CHAPTER 14

1.4K 24 3
                                    

THEA ALLIAN SANTOS POV

Sa loob ng ilang linggo at buwan, maraming nangyari sa loob ng Mansyon nila Kelly, nandoon nung may nangyaring masama kay Nica.

Sana maging maayos na si Nica lalo na ang batang sinapupunan niya, dahil kapag may nangyaring masama sa kanya hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil ayoko na mawala ng minamahal.

"Mas magandang dumito muna tayo, dahil alam ko hindi titigil kakahanap ng mga Fletcher na iyon sa atin." – seryosong saad ni Erika.

Buti na lang at may nakita kaming lumang bahay dito, sira sira na ito dahil tanging semento na nakapalibot lang dito ang maayos pa.

Patingin tingin si Hazel sa bintana, dahil maraming dumadaan na sasakyan dito pero ang hindi namin akalain na bigla kaming nanginig ng may narinig kaming boses malayo iyong pero habang tumatagal ay pa lakas na pa lakas ang boses na iyon.

Walang ingay na lumabas sa amin, dahil isang galaw lang namin ay matutunton na nila kami dahil malalakas pakiramdam ng mga ugok na iyon.

"Pagbutihan mo pag tatago Hazel, dahil once na nakita kita pinapangako ko sa ka lolo't lolohan ko, bubuntisin na kita." – galit na sigaw ni Laurence.

"Baby! Where are you? I'm fucking miss you Baby! Please come back to me baby." – Galit na sigaw din ni Clark, I don't know kung nag mamakaawa ba siya o nag gagalit-galitan lang. Pero yung sigaw niya pagalit?.

Dahil sa kakaisip ko kay Clark hindi ko alam kung ano-ano mga sinabi pa nila kala Erika, dahil nagulat na lang ako na nanginginig sila sa takot.

"Ayoko na! Gusto ko ng mamatay." – iyak na bulong ni Jennelyn pero mahina lang yun na maririnig namin. Gusto ko siyang lapitan at yakapin kaso hindi ko magawa.

Umabot ng dalawang araw kami nandito, gutom na gutom na kami pero hindi namin yun ininda dahil nasa isip namin baka once na lumabas kami dito baka mahuli kami ng mga Fletcher dito.

"Psst tara magtago tayo dali, may paparating papunta dito." – saad na wika ni Hazel na kina tayo namin kakaupo at nagtago.

"Dito na lang muna tayo kumain, gutom na talaga ako." – saad ng lalaking boses.

"Sige Tatay, gutom na rin po ako ang layo pa po ng lalakarin natin." – saad nung bata.

Mag-ama lang pala! Lalabas na sana kami ng may biglang nag daanan na mga kotseng mamahalin sa harap ng bahay na tinataguan namin.

"Manong may nakita ba kayong mga babae? Medyo matatangkad sila mga hanggang balikat lang namin, tapos mahahaba yung buhok nila na hanggang dibdib nila? Matatangos yung mga ilong Manong, may nakita ba kayo?" – tanong ni Andrei.

"Mga Jowa nyo ba iyon? Pasensya na Ijo kakarating lang namin dito para kainin ito. Wala naman kaming nakita o nadaanan na mga babae na sinasabi ninyo." – saad ni Manong.

"Tatay kain na po tayo nagugutom na po ako." – saad nung bata.

Putcha yung kaba namin dito ramdam na ramdam namin, ilang meter lang ang layo ng mga Fletcher sa amin, mga tibok ng puso namin ang mga naririnig namin. Ayyst dalawang araw na hindi pa sila umaalis?

Mr. Rich meet Ms. Fishball (Fletcher Series2) - CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora