Chapter 13

7 3 2
                                    

"Pok, alis na ko," pabulong na paalam ni Fea kay Arriane na nakahiga pa sa kama. Ang mga kasama nilang teacher sa St. Mary's at ang magpinsan na sina ate Tess at Jona ay nanonood ng teleserye sa sala. Rinig sa loob ng bahagyang bukas na kuwarto ang malakas na sigawan ng mga artista sa dramang pinanonood sa TV. Day off ng mga kasama nila, kung kaya't maluwag ang oras nila sa mga bagay na tulad ng panonood ng mga palabas.

"Hmmm," ungol ni Arriane nang dahan-dahang nag-unat ng katawan. Nang minulat niya ang mga mata'y, mukha ni Fea na halos nakadikit na sa mukha niya ang una niyang nakita. "Uhg," nakasimangot na usal ni Arriane sabay urong ng nakahiga palapit sa dingding na pader para dumistansya kay Fea na nakangiting nakatungo sa kaniya.

"Mag aalas dyes na, Pok," sabi ni Fea. "Alis na ko. Ikaw ng bahala sa ulam natin ha? I love you," paglalambing niya na may halong pang-uuto sabay kiss sa pisngi ni Arriane.

"Hmp! Laway!" inis na usal ni Arriane sabay pahid ng kamay sa pisnging hinalikan ng tumatawang si Fea.

Bitbit ang maliit na supot na naglalaman ng order na Avon, mabilis na lumakad papuntang pinto si Fea.

"Bumalik ka agad ha?" pahabol na bilin ni Arriane sa kaibigan.

"Oo, mabilis lang ako. Pagkabigay ko nitong order, uuwi ako agad," sagot ni Fea bago tuluyang umalis.

Mabilis na narating ni Fea ang Lulu Mall. Saktong alas dyes na nang pumasok siya sa entrance. Wala pang sampung minuto ang ibiniyahe niya patungo roon.

Habang nagmamadali sa paglalakad patungong food court kung saan sila magkikita ng kausap na si Clarex, iginilid niya sa bandang kaliwa ang sling bag na nakasabit sa katawan niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Habang nagmamadali sa paglalakad patungong food court kung saan sila magkikita ng kausap na si Clarex, iginilid niya sa bandang kaliwa ang sling bag na nakasabit sa katawan niya. Sumilip ang smiley na nasa gitnang bahagi ng paborito niyang suot na yellow sweater.

Malamig sa loob ng mall nang oras na iyon, ngunit mas malamig ang hangin sa labas kahit tirik ang araw. Tantiya niya'y nasa 17 degree Celsius ang temperatura.

Umupo si Fea sa table na malapit sa KFC. Banda roon ang lugar ng meeting place nila nung taong umorder sa kaniya. Alas dose ng tanghali ang request ng pipick-up, ngunit dahil may pasok pa sila ni Arriane sa araw na iyon ng Biyernes, hiniling niyang agahan na lang ang pagkikita at gawing alas dyes.

 Alas dose ng tanghali ang request ng pipick-up, ngunit dahil may pasok pa sila ni Arriane sa araw na iyon ng Biyernes, hiniling niyang agahan na lang ang pagkikita at gawing alas dyes

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dinukot ni Fea ang cellphone sa kaniyang sling bag at sinimulang i-dial ang numero ng umorder. Sa kaniyang pagpindot sa numero, saktong umupo sa kaniyang harapan ang isang lalaki.

"Hi, Kaka!" magiliw na bati nito sa gulat na si Fea, kasabay nang pagtunog ng kaniyang telepono.

Inilabas ni Don ang kaniyang cellphone sa bulsa, habang takang-taka si Fea na sa bawat pagtunog nito'y kasabay din ang pagri-ring sa tinatawagan niya sa kabilang linya.

"Hello," sabi ni Don nang sagutin ang call.

"Hello?" lito at patanong na sagot naman ni Fea sa kabilang linya habang kunut-noong nakatingin kay Don.

"Hi," sabi ni Don sa telepono kasabay ang pagtaas niya ng kamay at pagkaway bilang pagbati sa kaharap niya.

"Funny," sarkastikong sabi ni Fea sabay pindot sa call end button ng kaniyang telepono. "Sinayang mo ang load ko," seryosong dagdag niya.

"Ay, sorry," paumanhin ni Don na bahagyang nahiya habang nakayuko si Fea at isinisilid sa bag ang telepono. "Lilibre na lang kita ng lunch ngayon para makabawi ako."

Para bang nakarinig ng magic word si Fea sa sinabi ni Don at bigla siyang napatingin dito. Isang ngiti ang pinipigilang kumawala sa seryoso niyang mukha nang makita ang pinagdikit na palad ni Don na tila ba nagdarasal sa kaniyang kapatawaran. Nakakatawa ang mukha nitong parang pusang nagpapaawa.

"Uy sige na... sorry na. Mag smile ka naman oh," pang-aamo ni Don.

Sige na, Fea, magsmile ka na. Narinig mo naman ang magic word. Ililibre ka daw! Sabi ng kaniyang kunsensya.

"Kala ko ba Don ang pangalan mo?" masungit na tanong ni Fea nang yumuko't kinuha sa katabing upuan ang nakalapag na plastic. "Eh bakit ngayon Clarex na? Pinaglalaruan mo ba ko?" kunut-noong inabot niya ang plastic sa kausap. "Yan nang order mo. Tatlong brief at dalawang white sando."

"Thank you," malambing na sabi ni Don nang abutin ang order. Dumukot siya sa bulsa at binigay kay Fea ang 200 dirhams. "Eto bayad ko. Keep the change."

Aba, may pagkagalente din naman pala tong tao na to. Sabi ni Fea sa isipan nang kunin ang pera at ipasok ito sa maliit na bulsa ng kaniyang bag.

"Clarex ang tawag sakin ng mga katrabaho't kakilala ko dito sa Fujairah dahil Clarito Alexander ang pangalan ko," panimulang paliwanag ni Don habang nakapako ang tingin sa seryosong si Fea. "Don naman ang tawag sakin sa bahay at ng mga kamag-anak ko," pagpapatuloy niya. "Kaya sana, Don na lang ang itawag mo sakin dahil..." bahagyang humina ang boses niya. "...gusto kitang maging kamag-anak." Lumaki ang ngiti sa kaniyang labi at tila ba nanunukso ang kaniyang mga tingin.

Napataas ang dalawang kilay ni Fea sa kaharap. Bumilog ang kaniyang mga mata at naramdaman ang pag-init ng kaniyang mga pisngi.

Ha? Anung kamag-anak?

"Hmmm... nagbublush ka ata?" pansin ni Don kasabay ang isang impit na tawa.

Mabilis na hinawakan ni Fea ang pisngi't sinabing, "H–ha? M–malamig kasi," nauutal niyang dahilan. "Ah, s–sige mauna na ko. May pasok pa kasi ako." Maingay ang pagkahig ng paa ng upuan sa sementong sahig nang naurong niya ito sa biglang pagtayo.

"Teka lang. Ililibre pa kita ng lunch," pahabol na sabi ni Don.

Biglang napahinto si Fea. Sa di kalayuan, nakita niya ang pamilyar na hitsura ng lalaking may pagka-mestiso. Clean cut ang itim na buhok. Nasa 5'5" ang taas. May pagka-slim ang katawan, at may pagka-singkit ang mga mata. At tila ba papalapit ito sa kaniya.

Bigla siyang napaupo.

"Sabi ko na eh, gusto mo rin ng libreng lunch," natatawang biro ni Don kay Fea.

"Don," pinandilatan ni Fea ng mata ang kaharap. "Yung nasa likod mo," pabulong at aligaga niyang sabi. "Sya yung sumusunod sakin nung isang gabing nakita mo ko."

"Ha?" pagtatakang tugon ni Don bago kunut-noong tumingin sa kaniyang likuran.

"Clarex!" sigaw ng lalaking papalapit nang kumaway ito kay Don.

Gulat at takang-takang tumingin si Fea kay Don na nakapihit ang katawan sa likuran habang nakaupo.

What? Magkakilala sila?! Malaking tanong ni Fea sa isipan.

"Abono!" sagot ni Don sabay kaway.

Ha? Abono?! Biglang nalito si Fea nang marinig niya ang pangalan. Pangalan yon ng jowa ni Arriane! Hindi mawari ni Fea ang pakiramdam sa mga sandaling iyon. Naghalong lito, kaba, at pagdududa ang naglalaro sa kaniyang isipan.

"Pare," bati ng dumating na lalaki nang tumayo si Don at sinalubong ito.

Namilog ang mga mata ni Fea nang magfist-bump ang dalawa.

"Nga pala, Kaka," humarap si Don sa nakaupong si Fea. "May ipapakilala pala ako sayo," inakbayan ni Don ang katabi na nakaharap na rin kay Fea. "Si Abono, kaibigan ko," pagpapakilala niya habang pareho silang nakatayo sa harapan ni Fea.

"Hi!" Bati nito kay Fea na lalong lumaki ang namilog na mga mata. "Ako pala si Abono. Boyfried ni Arriane."

Kunut-noong napalunok si Fea nang magpakilala ang lalaki.

Don, sa FujairahWhere stories live. Discover now