Chapter 24

5 3 0
                                    

"Lo," sabi ng katorse anyos na si Fea habang nakaupo siya sa ikalawang baitang ng hagdanan sa labas ng kanilang bahay sa bukid ng hapong iyon. Kasabay ng mahinang haranang tugtog sa de bateryang radyong nakapatong sa lamesitang malapit sa pinto, nag-aawitan ang mga ibong palipat-lipat sa puno ng kakawate habang si Lolo Danding nama'y nakaupo sa kaniyang likuran – sa ikatlong baitang ng hagdanan. "Paano nyo nga napasagot si Lola nung niligawan nyo sya?" nakangiting tanong ni Fea habang nakapikit. Masarap ang malumanay na hanging tumatama sa kaniyang balat, habang si Lolo Danding nama'y sinusuyod ang balakubak sa kaniyang ulo.

"Ey, ipinaglaga ko sya nun ng kamote," galak na sagot ni Lolo Danding. Maingat niyang kinutkot ang kumpol ng balakubak sa bunbunan ni Fea. "Ang sabi kasi sakin nung pinsan niyang naging tulay ko sa panliligaw eh, etong si Lola mo daw, ey sumalangit nawa," sabay sign of the cross, bago niya itinuloy ang pagkukuwento. "...ey mahilig sa mga senyales. Ang sabi nya sa pinsan nya eh, pag daw siyay nautot sa harapan ng manliligaw niya at hindi nandiri sa ginawa niya, bagkus ay nabanguhan pa sa pag-utot niya, ey iyon daw ang sasagutin niya," tinaktak ni Lolo Danding ang suyod na may balakubak sa inuupuang hagdanang kahoy. "Ey, itong Lola mo talaga eh may tinatagong kadirian. Kundi lang talaga ako na lab at per sayt sa kanya ey hindi ko liligawan yun."

Napahagikgik ang dalagitang si Fea sa sinabi ni Lolo Danding. "Tapos, Lo, anung nangyare?"

"Ey ayun nga. Nung minsang umakyat ako ng ligaw sa Lola mo, eh nagdala ako ng nilagang kamote. Pakiramdam ko nooy nainis ang tatay ng Lola mo sakin dahil ang talim ng tingin nya sakin eh," pagpapatuloy ng istorya ni Lolo Danding. "Eka siguroy, sa dami ng pwede kong dalhin nang gabing yon na katatapos lang nilang maghapunan eh kamote pa ang binitbit ko," natatawa nitong kuwento. "Eh ang Lola mo naman, porke ayaw niya akong mapahiya siguro sa ama nya, ey sinimulan nyang kainin ang kamoteng dala ko,"

"Am bait naman ni Lola," kumento ni Fea na nag-eenjoy sa pagkamut-kamot ni Lolo Danding sa ulo niyang makati.

"Ey, sadyang napakabait naman talaga ng Lola mo. Isa yun sa mga talagang nagustuhan ko sa kanya," sagot ni Lolo Danding.

"Eh tapos, Lo, anu ulet ang nangyare?" usisa ni Fea.

"Ey ayun, pinagsaluhan namin yung kamote. Tapos hindi nagtagal ey nautot na sya. Nagulat na nga lang ako sa lakas ng utot nya! Daig pa ang manginginom eh," natatawang sabi ni Lolo Danding. "Pero syempre ey, hindi ko pinakitang nandiri ako. Yun yung hinahanap nyang senyales di ba? Pero sa totoo lang, eh nandiri talaga ako. Ey biruin mo naman kasi, eh parang may kasamang ebak yung tunog ng utot nya,"

Napahalakhak si Fea sa kuwento ni Lolo Danding.

"Ey pag tapos nyang umutot nagkumento pa ko. Pero sweet ko namang sinabi. Ey ang sabi ko, am bango naman ng utot mo, amoy kamote,"

Lalong humalakhak si Fea sa nakakatuwang pag istorya ni Lolo Danding.

"Tapos, yon na. The rest is history eka nga," pagtatapos ng masayang kuwento ni Lolo Danding.

Unti-unting minulat ni Fea ang kaniyang mga mata. Una niyang nakita ang umiikot na bintelador sa hind gaanong kaputiang kisame, saka inilibot ang paningin sa maliit na puting silid. Inangat niya ang kaniyang ngawit na bahagyang namamagang kaliwang kamay at nakita ang dextrose na nakatusok dito.

Panaginip lang pala. Sabi ni Fea sa isipan nang maalala si Lolo Danding. Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang kaniyang ina.

"Gising ka na pala," nakangiti't mahinahong sabi ni Mama Marlyn habang papalapit kay Fea. Kita ang laki ng ipinayat niya sa suot na maluwang na daster, at lumutang naman ang kaputlaan ng kaniyang balat sa pulang kulay nito. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" inilapag ni Mama Marlyn ang tupperware na nakasupot sa maliit na lamesang katabi ng higaan ni Fea saka siya humarap sa anak at hinagud-hagod ang may kalagkitan nitong buhok. "Huwag mo nang gagawin ulit yon, nak," bagama't nakangiti, ramdam ang lumbay sa tinig ni Mama Marlyn.

Don, sa FujairahWhere stories live. Discover now