Chapter 14

9 2 0
                                    

"Pasensya na, Fea, kung natakot kita sa pagsunod-sunod ko sayo," lubos ang paghingi ni Abono ng paumanhin habang kinukumpara naman ni Fea sa isipan ang hitsura ng kaharap sa picture na ipinakita sa kaniya ni Arriane noong una nitong maikuwento sa kaniya ang tungkol sa jowa.

Ang picture ni Abono sa cellphone ni Arriane ay mas maihahalintulad sa hitsura ng mga Japanese. Mukha siyang foreigner na hindi marunong magtagalog. Masasabing may kaibahan ang litrato sa personal na hitsura dahil na rin sa filter, bagama't parehong may kagwapuhan sa picture man o sa harapan.

Nakaupo si Abono sa tapat ni Fea'ng nanlalaki pa rin ang mga matang nakatitig lang sa kaniya't walang imik. Halata ang hiya sa kilos ni Abono dahil sa palipat-lipat niyang tingin kay Fea at sa mga daliri niyang kaniyang nilalaru-laro.

"Plano ko na sanang magpakilala sayo nung nakita mo ko sa Carrefour na sumusunod sayo. Ang kaso, ang bilis ng lakad mo kaya di kita nahabol agad. Nung pagdating mo naman sa pwesto mo, nakita kong kausap mo na yung bisor mo. Kaya hindi na ko lumapit," paliwanag ni Abono. Ang malamig niyang boses ay tila ba nagpakalma ng bahagya sa tensyon ng paligid.

"Eh bakit hindi ka na lang nagpakilala't lumapit nung wala na yung bisor?" singit na tanong ni Don.

At bakit alam nyang bisor ko ang kausap ko? Kilala nya ba yon? Pagtataka sa isipan ni Fea bago unti-unting bumalik sa normal ang hugis ng kaniyang mga mata.

Tumingin si Abono kay Don bago muling nagsalita. "Nag-aalala kasi ako na baka biglang dumating si Baby Arriane ko. Alam mo na, baka makita ako."

Ah, Baby Arriane ha. Baby talaga? Eh teka, ano naman kung makita ka ni Baby Arriane? Teka naguguluhan na ko. Bulong ni Fea sa isipan.

"Nabanggit naman siguro sayo ni baby ko na nasa Dubai ako, di ba?" sabi ni Abono nang muli siyang humarap kay Fea. Alinlangang tumangu-tango naman si Fea bilang pagsagot. "Ang paalam ko kasi sa kanya, may seminar ako don ng ilang araw, at hindi na ko makakabalik ng Fujairah dahil pagkatapos non diretso flight na ko to Manila. Kaya hindi nya ko dapat makita." Diretso ang tingin ni Abono kay Fea.

"Pero bakit?" tanong ni Don na tanong din ni Fea sa isipan.

"Kasi... gusto ko sanang i-surprise sya sa birthday nya." Yumuko si Abono na tila ba muling nahiya.

Unti-unti namang gumaan ang magulong pakiramdam ni Fea. Unti-unti na niyang naiintindihan ang tila ba gustong mangyari ng kaharap. Ang ilang wrinkles sa kaniyang mukha dala ng tensyon ay dahan-dahan nang nare-relax.

"Nung gabing sinundan kita, pagkalabas mo ng Panaderia," umangat ang mukha ni Abono't muling tumingin kay Fea. Ramdam ni Fea ang pagsasantabi ni Abono ng hiya upang maipaliwanag ang sarili. "Plano ko na talagang magpakilala sayo non," saglit na napahinto si Abono nang siya'y lumunon. "Actually, nung una mo pa lang akong nakita sa Carrefour non eh gusto ko na talaga magpakilala sayo at kausapin ka. Nakaabang lang ako sa labas non, inaabangan kung kelan magbe-break-time si baby ko para kung sakali eh makapunta ako sayo nang hindi nya nalalaman. Eh sabay pala kayong nag break non. Nataon lang na dumating yung bisor mo kaya maaga mong tinapos ang break mo. Kakunchaba ko yung Pinoy na guard don, si Kuya Cesar, kaya kahit papano eh alam ko yung nangyayari sa loob."

