CHAPTER 23

653 22 5
                                    

THEA ALLIAN SANTOS POV

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang nakatingin sa mga kaibigan ko na kasama mga jowa nila.

"Kala ko ba girls bonding ito?" – naiinis na saad ko.

"Sorry Thea, aalis din naman sila maya maya sinisiguro lang nila na safe yang mall na yan kapag pumasok tayo." – nahihiyang paliwanag ni Jocelyn

Pinagtitinginan tuloy kami dahil na rin sa sikat na kasama namin at lalo na kasama namin yung jowa ni President.

Yes Jowa HAHAHA, hindi pa naman sila kasal noh HAHA.

Kilalang kilala na kami dahil sa lintik na interview nila, syempre todo research ang mga nasa media kung sino ang mga babaeng kinababaliwan ng pamilyang Fletcher, kilala lang ang mga pangalan namin pero hindi sila makakuha ng impormasyon tungkol sa buhay namin at alam namin na hinaharangan yun ng pamilyang Fletcher.

Dahil doon buong mundo na kilalang na akong Mistress.

Bwusit kaseng Angiela yun nag post pa naman sa twitter niya na siya daw ang asawa ni Clark at ako yung kabet, totoo naman inaamin ko kabet ako NOON hindi na ngayon dahil wala naman na kami ni Clark.

Pagkatapos magpost ni Angiela ayun nagsilabasan na ang mga picture na kasal ni Clark at Angiela kahit hindi sa simbahan sila kinasal, kasal parin sila sa papel dahil legal ang kasal nila. 

Kaya todo batikos talaga sila sa akin pati ang business ko damay, ayyst bakit nanaman naaalala ko nanaman siya.

Buti at hindi nila alam ang buo kong pagkatao about lang talaga sa business at pagiging mistress ko noon ang alam nila.

Siguro umabot ng sampung minuto bago matapos ang pag iinspection sa loob.

Kala mo naman maaksidente kami Ayst!!

Nagsipaalam na yung mga jowa nila bago kami pumasok, syempre hindi naman sila makakalabas hanggat walang kasamang bodyguard.

Buti na lang hiwalay na kaming dalawa at walang ulupong na sunod na sunod sa akin.

Inisa-isa namin lahat ng branch dito sa loob ng mall kahit mga restaurant pinatos na namin.

"Hindi kaya magka diarrhea tayo niyan?" – nagtatakang tanong ko.

"Huwag kang mag alala Thea, ganun talaga ang buntis kain ng kain." – nakangiting saad ni Jocelyn.

"Bakit si Nica hindi naman buntis yan ah, baka sumakit tiyan niyan at mapatay tayo ni President." – saad ko.

"Hindi ba niya alam?" – biglang tanong ni Jocelyn kay Nica na nakangiti.

"Hindi pa." – saad niya na kinakunot ng noon ko.

"Seryoso Nica? Kailan pa?" – masayang saad ko na marealize ko kung ano pinupunto nila.

"Kanina ko lang nalaman nung nag PT ako bago umalis sa bahay." – saad niya

"Ikaw ah! Binibilisan mo, wala naman nakikipag unahan sayo." – natatawang saad ni Jocelyn.

"Mabilis lang talaga ang mama's boy na yun." – nahihiyang saad ni Nica.

"Tago-tago pa tayo, ayun sa kanila parin ang bagsak natin." – lahat kami napatingin kay Jennelyn na biglang binago niya ang topic.

Mr. Rich meet Ms. Fishball (Fletcher Series2) - CompletedWhere stories live. Discover now