CHAPTER 03

2.1K 49 2
                                    

THEA ALLIAN SANTOS POV

Nakakapanibago ang lalaking katabi ko ngayon at tumutulong sa pag titinda ko.

"Ayos lang naman kung hindi ka tumulong, kaya ko naman." – pagsusumamo ko kay Clark pero parang hindi niya ako narinig dahil sige parin siya kakahalo sa mga Fishball na nasa kawali.

"Don't stop him because he likes what he's doing." – napatingin ako sa taong katabi ni Clark na seryosong nag salita. "Btw Im Matthew, Clark Cousins!" – lahad ng kamay niya kaya makikipag shakehands na sana ako ng bigla pinalo ni Clark ang kamay ni Matthew.

"She's Mine!"

"Miracle! She different from your taste!" – bigla na lang ako yumuko sa kahihiyan.

Totoo naman, sino ba ako para magustuhan niya? Ang assuming mo naman Thea, si Noel nga hindi nagkakagusto sayo, sila paba?

Kaya tinuon ko na lang ang atensyon ko kakaluto at kakasukli sa mga taong bumibili.

Iba pa rin pala sila, kahit mayaman sila nagagawa nila kumain ng mga gantong pagkain.

"Papasok na kami, ikaw na bahala dyan."

"Salamat! Salamat talaga!"- agad na sila umalis, napatingin ako sa mga tinda ko, unti na lang naman kaya umuwi na ako dahil marami naman na ako nakita.

"Mama nandito na po ako." – masayang wika ko ng pagpasok ko palang ng bahay pero walang sumalubong sa akin kaya nagmamadali akong pumunta sa kwarto ni Mama.

Bigla akong kinabahan na hindi ko makita si Mama kahit saan mang sulok ng kwarto ni Mama kaya pumunta ako sa kwarto ko kung sakaling nandoon iyon kaso wala akong nakita kahit bakas lang ni Mama kaya nagmamadali akong lumabas ng bahay ng bumungad sa akin si Benjamin na hinihingal.

"Bestfriend si Mama nakita mo?" – nag aalalang tanong ko.

"Nasa hospital siya ngayon, sinugod namin dahil nung bumisita ako hindi makahinga si Tita Alliah."

"Tara please samahan mo ako." – kinakabahang wika ko at agad na ako sumakay sa Pedicab niya.

Patakbo ako pumunta sa room ni Mama ng malaman ko kung saan ang room niya.

"Mama ayos lang po ba kayo?" – ngiti lang ang sinagot niya sa akin.

Nagulat ako ng may biglang lumapit sa amin na doctor at tinignan si Mama kaya medyo lumayo ako.

"Ikaw ba ang kamag-anak nito?"

"Opo! Kamusta po si Mama."

"Nasaan ba ang Papa mo? Hindi mo kase maiintindihan ang mga sasabihin ko about sa sakit ng Mama mo kaya ang Papa mo ang kakausapin ko."

"Wala po si Papa hindi po namin alam kung nasaan siya! Ako lang po ang kasama ngayon ni Mama, kaya po ipaliwanag nyo na lang po sa akin ng maiintindihan ko po." – malumnay na sabi ko sa kanya, kaya nagbuntong hininga lang siya.

"Ok! Ang Mama mo may sakit siya sa Puso, kaya bawal siya mapagod ng husto. Ang sakit ng Mama mo ay posibleng mamana niya ito sa mga anak niya."

"Ibig pong sabihin pwede po ito mamana sa akin?" – tanong ko sa kanya.

"Yes!" – sagot niya at may binigay sa akin ng papel.

Mr. Rich meet Ms. Fishball (Fletcher Series2) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon