CHAPTER 24

553 21 2
                                    

THEA ALLIAN SANTOS POV

Napamulat ako bigla ng mata dahil basang basa na yung damit ko sa pawis.

Bigla akong kinabahanan ng maalala ko kung bakit ako nandito ngayon. Agad ako tumayo sa kama na hinihigaan ko at lumabas ng kwartong kina lalagyan ko.

Laking pasasalamat ko dahil wala akong makitang ni isang tao sa loob ng bahay na ito.

Pagkalabas ko ay maaliwalas na simoy ng hangin ang bumungad sa akin.

Dahil siguro sa pagkataranta ko para  makalabas dito sa bahay na ito ay rinig na rinig yung pagkabukas ko ng pinto kaya  napatingin sa akin yung dalawang mag-asawang matanda na nagluluto.

"Magandang umaga ineng." – saad ni Lolo.

"Magandang umaga rin po." – saad ko, syempre may galang parin naman ako sa matatanda.

Nakangiting lumapit si Lola sa akin, yung kaba ko kanina paggising ko ay biglang nawala ng masilayan ko ang mag-asawa na ito.

"Hala pasensiya kana ineng at pawis na pawis ka, mauubos na kase yung energy ng generator dito at mamaya pa malalagyan ng gas ng asawa ko kapag bumaba siya dito mula sa bundok." – tango lang sinagot ko.

Kaya pala naliligo na ako sa pawis doon sa loob ng kwarto dahil pinatay pala ni Lola yung electric fan. Kung pinatay ni Lola dapat binuksan na lang niya yung bintana.

Siguro sa katandaan hindi na niya yung naisip siguro.

"Matatapos na kami mag luto, kakain na tayo ng tanghalian." – masiglang saad ni Lola na kinangite ko.

Bigla ko kase naalala si Lola sa kanya, yung masayang mukha laging pinapakita sa amin kapag tinatawag nila kami na kakain na.

Tinulungan ko na lang sila na mag ayos ng kakainin namin. Nag dasal muna si Lolo bago kami kumain.

Tahimik na akong nakaupo sa labas na mapagtanto ko kung bakit nga ba ako nandito at kung sino ang kumuha sa amin.

"Siguro iniisip mo kung sino ang kumuha sayo at dinala ka rito, tama ba ako?" – napatingin ako kay Lola na nakatayo sa tabi ko.

Bigla kong hinanap si Lolo dahil pagkatapos namin kumain ay hindi ko na siya nakita.

"Bumaba ng bundok ang asawa ko at magpapagas para sa generator kung siya yung hinahanap mo." – nakangiteng saad niya na kinapula ng mukha ko.

Shutaa bakit parang nababasa niya yung nasa isip ko?

"Isipin mo na lang na mabait ang kumuha sayo at dinala ka rito para makalayo sa taong gusto kang burahin sa mundong iyong ginagalawan." – saad ni Lola na kinatingin ko sa kanya.

"May gusto pong pumatay sa akin?" – kinabahan na tanong ko na kinatango niya kaya kinabahan ako.

Shutaa sino naman yung papatay sa akin? Wala naman akong kinakalaban sa batas ah?

"Gusto ko pong malaman kung sino yung kumuha sa akin, wala po talaga akong idea sa nangyayari sa paligid ko." – naluluhang saad ko.

"Malalaman mo mamaya kapag nakauwi na yung asawa ko." – nakangiteng saad niya, tinapik pa niya muna yung balikat ko at dahan dahan na pumasok sa loob.

Mr. Rich meet Ms. Fishball (Fletcher Series2) - CompletedWhere stories live. Discover now