Chapter 18

8 3 0
                                    

Madilim na nang makauwi si Fea. Idinaan muna siya ni Don sa kaniyang building bago nito pinadiretso ang sinasakyang taxi sa Gurfa kung saan siya nakatira. Sa dami ng supot na hawak ni Don na napamili nila para sa decoration ng venue at prizes para sa pa-games sa surprise party, hindi na nito nagawa pang bumaba ng sasakyan para ihatid si Fea sa tinutuluyang flat.

Bagama't nakakapagod ang araw na iyon para kay Fea, satisfied naman siya sa pagiging productive niya sa araw na iyon. Nagawa niya ang lahat ng mga dapat gawin, at kahit papaano'y na-enjoy niya ang buong maghapon kasama ang bagong kaibigan.

Hmmm... hindi naman siguro masamang makipagkaibigan ulit sa kulot... Sabi niya sa isipan habang nakasakay sa loob ng elevator bitbit ang supot ng take away niyang pagkain mula sa Golden Fork resto kung saan siya inilibre ng hapunan ni Don. Lalu na't galante. Napangiti siya nang sinilip ang laman ng dalang supot. Isang tray ng mixed seafood grill, isang hotpack ng mixed vegetables at hototai soup. Sa ibabaw nito'y nakapatong ang isang pint ng cotton-candy ice cream ng Baskin-Robins na tingin niya'y bahagya nang lusaw dahil sa mga ulam na medyo mainit pa. Lahat ng iyon ay take away order ni Don para kay Fea.

"Eto oh," sabi ni Don sabay abot kay Fea ng supot ng pagkain paglabas nila ng resto, habang sa kabilang kamay ay hawak naman niya ang mga plastic na pinaglalagyan ng mga pinamili para sa surprise party

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Eto oh," sabi ni Don sabay abot kay Fea ng supot ng pagkain paglabas nila ng resto, habang sa kabilang kamay ay hawak naman niya ang mga plastic na pinaglalagyan ng mga pinamili para sa surprise party. "Pambaon mo bukas," dagdag pa ni Don na sinamahan ng matamis na ngiti.

"Hala, nakakahiya naman," mahinang tugon ni Fea na nag-alanganin pa sa pagtanggap ng alok ni Don noong una. Naramdaman niya ang biglang pag-init ng kaniyang pisngi nang kunin ang supot sakabila ng malamig na hanging humahalik sa kaniyang balat.

"Alam kong napagod ka sa mga inasikaso natin ngayon, kaya para makabawi man lang ako, yan na ang ilunch at baon mo bukas."

"Naku, parang over naman na ata to," nahihiyang sabi ni Fea. "Nilibre mo na nga ako ng lunch at dinner ngayon, tapos may take away pa." Marahang hinangin ang nakalugay na mahabang buhok ni Fea habang nakatayo sa maliwanag na labas ng resto't nag-aabang ng masasakyang taxi.

"Hmmm, osige kung nahihiya ka, eh di bayaran mo na lang," natatawang sabi ni Don. "with 50% interest."

"Aba! Modus ba to? Daig mo pa ang five-six ah," nakangiting tugon ni Fea. Sa maghapong kasama niya si Don, nasanay na siyang sakyan ang biro nito.

"Joke lang," sabay bawi ni Don. "Sige kung ayaw mong bayaran eh di kiss na lang."

Gulat, ngunit nakangiting pinandilatan ng mata ni Fea ang kasama.

"Joke lang. Ikaw naman oh," pagbawing muli ni Don na abot batok ang ngiti. "Try ko lang naman baka makalusot," dagdag pa niya sabay hagod ng kamay sa kulot na buhok na parang nagpapapogi.

"Hay nako!" sabi ni Fea. Bagama't bahagyang kunot ang noo, hindi pa rin nawawala ang ngiting nakaguhit sa kaniyang pisngi. Sa buong araw na nakasama niya si Don, napansin niya na ang pagiging ma-feeling nito, at ang medyo mayabang nitong kilos ay bahagi lamang ng mapagbiro niyang ugali. Sa katunayan, hindi niya ito nakitaan ng masamang ugali. Ang may pagkabastos na unang impresyon niya kay Don noong una niya itong makita, ay malayo sa pagiging maginoo at masayahin nitong karakter. Sa buong maghapon nilang magkasama, hindi ito naringgan ni Fea ng mapanglait o mapanghusgang salita, dahilan upang gumaan ang pakiramdam niya sa lalaking noong una'y labis niyang kinaiinisan.

Don, sa FujairahWhere stories live. Discover now