CHAPTER 17

1.3K 27 2
                                    

THEA ALLIAN SANTOS POV

Miss ko na si Papa tapos si mama hindi ko pa nadadalaw, tapos ang dami ko pang ginagawa para sa restaurant ko Ayys!

Napatingin ako sa pinto ng biglang may kumatok dito.

"Bukas yan." – sigaw ko.

"Lady Thea pinapasabi ni Master Cj kapag hindi pa daw kayo bumaba para mag almusal kayo daw po kakainin niya." – nahihiyang saad ng isang maid namin.

Langhiyang lalaki yun ay, kung hindi niya sana ako kinukulong dito sa mansyon niya edi may maayos akong tulog bwusittt.

Sobrang tambak na yung mga papeles na kailangan kong pirmahan. Tapos ang mga investor ko naman ayun hindi ko ma meet in person kaya sa Zoom kami nag uusap, buti na lang at may malakas na wifi itong Fletcher na ito.

"Paki sabi sa kanya kung gusto niya ako lagi kasabay kumain payagan na niya ako pumasok sa restaurant ko." – inis na saad ko.

"I will also tell you a few times that I will not allow you to leave the mansion." – saad niya na kinagulat ko.

"Payagan mo na kase ako hindi na natututukan ni Benjamin yung Restaurant ko." – saad ko.

"I will talk to him." – maotoridad na saad niya.

"Para ano? pagsabihan siya? Tang ina Clark, Akin ang restaurant na yun AKIN! Ako dapat may responsibilidad doon, awang awa na ako sa kapatid mo dahil buong buhay na ni Benjamin umiikot na sa restaurant ko na dapat ako ang nagbabantay. May pamilya na si Benjamin responsibilidad niya ang pamilya niya hindi ang restaurant ko." – inis na saad ko sa kanya na kinakunot ng noo niya.

"Let's eat!" – cold na pagkasabi niya na kinainis ko talaga.

Ano yun? mga sinabi ko sa kanya? papasok sa kanan lalabas sa kaliwa? Tang ina niya.

"Ayoko! Ang dami ko pang tatapusin na papeles dito." – giit na saad ko.

Bigla siyang lumapit sa akin at kinuha yung papeles na hawak ko.

Tinignan niya ito tapos lumipat ang tingin niya sa akin.

"Clark anong ginagawa mo?" – galit na saad ko ng makita ko na pinunit niya ang isang bond paper.

Mas nagulat ako ng sunod sunod niyang pinunit ang mga bond paper na tapos ko ng pirmahan.

"Alam mo ba yung ginagawa mo?" – galit na sigaw ko sa kanya.

Pinagpuyatan ko pirmahan isa isa nyan kahit sumakit na ang kamay ko.

"Yes! Dahil sa putang inang bondpaper na yan hindi mo na ako makausap ng maayos, nang dahil sa mga papel na yan hindi ka na kumakain ng maayos." – sigaw niya sa akin.

Agad niya ako nilapitan at hinawakan ang braso ko.

"Tignan mo ang sarili mo? Putang ina nangangayayat kana sa pinaggagawa mo." – Sigaw niya sa mukha ko.

"Hindi ko kasalanan yan, dahil ikaw ang may kasalanan Kung pinapayagan mo ako lumabas sa lintik na mansyon na edi hindi na ako magpupuyat na pirmahan ang mga yan." – sigaw ko rin sa kanya.

Bigla siyang natatranta na sunod sunod na tumulo yung mga luha ko. Agad niyang binitawan ang braso ko at hinawakan ang dalawa kong mukha.

"Hey! Baby! Don't cry please." – malambing na saad niya habang pinupunasan ang mga luha ko.

Mr. Rich meet Ms. Fishball (Fletcher Series2) - CompletedDär berättelser lever. Upptäck nu