Chapter 4

29 5 2
                                    

Kinabukasan, maagang nagising si Fea. Alas otso palang ng umaga ay mulat na ang kaniyang mga mata. Routine na niya sa umaga ang tumawag sa Pinas sa kaniyang Mama Marlyn at sa batang si Greyson bago pa niya simulan ang kaniyang araw. Kinukumusta ang kalagayan ng pamilya at ang munting pataniman ng kaniyang Papa Ratsi sa Nueva Ecija na ipinamana ng kaniyang Lolo Danding. Apat na oras ang advance time ng Pinas sa UAE, kung kaya't ang alas nueve o alas diyes ng umaga na karaniwang oras nang pagtawag ni Fea ay hapon na sa Pinas.

Matapos ang kaniyang pagtawag, niyaya siya ni Arriane na puntahan sa sala ang magpinsang nagpapaupa ng flat na tinutuluyan nila. Doon, naabutan nilang nanonood ang mga ito at ang dalawa pa nilang kasama sa bahay ng teleseryeng madalas daw nilang abangan at panoorin pag walang pasok, ayon kay Arriane.

Mabait at mabiro ang magpinsan na sina Ate Tess at Jona. Nasa edad 30+ si Ate Tess, at hindi naman nalalayo sa edad nina Fea at Arriane si Jona. Ang magpinsan ay parehong accountant na nagtatrabaho sa magkaibang kumpanya sa Free Zone. Maaga ang kanilang pasok – 8am to 5pm, hindi tulad nina Fea at Arriane na ang duty ay 2pm to 10pm (na minsang umaabot ng 11pm) sa isang mall.

 Maaga ang kanilang pasok – 8am to 5pm, hindi tulad nina Fea at Arriane na ang duty ay 2pm to 10pm (na minsang umaabot ng 11pm) sa isang mall

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Fujairah Free Zone

Matapos maipakilala ni Arriane si Fea sa magpinsan, at kina Grace at Marilou na kanilang ka-roommate, pumunta na sila ng kusina upang mag-agahan at maagang maghanda ng pagkain nilang dalawa para sa buong araw na iyon.

Pananghalian at baong hapunan. Portion-portion na ang adobong manok at kanin na kanilang iniluto. Ganito ang normal na gawain nila sa araw-araw kapag sila'y may pasok. Karaniwang pasado alas diyes ng umaga sila magluluto pagkatapos mag-almusal ng tinapay at kape. Manananghalian, gagayak sa pagpasok, magdu-duty, uuwi ng bahay at matutulog. Iyon ang cycle ng buhay nila sa tuwing may pasok. Tuwing Lunes ang day off ni Fea at Martes naman si Arriane.

Si Arriane ay mahigit dalawang taon ng Beauty Consultant, samantalang si Fea naman ay mahigit isang taon palang. Hawak ni Fea ang Olay products at si Arriane naman ay sa Ponds. Unang nagtrabaho si Arriane sa Deira Dubai Carrefour ng ilang buwan bago siya inilipat sa ibang branch. Si Fea naman ay sa Deira Dubai Carrefour din nagsimula bago dinestino sa Fujairah.

 Si Fea naman ay sa Deira Dubai Carrefour din nagsimula bago dinestino sa Fujairah

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Don, sa FujairahWhere stories live. Discover now