Mayroong dalawang natatanging klima ang UAE. Summer at Mild Winter.
Dry summer in UAE desert
April to October ang considered summer months sa UAE. Ngunit sa buwan ng June, July at August ang tinatalang pinakamainit na panahon sa UAE. Karaniwang umaabot sa 40 to 50 degree celcius ang temperature sa mga buwang ito.
Kung kaya't ang mga workers na nagtatrabaho sa field / outside the office ay hindi allowed na magwork sa oras ng 12:30pm until 3pm. Ito'y upang makaiwas sa sakit na maaaring idulot ng matinding init tulad ng heat-stroke.
Foggy winter in UAE
December to February naman ang considered mild winter season sa UAE. Ngunit sa buwan ng January naman ang karaniwang pinakamalamig ang panahon. Kadalasang bumababa ng hanggang 10 degree celcius ang temperature dito. At ang lowest minimum recorded so far ay 3.8 degree Celsius noong December 6, 2017 sa Jais Mountain.
Jebel Jais Mountain, Ras Al Khaima
Sa panahong ito, karaniwan ding makikita ang mga taong nagpi-picnic sa disyerto.
Abu dhabi desert
Sa buwan naman ng March at November, mararamdaman mo ang pagpapalit ng klima. Karaniwang nagkakaroon ng sandstorm sa mga buwan na ito na hudyat at palatandaan sa nalalapit na pagbabago ng panahon.
SANDSTORM
Kung sa Dubai – Metro Train, Tram Train, Bus at Taxi ang ginagamit ng publiko para sa transportasyon,
sa Fujairah naman ay taxi lamang ang pangpublikong transportasyon na lumilibot para maghatid ng mga pasahero sa iba't-ibang lokasyon. Ang bus ay ginagamit lamang upang maghatid ng mga pasahero patungong Dubai at sa iba pang Emirates.
#fujairah #donsafujairah #UAE #romcom #romantic #comedy #novel #story CTTO of the photos
YOU ARE READING
Don, sa Fujairah
RomanceHeto ang masaya't makulay na kwento ng buhay ni Fea. Tunghayan ang nakakaaliw na pakikipagsapalaran ni Fea na isang beauty consultant sa UAE (United Arab Emirates). Sa lugar kung saan nakatakda niyang makilala ang maginoong medyo bastos na kulot na...