Chapter 3

32 4 1
                                    

"Ta-da!" masayang pagpiprisinta ni Arriane sa daing at sinangag nang ilapag niya ito sa lamesa. "Oh heto, kumain ka na. Magpakabusog ka para hindi na mamula yang mukha mo sa gutom."

"Wow! Breakfast sa gabi!" pang-aasar ni Fea sa kaibigan. "Hindi ka pa rin pala nagbabago. Masipag ka pa rin magluto ha," dagdag niya habang naglalagay ng pagkain sa kaniyang plato.

"Aba, ikaw pa ang choosy. Espesyal nga yang daing na yan noh. Muntik na ko mapaaway dahil dyan," umupo si Arriane nang nakaapak ang paa sa kabilang upuan saka nagsalin ng tubig sa baso ni Fea.

"At bakit naman? Thanks," sabi ni Fea sabay kuha sa baso at uminom.

"Aba eh paano, naabutan kong nag-iispray ng deodorizer dyan sa may gilid ng pintuan yung matandang maputi na kapitbahay namin," masungit na sagot ni Arriane. "Yung nakatira dyan sa may kabilang pinto na laging nakapalda na hanggang tuhod. Ang sabi ba naman eh 'smell's awful like a dirty dog that hasn't bathed for years' daw yung niluto ko," dagdag pa niya na inartehan ang pagsasalita ng ingles kasabay nang nakakatawang pagmu-muestra ng kamay.

"Ay grabe ha," sagot ni Fea habang sarap na sarap sa pagkakamay sa kaniyang kinakain. Saglit niyang inamoy ang kamay at sinabing, "Mukang tama naman yung kapitbahay nyo. Medyo amoy majonghot na aso nga itong ulam mo," natatawa pa niyang sabi sabay subo ng pagkalaki-laki.

"Ah ganon!" asar na sagot ni Arriane sabay kuha sa plato ng ulam.

"Eto naman, joke lang," agad na inagaw ni Fea ang daing mula sa kaibigan sabay amoy nito. "Pero true talaga, amoy aso nga," hindi napigilan ni Fea ang matawa. "Eh ano nga pala ang ginawa mo?" Inilapag niya ang ulam sa lamesa at muling sumubo.

"Ayun, pinagsarahan ko na lang ng pinto at nagpigil na lang ako ng inis. Mahirap na, baka mapalayas pa ko dito sa building kung makikipagsagutan pa ko sa kanya."

"Pag katapos mo kasi magluto ng ganito, eh magpapakulo ka ng kape," suhestiyon ni Fea.

"Kape?"

"Oo," sagot ni Fea. "Sabi ni Lolo Danding, natural deodorizer yon. Madaling mawawala ang amoy ng daing, tuyo o dilis."

"Totoo ba yan? Sabi talaga ni Lolo Danding?" seryosong tanong ni Arriane, at seryosong tumangu-tango naman si Fea. "Osige, magawa nga sa susunod." Itinukod ni Arriane ang kaniyang siko sa lamesa at ipinatong ang panga sa kamay. "Siya nga pala, gaano ka nga katagal dito sa Fujairah? Isang buwan? Dalawang buwan?"

Napatigil sa pagkain si Fea. Nag sad face at tumingin kay Arriane.

"Ang akala ko nung una eh isang buwan lang. Pero ang sabi ng bisor ko kahapon eh baka raw mag-stay ako dito hanggang dalawang buwan. Depende pa raw kung makakakuha agad sila ng taong mai-a-assign dito," matamlay na sagot ni Fea.

"Ano ka ba, ayos lang yon. Okay naman kahit magtagal ka dito."

"Sana nga maging okay ako dito. Para kasing ang lungkot dito sa Fujairah. Parang walang masyadong life at walang mapapasyalan. Parang kakaunti rin ang tao. Kakaunti ang establishments. Tapos paano na ko kapag nilipat ka na uli sa Dubai? Eh di maiiwan mo ko dito. Lalo akong malulungkot non," malamlam na sabi ni Fea at saka muling sumubo. Nanggigitata ang kaniyang kamay sa mga nakadikit na kaning may bawang at sa mismis na piraso ng daing.

"Hay naku ang OA mo ha," sagot ni Arriane sabay hampas ng dalawang kamay sa kahoy na lamesa. Natapon ng kaunti ang tubig sa baso ni Fea dahil sa pagkaalog ng lamesa. "Kala mo lang malungkot dito kasi hindi masyadong madaming kabayan dito. Pero sa totoo lang, enjoy din tumira dito kasi mas close ang mga kabayan dito kesa sa ibang lugar. At saka dito, mas makakatipid ka dahil sa simpleng life. At saka, hindi kita basta-basta maiiwan noh dahil isang taon pa ang kontrata ko dito. Baka mauna ka pa ngang makabalik sakin sa Dubai."

"Talaga ba?" muling sumilay ang ngiti sa mukha ni Fea. "Buti na lang at magtatagal ka pa rito," dagdag niya sabay hawak sa dalawang kamay ni Arriane.

"Ayyy!!!" biglang napatili si Arriane sabay tayo at layo kay Fea. "Bakit mo ko hinawakan eh amoy hindi naligong aso yang kamay mo!" asar na inamuy-amoy ni Arriane ang kaniyang kamay sabay lakad ng mabilis patungong banyo.

Malakas na tawa ang sinukli ni Fea. "Sabi ko na sayo, amoy aso yung daing eh," sigaw niya sa kaibigan. "Nga pala, mauubos ko na tong aso. Meron pa ba?" Hirit pa niya.

Don, sa FujairahWhere stories live. Discover now