Chapter 7

21 4 0
                                    

"Uy, Pek," bahagyang hinila ni Arriane ang sleeve ng pulang t-shirt ni Fea habang dahan-dahan silang umaakyat sa fire exit ng kanilang building. Patungo sila sa 10th floor – flat 1001, upang umattend ng birthday nina Grace at ng co-teacher nito. "Ang dami mong benta kanina ah. Quota na pero parang di ka naman masyadong happy. Anyare?" sabay hawak ni Arriane sa steel railing ng sementong hagdan. "Dahil ba ikaw na ngayon si Kaka?" natatawang biro niya.

"Hay nako," biglang naalala ni Fea ang kinuwento niya sa kaibigan tungkol sa pagpapakilala ng lalaking kinaiinisan niya. "Tumigil ka na nga!" may konting inis sa tinig niya. "Di ko na nga iniisip yon pinaalala mo pa."

"Hmp! Ikaw naman oh, masyado ka namang high blood pag napag-uusapan si Kaka," sagot ni Arriane. "Eh bakit nga ganyan ang mood mo? May nangyari ba?"

"Hmmm... wala naman," bumuntong-hininga si Fea. "Bigla lang kasi pumasok sa isip ko kung pano ko hahatiin ang sahod ko itong katapusan. Nag-loan kasi ako last month para dun sa pinangtulong ko kay Papa Ratsi para sa bukid, tapos isinama ko na din yung pa-Chirstmas at pa-New Year ko sa kanila ni Mama Marlyn at Greyson. Kaya nagco-compute ako ngayon sa isip ko kung magkano na lang ang pwede kong maipon dahil magsisimula na akong magbayad ng loan itong kapatusan."

"Ganun ba," mahinang sabi ni Arriane. Tila ba napalitan ng bahagyang lungkot ang mapagbirong tinig nito kanina. "Alam ko maliit lang ang kita mo sa pagsa-sideline mo sa Avon. Pero sana kahit papaano eh makatulong," tumahimik saglit si Arriane na tila ba nag-isip. Ang tunog ng mga sapatos nilang tumatama sa sementong hagdan ay umalingawngaw sa kahabaan ng fire exit. "Hmmm... alam mo, meron akong nakilala last year dito sa Fujairah na nag-a-Avon. Sabi nya sakin medyo madami syang customer dahil dadalawa lang daw silang nag-a-Avon dito. Sya at yung ate nya. Sabi pa nya, maganda din daw ang kita nila. Siguro dahil sa kanila nga lang kumukuha mga kabayan dito. Kaya lang a few months ago umuwi na sila ng pinas. Kaya wala na din akong na-oorderan dito ng Avon. Ngayon na lang uli ako naka-order nung dumating ka. Uhm, ano kaya kung ialok mo sya sa mga co-teacher ni Grace? Malay mo may magustuhan sila."

Sumilip ang liwanag sa ngiti ni Fea nang tumingin siya sa kaibigan. "Oo nga ano... Ayos ka talaga, Pok!" inalog-alog ni Fea ang balikat ni Arriane sabay hila ng kamay nito.

"Oh teka, saan tayo pupunta?" tanong ni Arriane nang magsimulang bumababa ng hagdan si Fea akay ang kaniyang kamay.

"Sa bahay. Balikan lang natin saglit yung mga catalogue ko."

Matapos kunin ni Fea ang mga catalogue ng Avon, muli silang bumalik ni Arriane sa fire exit at dumiretso na sa 1001. Sa pagbukas sa pintuan ng flat, sinalubong sila ng masarap na amoy ng pritong manok. Pagpasok sa loob, naabutan nilang masayang nagkukwentuhan ang mga bisita. Tumuloy ang magkaibigan sa sala at doon, inalok sila ni Grace ng handa.

"Ano yang dala mo?" tanong ni Grace sa hawak ni Fea.

"Ah eh, catalogue ng Avon," may kaunting hiya sa tinig ni Fea.

"Ah nagbebenta ka ba? Patingin nga," sabi ni Grace sa malambing na boses.

"Ah, osige. Heto oh," masiglang inabot ni Fea ang catalogue kay Grace.

"Sige tignan ko lang muna to ha. Kain lang kayo," sabi ni Grace at saka tumalikod. Lumaki ang ngiti ni Fea nang makita niyang naglapitan kay Grace ang ibang bisita at nakisilip sa catalogue na hawak nito.

"Oh di ba?" sabi ni Arriane sabay kalabit kay Fea.

"Ang galing mo talaga, Pok!" masayang nilingon ni Fea ang kaibigan. "Tara, kain na tayo. Gutom na ko eh."

Maraming handa sa lamesa – may steamed fish, chicken biryani, pancit, coffee jelly, fattoush salad, cheese sticks, at iba pa. Pero sa dami ng pagkain, walang makitang baboy si Fea sa mahabang table.

"Puro halal pala ang handa," sambit ni Fea habang sumasandok ng kanin.

"Oo," bulong ni Arriane. "May mga ibang lahi din kasing bisita."

Nilingon ni Fea ang mga tao sa paligid. Puro mga babae lang ang bisita, at ilan sa kanila ay nakabalot ang ulo sa tela. Nakatago ang mga buhok sa hijab na suot.

"Kung mapapansin mo, exclusive lang sa mga girls ngayon ang party," sabi ni Arriane habang kumukuha ng pancit. "Yung mga kabayan friends namin dito sa Fujairah na boys eh hindi na inimbitahan para hindi maiilang yung mga co-teacher na bisita nila Grace," dagdag pa niya sabay sandok ng fattoush.

 "Yung mga kabayan friends namin dito sa Fujairah na boys eh hindi na inimbitahan para hindi maiilang yung mga co-teacher na bisita nila Grace," dagdag pa niya sabay sandok ng fattoush

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Fattoush Salad – mixed lettuce, olives, cucumber, red raddish, carrots, tomatoes in balsamic vinegar sauce, topped with fried kubus bread.

Fattoush Salad – mixed lettuce, olives, cucumber, red raddish, carrots, tomatoes in balsamic vinegar sauce, topped with fried kubus bread

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hummus – a puree cooked chickpeas (garbanzo beans), tahini, garlic, olive oil, lemon juice, and salt.

"Fea!"

Lumingon si Fea nang marinig ang kaniyang pangalan. Nakita niya ang pagkaway ni Grace.

"Pwede ko bang dalhin itong mga catalogue sa school sa Sunday?" sigaw ni Grace habang nakaupo sa mahabang sofa. Katabi niya ang mga kaibigang nakikitingin din sa hawak niyang catalogue. "May mga kasamahan pa kasi kami dun na naghahanap ng Avon."

"Ay oo. Sige," masiglang sagot ni Fea.

"Oh di ba, Pek?" bulong ni Arriane sabay siko sa tagiliran ni Fea. "Bet din ng mga ateng ang chorva kineme!"

"Oo nga, Pok. Bakla ka talaga," at sabay na naghagikgikan ang dalawa.

"Nga pala," biglang naalala ni Fea. "Kelan mo ba papakilala sakin yung bago mong jowa?" tanong niya bago sumubo ng fish shanghai.

"Ah, si Abono," sagot ni Arriane sabay kain ng fattoush. "Alam mo ba ha," sabi niya matapos lununin ang pagkain, "sa lahat ng mga nakilala ko, sya na ang pinakagwapo, maskulado, so gentleman, at pinakagalanteng lalake," pagmamalaki ni Arriane na may halong kilig. "At bukod don, napakagaling pa nyang chef ever!" dagdag pa niya sabay ningning ng kaniyang medyo naniningkit na mga mata.

"Wow ha! Wagas ka naman makadescribe, Pok, andaming achuchuchu," panunudyo ni Fea. "Eh tinatanong ko lang naman kung kelan ko ba sya mami-meet para paorderin ko din sya ng Avon." biglang tumingin na pasimangot si Arriane kay Fea na sinuklian naman niya ng mapang-asar na ngiti.

Don, sa FujairahWhere stories live. Discover now