Chapter 34

8 2 0
                                    

Lunes ng gabi. Bisperas ng bagong taon. Sampung minuto bago magpalit ng taon.

Malakas ang tunog ng TV sa sala ng flat na nakatuon sa Dubai One Channel, kung saan nakalive broadcast ang countdown to year 2019 sa Downtown Dubai. Makikita sa TV ang napakaraming taong pumunta sa Dubai Mall at excited na nakaabang sa spectacular fireworks display ng Burj Khalifa – ang pinakamataas na building sa buong mundo.

 Makikita sa TV ang napakaraming taong pumunta sa Dubai Mall at excited na nakaabang sa spectacular fireworks display ng Burj Khalifa – ang pinakamataas na building sa buong mundo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

At habang umuusad ang oras tungo sa bagong taon, umuurong naman ang alaala ni Fea pabalik sa naganap kahapon.

Maaaring hindi pa ako handa sa bagong relasyon, sabi ni Fea sa isipan habang nakaupo sa pandalawahang sofa sa sala at nakaharap sa TV. Komportable siyang nakasandal sa malambot na upuan habang nakapatong ang kaniyang mga kamay sa kaniyang hita. Dahil hanggang ngayon, natatakot pa rin ako... Pero, hindi ko na kayang itanggi sa sarili ko na masaya ako sa kung ano ang meron sakin ngayon, dahil yun ang totoo. Pag-amin niya sa sarili habang sa tabi niya'y excited ding nakaabang si Don sa pagpapalabas sa TV ng nakakamanghang fireworks display sa Burj Khalifa. Ang mga pinsan ni Don na maya't maya ang tayo at pabalik-balik sa dining table at sa harapan ng TV ay maingay na nagkukuwentuhan tungkol sa mga kaibigan at kakilala nilang nagpunta sa Dubai Mall upang saksihan ang live fireworks display.

Inaamin ko, natakot ako kagabi nung kinausap ko sya at sinabing, kung may plano syang ligawan ako ay wag na nyang simulan. At kung ang dahilan ng pagsundo-sundo at pagbibigay nya sakin ng mga bagay-bagay ay para suyuin ako ay wag na nyang ituloy. Pakiramdam ko, ang bad ko kagabi nung sinabi kong wala syang aasahan sakin. Parang gusto kong batukan ang sarili ko nun at sabihing napaka-arte ko! Na, ang tagal-tagal na nung huli kong heartbreak pero di pa rin ako makapagmove on? Ewan ko. Hindi ko alam... pero iba kasi ang naranasan ko non. Sobrang trauma dahil nadamay ang family ko sa kahihiyan ko, at kasamang nawala non ang lolo.

Nabigla si Fea sa biglang pagdaloy ng tila ba kuryente sa kaniyang kamay nang pasimpleng hinawakan ito ni Don. Habang nakatingin sa pagbilis ng bilang ng minutong nakaflash sa TV, bumilis din ang pagtibok ng kaniyang puso sa kilig. Pasimple siyang napangiti habang pasimple din niyang tinitingnan si Don sa gilid ng kaniyang mga mata.

Hindi man makita ni Fea ang mga mata ni Don na pirming nakatutok sa TV, kita naman niya mula sa lihim niyang pagsulyap ang paglawak ng ngiti sa mga labi ni Don nang buksan niya ang kaniyang palad at hayaang mahawakan ito ni Don nang mahigpit.

Thank you, Don, at hindi mo ko ginive-up. Kahit disniscourage kita kagabi at pinagsalitaan kita nang kung ano-ano, pinili mo pa ring ipagpatuloy ang pagbibigay sakin ng importansya. Nung sinabi mo sakin na hindi ko kailangang suklian nang kahit anu pa man ang mga binibigay mo saking bagay, pabor at oras, basta hayaan lang kitang maipakita sakin kung gano ako kahalaga sayo, feeling ko lalong humaba ang hair ko. Napakatagal na panahon na nung huli kong maramdaman yung feeling na special ako. Pumikit si Fea at dinama ang mainit na palad ni Don na nakalapat na rin sa kaniyang palad habang magkakawing ang kanilang mga naglalambingang daliri.

Don, sa FujairahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon