CHAPTER 26

574 13 3
                                    

Thea Allian Santos POV

"Hala ang galing mo na naubos mo na yung niluto ni Lola, mamamayang tanghalian anong gusto mong ulam?" – tanong ni Micca na lagi niyang tinatanong kahit hindi ko sinasagot ang mga tanong niya.

Apat na araw na simula ng hindi ako lumalabas ng pinto, natatakot ako na baka paglumabas ako makita ko si Noel at saktan niya ako.

Masasarap yung mga pagkain na pinapadala nila dito, nung una ayoko talaga kumain at sinusubuan na lang nila ako pero kahapon lang ayoko na magpasubo at ako na mismo sumusubo sa sarili ko.

"Apo tapos kana? Let's go manood na tayo ng Movie." – nakangiting saad ni Lola.

Pagmulat ko ng mata hindi na siya umalis sa kwarto na pinaglalagyan ko, kahit matanda na siya grabe yung pag aalalaga na binigay niya sa akin.

Naikwento na rin niya yung naranasan niya tulad ng nararanasan ko ngayon, kaso ang pinagkaiba lang ay Pinsan niya ang gumawa, pinsan niya daw sa kanyang ina.

Kahit ganun masakit parin yun dahil kahit pinsan parin may dugo parin na kaparehas nila ang dumadaloy sa kanila.

Ina ni Lola at ang Ama din daw ng Pinsan niya ay magkapatid at sila lang daw ang pamilya niya.

Lumaki si Lola na na walang kinikilalang Ama't Ina na dahil namatay ito sa sunog, tanging si Lola lang ang nakaligtas at inampon siya ng Tita niya at doon pinagtrabaho at pinagsamantalahan.

Basta kung ipagkukumpara sa kalagayan ko mas kaawa-awa si Lola.

Dahil sa kanya lumakas ang loob ko na huwag magpatalo sa ano mang pagsubok na darating sa akin.

"Ang kulit nyo naman, sinabing bawal pa kayo pumasok." – napatingin ako kay Micca nama'y tinutulak siya palabas ng pinto.

Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko ng makita ko si Clark na nagmamakaawa sa harap niya na makapasok siya.

Hindi ko alam pero grabe yung pagkamiss ko sa kanya, agad akong bumaba sa higaan ko na kinagulat ni Lola na nasa tabi ko pala at inaayos ang mga unan na nasa gilid ko.

Agad ako yumakap kay Clark na gulat sa ginawa ko.

"Baby?!" – mahinang saad niya na kinayakap ko ng mahigpit sa kanya.

"Huwag mo na ako iiwan, ayoko na umalis sa tabi mo." – umiiyak na saad ko at napatingin sa mukha niya na umiiyak na pala.

Gumanti siya ng yakap at humagulgol sa balikat ko.

"Hinding hindi na mangyayari yun, mahal na mahal kita." – saad niya.

Napabitaw ako ng yakap kay Clark na makita ko ang kapatid ko na nasa likod ni Clark kaya kitang kita ko.

Nakayuko siya at alam ko umiiyak siya dahil gumagalaw ang dalawa niyang balikat.

Siguro naramdaman ni Clark na kailangan ko makausap ang kapatid ko kaya binitawan na niya yung pagkayakap sa akin.

"Kuya." – mahinang saad ko na kinaiyak niya ng malakas.

Nagulat ako na bigla siyang napaupo kaya umupo na rin ako para makapantay sa kanya.

"Princess ko, patawad kung wala nanaman nagawa ang kuya para protektahan at iligtas ka." – Niyakap ko siya ng mahigpit dahil ramdam ko na grabe yung pagsisisi niya sa sarili niya.

Mr. Rich meet Ms. Fishball (Fletcher Series2) - CompletedWhere stories live. Discover now