Ah kaya naman pala alam nyang kausap ko yung bisor ko. Bahagyang napataas ang kilay ni Fea nang mapagtanto niyang "Stalker" nga talaga ang kaharap niya.

"Nung araw naman na nagpunta ka ng Panaderia, nakausap ko si baby Arriane ko sa telepono bago sya pumasok sa work non. Kinumusta ko sya tapos nabanggit nya sakin na hindi daw kayo sabay na papasok dahil nagchange off ka daw para kunin yung order mo ng Avon. At ime-meet mo daw yung magbibigay sayo sa Panaderia. Pare," nagulat na si Don nang biglang tapikin ni Abono ang balikat niya't humarap ito sa kaniya. "Pa-order naman ako ng tubig," malambing na utos ni Abono kay Don saka ito lumunun-lunon. "Sige na, Pre. Nagda-dry na throat ko oh."

"Ikaw talaga oh," sabi ni Don nang pinarinig ni Abono ang pag-ahem.

"Sensya na, Pre. Kabado eh," sabi ni Abono kay Don bago huminga ng malalim at muling tumingin kay Fea.

"Eh kaya 'yun nga, mga 5 pm naghihintay na ko sa pagdating mo. Nakatambay ako dun sa supermarket na kalapit ng Panaderia at sinisilip-silip ang pagdating mo. Hindi naman ako makapasok sa Panaderia dahil kilala kami ni baby ko ng mga staff don. Eh pagnakita nila ako eh baka mabanggit nila kay baby ko, eh mabibisto ang plano ko. Thank you, Pre," pagpapasalamat ni Abono nang iabot ni Don sa kaniya ang bottled water. Lumagok muna siya ng ilang beses bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. "Ahhh..." maginhawang usal niya habang nauupo si Don sa tabi niya.

"Nung lumabas ka ng Panaderia, dahan-dahan na kong naglakad non palapit sayo. Pero parang natakot ka ata sakin nun kasi napansin kong medyo bumilis ang lakad mo at iba yung tingin mo sakin, kaya nagdalawang isip din ako non habang sinusundan kita, kung itutuloy ko ba o hindi na yung paglapit pa sayo. Tapos nung nakabangga mo si Clarex, nataranta na ko kaya lumiko na lang ako dun sa may kanto ng building at umalis. Ewan ko ba bat nataranta ako eh si Clarex lang naman nakita ko," sabi ni Abono sabay iling. "Pero pag tapos non, after a few hours lang tumawag din agad ako kay Clarex," sumulyap siya kay Don na pirming nakatingin sa kaniya bago siya muling tumingin kay Fea. "Tinanong ko sya kung magkakilala ba kayo. At nung sinabi nyang oo, eh dun ko na naisip na gamitin sya para magpakilala ako sayo."

"Tsk!" sambit ni Don. "Manggagamit ka pala, Pre. Ginamit mo lang ako," pailing-iling ngunit nangingiting sabi ni Don.

"Pasensya na, Pre," seryosong paumanhin ni Abono nang hinarap niya si Don. "Espesyal kasi para sakin tong surprise ko para kay baby Arriane ko."

"Okay lang yun, Pre. Nagbibiro lang ako. Ikaw naman, masyado kang siryus," nakangiting tugon ni Don sa kaibigan. "Eh anu nga bang plano mo?"

Umayos nang upo si Abono. "Eh, Pre, okay lang ba kung?" sabi niya sabay sulyap kay Fea. "Kung lumipat ka ng upuan sa tabi ni Fea? Nakakangalay na kasi yung paglingon-lingon ko sa inyong dalawa eh."

Kumawala ang impit na tawa ni Don bago ito tumayo. "Yun lang pala eh." Saka tinungo ang upuan sa tabi ni Fea.

"So, ano nga ang plano?" nakangiting tanong ni Don sa kaniyang pag-upo.

Don, sa FujairahWhere stories live. Discover now