Chapter 32

7 2 0
                                    

"Hi," malugod na bati kay Fea ng morenang payat na matangkad na babae na nakasalampak sa carpeted na sementong sahig sa bungad ng sala. Naabutan nina Fea at Don na nagsasalansan ito ng mga regalo sa ilalim ng Christmas Tree habang nakikinig ng masayang kantang 'kumukutikutitap' mula sa Smart TV na nakaconnect sa Youtube. Kita ang makinis at medyo mahaba niyang leeg sa nakatali niyang kulot na buhok na lagpas balikat. "Finally, nakita din kita. Kala ko imaginary friend ka lang ni Don."

"Ate Janet naman," kamot-ulong sabi ni Don.

"Joke lang. Ikaw naman," biro ng babae sabay tayo. Halos limang pulgada na lamang ay kasing taas na niya si Don. "Janet nga pala," sabi niya kay Fea nang iabot ang kaniyang kamay. "Pinsan ni Don," dagdag pa niya nang hawakan ni Fea ang kaniyang kamay.

"Fea," nakangiting tugon ni Fea sa kausap.

"Teka, nagdinner ka na ba?" tanong ni Janet matapos nilang magbitiw ng kamay. "Don, dalhin mo muna si Fea sa kusina at kumain muna kayo," biglang sabi ni Janet kay Don na hindi na nahintay ang sagot ni Fea.

"Eh ikaw? Asan pala si kuya? Sila Ate Norma pala?" tanong ni Don habang bitbit pa rin ang supot ng leche flan.

"Maya-maya na kami nila King. Pagbalik na nila Norma at Ate Sharon mo. Sinundo lang sa terminal sila Marianne at Jolly. Si Jen, susunod na lang daw dito bukas dahil may important meeting sya ngayon sa Abu Dhabi kaya hindi na nakasama."

"Sila Rex at Padi nga pala? Dumating na ba?" tanong muli ni Don.

"Hindi pa eh. Pero nagtext na sakin. Nakuha na daw nila yung order nating puto, kutsinta at pansit. Wait na lang daw nila yung order na inasal at di pa daw tapos lutuin."

Malawak na ngiti ang ganti ni Fea sa magiliw na sulyap ni Don sa kaniya nang marinig ang 'Inasal'.

"Uy, nice! May inasal!" galak na galak na sabi ni Don nang muli siyang humarap sa pinsan sabay kindat dito.

"OA ka naman makareact eh order mo yon no," masungit na sabi ng nakangiting si Janet. "Di ba sabi mo favorite yon ni Fea kaya umorder ka ng twenty pieces na whole legs para may pang take out din sya."

"Ate naman, binuko mo naman ako eh," sabi ni Don sabay kamot sa ulo. "Kinindatan na nga kita nang ganto di ba?" dagdag pa niya sabay muwestra nang pagkindat.

"Ay, kaya pala nakindat ka. Sorry, Insan," tugon ng natatawang si Janet.

Ngiting-ngiting pinagmasdan ni Fea ang nag-uusap na magpinsan. Biglang pumasok sa alaala niya ang mga masasayang paskong kasama ang mga pinsan sa Nueva Ecija.

"Sige, ganto na lang. Dahil binuking kita, mamaya sa exchange gift eh babawi ako sayo," nakangiting sabi ni Janet. "Sa ngayon eh, magdinner muna kayo ni Fea at akoy babalik na din muna sa pag-aayos ng mga gifts."

Pumunta sina Don at Fea sa kusina. Kumpara sa malawak na sala na may isang mahabang sofa, dalawang double-seater-sofa at six-seater na dinning table sa gilid, maliit lamang ang kusina na may maliit na lamesang bilog na sakto sa apat na katao.

Binuksan ni Don ang limang talampakang taas na ref at ipinasok dito ang bitbit na leche flan. Tanaw ni Fea na nakatayo sa likod ni Don ang box ng cake, mga patung-patong na tupperware ng pagkain, itlog, bote ng gatas, at juices sa loob nito.

"Wow, dami foods ah," kumento ni Fea nang kunin ni Don ang isang bote ng apple juice.

"Mahilig kasi kumain mga pinsan ko kaya madaming stocks sa ref," nakangiting sabi ni Don nang isara ang ref. "Yang si Ate Janet, napakalakas kumain nyan pero tignan mo naman ang katawan. Parang wala nang pag-asang tumaba."

"Uy grabe ka naman," natatawang sabi ni Fea.

"Sabi ko nga eh, baka kaya hindi na tumatalab yung kinakain nya eh dahil malaki na yung alaga nya sa tyan," nakangiting sabi ni Don nang ilapag niya sa lamesa ang juice. "Kaya nga nung sya ang nabunot ko sa exchange gift, alam ko na ang ibibigay ko sa kaniya," excited niyang sabi. "Antiox!" pilyong pabulong na pahayag niya.

Don, sa FujairahOnde as histórias ganham vida. Descobre agora