CHAPTER 04

3.4K 54 6
                                    

THEA ALLIAN SANTOS POV

Kinakabahan ako umuwi sa bahay na kasama si Clark! Napag usapan kase namin na ilegal ko na daw siya kay Mama at Sure siyang papayag daw si Mama sa relasyon namin.

"Kinakabahan ako Clark! Pwede bang bukas na lang?" – Malumnay na saad ko, habang nakatingin sa labas habang siya nag dra-drive pauwi sa amin.

Tinignan niya lang ako na naiinis kaya yumuko ako.

"Napag-usapan na natin ito diba? Tsaka diba sabi ko Baby ang itawag mo sa akin hindi Clark!" – malamig na saad niya. "Naiintindihan mo ba?" – saad niya at hinawakan ng mahigpit ang kanang kamay ko kaya napatango ako ng ilang beses. "Good!"

Agad akong bumaba ng nakarating na kami agad sa bahay namin, hindi ko na siya hinintay na maunang bumaba dahil ang mga sismosang kapit-bahay namin ay nagbubulung-bulungan na at nakatingin sa sasakyan ni Clark.

"Mama nandito na po ako." – masayang saad ko at agad na siyang kinisan sa pisnge ng malapitan ko siya.

"Magandang gabi po Tita Alliah." – wika ni Clark at agad na nag mano kay Mama.

"Magandang gabi din! Anong ginagawa ng gwapong customer ko dito?" – tanong ni Mama kay Clark kaya agad ako napatingin sa kanya at siya naman ay nakatingin sa akin na nakangiti.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng unti-unti siyang lumalapit sa akin.

"Gusto ko lang po na personal na hingiin ang kamay ng anak nyo tita." – seryosong saad niya ng nakalapit na sa akin.

"What do you mean?" – naging seryoso lang si Mama sa sinabi niya. For the first time ngayon ko lang nakita at narinig si Mama na mag salita ng seryoso.

"Girlfriend ko na po siya Tita." – saad niya kay Mama pero sa akin nakatingin.

"Excuse me Mr. Fletcher! Hindi porket napaka bait ko sa inyo ay bigla-bigla mo na lang jojowain ang anak ko. Aba hindi ako tulad ng mga ina ng babae nyo na mapapayag agad dyan sa relasyon na gusto mo. Bago mo makuha ang kamay ng anak ko manligaw ka muna at pag hirapan ang matamis na salitang ibibigay ko para sa inyo ng anak ko." – seryosong saad ni Mama na kinatingin ni Clark, kala niya ganun, ganun lang kabilis na makuha ang tiwala ni Mama kapag ako na ang sinasali hahhaha.

Sabi ko sa kanya bukas na lang dahil wala siyang mapapala kay Mama.

"Pero tita Alliah gusto ko po ang anak mo." – deretsyong saad ni Clark.

"Umalis kana dito! Bumalik kana lang pag napag isipan mo na gusto mo talaga ang anak ko." – inis na saad ni Mama kaya labag man sa loob ni Clark na umalis ay yumuko na lang ito at nag paalam sa amin dalawa.

Nang marinig na namin ang sasakyan na umalis na ay agad na lumapit sa akin si Mama na kinakabog ng dibdib ko.

"Anak ok ba ang pagsusungit ko? Tumalab ba ah?" – gulat ako napatingin kay Mama.

"Acting lang yun Ma? Hindi ka po galit sa relasyon namin?"

"Ano kaba! Bakit naman ako magagalit? Alam mo ba matagal na akong boto dyan sayo, simula ng sinabi mo na parang Crush mo siya ayieee ang anak ko may Jowa na at gwapo pa. By the way anak acting ko lang talaga iyon para naman pag hirapan niya manligaw. Aba! Alam mo ba ang Papa mo nung nanligaw sa akin daig pa nung unang panahon ng panliligaw. Nag sibak ng kahoy kahit hindi namin ginagamit iyon tapos nag iigib wala naman kaming poso gripo na kaya, kaya bilib ako dyan sa Papa mo kaya dapat yang mga lalaki na yan pag hirapan nila ang panliligaw nila sa babae hahah." – natatawang saad ni Mama at agad na pumunta sa kusina kaya pumunta rin ako.

Mr. Rich meet Ms. Fishball (Fletcher Series2) - CompletedWhere stories live. Discover now