CHAPTER 11

1.5K 27 2
                                    

THEA ALLIAN SANTOS POV

Sana naman mahanap ko na ang Cellphone ko para naman makamusta ko ang restaurant ko sa pangangalaga ni Benjamin.

Inis na inis na pinagbabato ko ang mga unan ko sa pinto dahil kahit saan ko hanapin sa loob ng kwartong ito hindi ko talaga mahanap.

Padabog ako dumapa sa sobrang inis at inip na nararamdaman ko dito, narinig ko na lang na biglang bumukas ang pinto at alam ko si Clark yun dahil siya lang naman ang may kakayahan na bumukas na walang katok-katok sa pinto ng kwarto ito.

"Bumangon ka na dyan, may pupuntahan tayo." – parang nagising ang mga cell sa buong katawan ko sa narinig ko na 'may pupuntahan kami' ibig sabihin? Makakaalis na ako sa kwartong ito? Makakalanghap na ako ng hangin galing labas?

Agad agad ako bumangon sa pagkakadapa at nakita ko agad si Clark na nakatayo sa gilid ng kama at may hawak hawak na dalawang eco bag.

"Bumangon ka na dyan at maligo, ito mga susuotin mo pumili ka lang." – he said at biglang lumabas ng silid na ito.

Ayyss saan kaya kami pupunta? Kapag talaga ako nakatakas unang pupuntahan ko ang Papa ko na miss na miss ko na.

Oo nga pala si Papa? Ano na kaya ginagawa niya? Kahit ano-anong raket ginagawa nun kahit may pera na kami, gusto kase laging nagtatrabaho.

Pagkatapos ko ayusing ang sarili ko ay agad na ako lumabas ng silid na kinaroroonan ko dahil alam ko hindi iyon nakakadena.

Mga alagad ni Clark ang bumungad sa akin pagkalabas ko ng kwarto at mga naka desenteng damit sila ngayon, dahil simula ng nandito ako sa poder ni Clark ay mga nakapambahay lang sila kahit nga mga yaya dito mga nakapambahay din ei.

Bigla rin lumabas si Clark sa kwartong kinalalagyan ko noon na nakadesenteng damit rin at lalong nangingibabaw ang kagwapuhan niyang taglay.

"Baby ang laway tumutulo na." – natauhan lang ako kakatitig sa mukha niya ng bigla siyang magsalita.

"Tsee! Saan ba tayo pupunta?" – pang iiba ko ng usapan dahil alam ko aasarin lang niya ako kahit hindi pa naman kami bati.

"Birthday ni Matthew ngayon." – mahinang saad niya at hinila ang beywang ko papunta sa kanya.

Pilit na tinatanggal ko ang yakap ni Clark sa beywang ko habang nandito kami sa elevator at nasa harap namin ang mga bodyguard niya.

Dahil nga lalaki si Clark at napakalakas niya ay hindi ko matanggal tanggal ang nakapulupot niyang kamay sa beywang ko.

Kahit ng sumakay kami sa kotse niya ay nakapulupot parin ang kamay niya sa beywang ko kaya sa sobrang inis ko pinagkukurot ko ang balat niya sa kamay pero kahit gawin ko yun ay hindi niya pa tinatanggal ang kamay niya sa beywang ko.

Ngayon ko lang nalaman na sa pet house niya pala ako ikinulong kaya pala napakataas ng building na kinaroroonan ko.

Hindi ko alam kung gising ba ito o nagtutulogtulugan dahil kahit nakapikit siya ay nararamdaman ko parin sa kamay niya na nakapulupot sa katawan ko ang higpit nun na akala niya na kapag once na binitawan niya ay makakatakas ako sa poder niya.

"Clark pwede ba paki tanggal yang kamay mo nakakaadwa na ah." – inis na saad ko sa kanya pero parang wala siyang naririnig at nakapikit parin.

Pero ang driver niya at ang isa niyang bodyguard na nasa harapan namin ay pasulyap sulyap sa amin.

"Ano ba Clark!? Wag kang magtulogtulugan dyan bitawan mo nga yang nakapulupot mong kamay sa beywang ko." – inis na saad ko sa kanya at tinatapik ng mahina pero unggol lang ang sinasagot niya na kinataka ko.

Mr. Rich meet Ms. Fishball (Fletcher Series2) - CompletedWhere stories live. Discover now