Chapter 23

6 4 0
                                    

"So it's you, I've been waiting for so long..." ♪ ♫ ♬

"Anu ba, Pek," asar na sabi ni Arriane sa nakahigang patpatin na malungkot na si Fea. "Ngayon na nga lang uli ako nakapunta dito tapos ganito pa papakita mo sakin ngayon?" Nakaupo si Arriane sa tabi ni Fea. Magang-maga ang mga mata ni Fea na nakatitig lang sa kisame ng kaniyang maliit na kwarto - ng makulimlim na hapong iyon. Tinapat ni Arriane ang kaniyang mukha sa mukha ni Fea, at inayos ang headband niyang may malaking ribbon nang bahagya itong dumulas sa maiksi niyang buhok nang siya'y yumuko.

"So it's you, where were you all along?" ♪ ♫ ♬

"Tama na nga yang pakikinig mo ng love song," inis na sabi ni Arriane nang abutin niya ang cellphone ni Fea sa tabi nito. Pinatay niya ang malungkot na sounds at inilapag ito sa katabing side table ng single-bed ni Fea. Ang garalgal na tunog ng bukas na electric fan na nakatayo malapit sa bukas na bintana ang pumalit sa mapanglaw na musika. "Anu ba, Pek, an tagal mo nang ganyan. Nag aalala na sila Tita Marlyn at Tito Ratsi. Tapos hindi ka pa daw masyadong nagkakakain. Am payat payat mo na oh!" saglit na inangat ni Arriane ang manipis na braso ni Fea. Bagama't may diin ang bawat salita ni Arriane, mababakas sa kaniyang tinig ang pag-aalala. "Kala ko ba nagkaintindihan na tayo na ititigil mo na yang drama drama na yan at kalilimutan na yung kulot na yon pag nag-agree na ko sa idea mo na NO JOWA POREVER? Aba'y mag-iisang buwan na ang nakalipas, ganyan ka pa din?"

Walang kaabug-abog, umagos ang matatabang luha ni Fea na dumaan sa kaniyang tainga bago ito sinalo ng unan niyang puro bakas ng luha.

"Uy, Pek," nag-aalalang pinahid-pahid ni Arriane ang luha ni Fea. "Tama na..." tila ba nagpipigil ng iyak si Arriane sa bahagyang panginginig na timbre ng kaniyang pananalita. "Andito naman kami..."

Sumilip ang matipid na ngiti sa mga labi ni Fea nang malungkot itong tumingin kay Arriane. Niyakap ni Arriane si Fea at hinagud-hagod ang magulo nitong buhok.

"Pek," bulong ni Arriane kay Fea. "Am baho na ng ulo mo. Baka pwedeng maligo ka na?"

Sakabila ng marahang tawa na sinukli ni Fea sa kaibigan, makikita pa rin sa kaniyang mga mata ang sakit na nadarama.

"Ayan, nag smile ka na," nakangiting sabi ni Arriane nang dinistansiya niya ang katawan kay Fea at pinagmasdan ang nanlulumo nitong mga mata. "Halika, bangon na dyan at paliliguan kita," nakangiting tumayo si Arriane at hinila si Fea.

Walang imik na sumunod si Fea kay Arriane nang bumaba sila ng hagdan at dalhin siya nito sa banyo. Walang ibang tao sa loob ng bahay nila Fea kun'di silang magkaibigan. Kasalukuyang nasa sementeryo ang mga magulang ni Fea sa araw na iyon na dumalaw sa puntod ng kaniyang Lolo Danding na mag-iisang buwan nang sumakabilang buhay.

"Oh, taas na ang kamay at tatanggalin ko na ang damit ng baby," pabirong sabi ni Arriane nang iangat niya ang mga kamay ni Fea.

"Ako na," mahinang tugon ni Fea sa kaibigan. "Kaya ko na to," lumabas ang matipid na ngiti sa mga labi ni Fea.

"Sigurado ka?" tanong ni Arriane.

"Sige na, umakyat ka na sa kwarto. Hintayin mo na lang ako don," halos pabulong na sagot ni Fea bago niya isinara ang pintuan ng banyo.

"Sige, wait na lang kita sa taas ha?" pasigaw na sabi ni Arriane sa labas ng banyo. "Ire-ready ko na lang yung susuot mong damit."

Nang marinig ni Fea ang yabag ng paa ni Arriane nang umakyat ito ng hagdanan, marahan niyang tiningnan ang sarili sa maliit na salamin na nakasabit sa pader ng lababo. Sa ilang linggo niyang paghihinagpis, ngayon lang niya muling nasilayan ang sarili sa salamin.

Hindi na niya halos makilala ang sarili. Humpak ang kaniyang pisngi. Bakat na bakat sa kaniyang balat ang buto sa kaniyang panga. Nanlalalim ang kaniyang nangingitim na mga mata. Ang dating kulay rosas niyang labi, ngayo'y maputla na. Napakalaki ng ipinagbago ng kaniyang hitsura sa loob lamang ng ilang linggo.

Don, sa FujairahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon