka nga," sabi ni Fea sa kaibigan nang ilapag niya ang shoulder bag sa tabi ng higaan ni Arriane.

"Ha? Chaka ba tong suot ko?" pagtatakang tanong ni Arriane habang sinusuri ang suot sa harap ng full body mirror sa cabinet.

"Maganda naman yang suot mo, kayalang hindi bagay sa pupuntahan natin," sagot ni Fea habang hinahawi-hawi ang ilang pirasong bestidang nakahanger sa loob ng cabinet. "Magdress ka, kasi sa hotel kita dadalhin."

"Ha? Sa hotel?" lumaki ang mga mata ni Arriane na nakatingin pa rin sa salamin. "Bakit sa hotel? Anung gagawin mo sakin? Teka, me gusto ka ba sakin?" over acting na niyakap ni Arriane ang sarili na akala mo'y natatakot.

"Ay wag kang feeling! Kahit world cup yang boobs mo hindi kita type noh," medyo masungit na sagot ni Fea. "Oh," inilabas ni Fea sa cabinet ang hanger na may nakasabit na sleeveless sexy red dress na hanggang tuhod. "Eto ang isuot mo," pagmamalaking suhestiyon ni Fea sabay dikit ng damit sa katawan ni Arriane.

Sinipat ni Arriane mula sa salamin ang sarili. Tiningnan ang lapat ng pulang damit (na nakasabit pa rin sa hanger) sa kaniyang katawan.

"Oh di ba? Bagay," sabi ni Fea.

"Oo nga, Pek," pagsang-ayon ni Arriane. "Sexy pero decent looking ako dito. Hindi tulad nung isa kong dress na nagmumura ang cleavengeng pagsuot ko. Teka, san mo nakuha tong damit na to?" pagtatakang tanong ni Arriane habang tinatanggal ang hanger ng damit.

"Naku, regalo sakin yan nila Ivy nung birthday ko last month," pagsisinungaling ni Fea. Ang totoo'y binili talaga niya iyon para kay Arriane last week bilang regalo niya sa mismong araw ng birthday nito. "Eh hindi ko naman to masusuot noh. Oh, tignan mo," pinakita ni Fea ang chest part ng damit. "Ang laki nito oh. Pang world cup! Eh cupcake lang ang size ko," kunwari'y dismayadong sabi ni Fea. "Ewan ko ba sa mga baklang yon bakit ako binigyan nito. Porket ako lang ang cupcake sating lahat eh pinagtitripan talaga ako. Last year nga di ba, cake na boobsikel ang gift nila sakin. Sabi, yun daw ang wish nila sakin. Ang magkaron ng boobsikel."

Bahagyang natawa si Arriane. "Uy, alam mo. Namimiss ko na ang mga baklang yon. Birthday mo last year nung huli ko silang nakita," sabi niya sa medyo malungkot na boses. "Hay, kamusta na kaya sila?"

"Hay naku. Tama na nga ang drama," pagsuway ni Fea sa kaibigan sabay wasiwas ng kamay. "Magbihis ka na nga. Anung oras na oh," dagdag pa niya sabay turo sa kaniyang imaginary wrist-watch.

"Hay naku, patawa ka talaga. Ala ka namang relo," nakangiting sagot ni Arriane nang isabit niya sa kaniyang balikat ang red dress. "Eh anu nga palang isusuot mo?" tanong niya habang ina-unbotton ang pantalon.

"Etong paboritong damit ng lola ko," nakangiting tugon ni Fea nang inilabas niya mula sa cabinet ang cream colored dress na naka hanger. Isinabit niya ang damit sa handle ng cabinet. Floral ang disenyo ng hanggang tuhod na bestidang pinapaikutan ng raffles ang laylayan at sleeves nito.

"Parang aattend lang ng binyag ah," pabirong kumento ni Arriane nang hubarin ang knitted sweater habang hawak-hawak ang pulang damit. "Nakita ko yung black dress mo dyan ah. Yung sleeveless na mahaba. Maganda sya. Bakit hindi na lang yon ang isuot mo?" suhestiyon niya habang maingat na isinusuot ang red dress.

"Yung long gown?" natatawang tugon ni Fea. "Anu ka ba, Pok. Pang awards night yun noh!" sabi niya habang hinuhubad ang pang ibabang uniform. "At saka ito ang trip kong isuot ngayon noh. 'Wag ka nga dyan! Baka pag naglong gown pa ko eh masapawan pa kita. Eh ikaw tong may birthday. Teka," tinanggal ni Fea mula sa hanger ang bestidang isusuot habang panloob na lamang na kasuotan ang nakabalot sa kaniyang katawan. "Asan nga pala sila te Tess at sila Grace?" tanong niya sa sagot na alam niya.

"Ay, ewan ko ba. Bigla na lang nawala yung mga tao dito paglabas ko ng cr kanina," dismayadong sagot ni Arriane. Hinagod niya ang fitted waist part ng suot na damit at bumakat ang mala-coca-cola niyang katawan sa red dress na ipinasuot sa kaniya ni Fea. "Hindi man lang nagsabi kung pasaan sila. Ni hindi man lang ako binate ngayong birthday ko. At ni isa, bukod sayo, ni isa wala pang ibang nabati sakin kahit sila mommy," halata ang tampo sa tinig ni Arriane na ramdam sa saglit na katahimikan.

"Shocking, Pok," sabi ni Fea nang tingnan niya si Arriane mula ulo hanggang paa. "Hang ganda mo dyan sa suot mo!" papuri niya sa kaibigan. "Grabe! Lalong lumabas ang ka-sexy-han mo dyan sa damit. Tapos tumerno pa sa ginawa mong pag curl sa laylayan ng hair mo. At ang skin oh. Kitang-kita ang pagka-ploles!" eksaherada niyang dagdag. Sinadya niya iyon upang maituon na lang ang usapan sa damit imbes na malungkot pa ito dahil sa pakiramdam na nalimutan siyang batiin ng mga kaibigan at pamilya, especially ng kaniyang jowa na alam ni Fea'ng hindi babanggitin ni Arriane. Bigla tuloy nakunsensya si Fea na pati pamilya ni Arriane sa Pinas ay kinuntsaba niyang wag munang batiin ang kaibigan sa buong araw na iyon, dahil sa sorpresang handa ng jowa nito na medyo matagal na ring kilala ng pamilya ni Arriane. Parang hindi na tuloy makahintay si Fea na ipakita sa kaibigan ang recorded video greetings ng kaniyang pamilya.

Di bale, saglit na lang at mapapanood na ni Arriane ang video greetings nila tita Lala at mga kapatid nya. Magiging happy din sya mamaya. Sabi na lang ni Fea sa isipan.

"Ay grabe, almost perfect ka na dyan, Pok," sabi pa ni Fea sabay tingin sa paa ni Arriane. "Kung nilinis mo lang sana yung dalawang kuko mo sa dulo."

Napatingin si Arriane sa kaniyang kuko. "Sira ka talaga, Pek. Hindi yan dumi. Patay na kuko yan," natatawang tugon ni Arriane. "Kainis ka."

"Charot lang! Ikaw naman oh," birong sagot ni Fea. "Alam mo namang kahit lahat pa ng kuko mo eh ma deds na eh wala ng ibang makakatalbog pa sa ganda mo kundi ako lang noh! Anung panama ng world cup mo sa cupcake ko?"

Humagikgik si Arriane. Lumaki naman ang ngiti sa mukha ni Fea nang makita niyang kahit papaano'y napasaya niya ang kaibigan.

"At since umaapaw ang ganda natin ngayong gabi, I'll make sure na magiging happy ang araw mo sa pagrampa natin ngayon," excited na sabi ni Fea. "Kaya, Pok, let's go na!"

Don, sa FujairahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon