CHAPTER 02

2.4K 57 4
                                    

THEA ALLIAN SANTOS POV

Maaga ako nagising dahil ako lagi ang nabili ng mga pagtinda namin. Alam kong pagod na pagod na si Mama sa pag titinda kaya kahit inaatok pa ako ay maaga ako nagigising para mamalengke.

Sumilip ako sa Kwarto ni Mama kahit natutulog siya, kitang kita ko sa mukha niya na ang lungkot, ilang taon na rin kase simula ng nawala ang Papa ko at ang kapatid ko. Naubos lahat ng pera namin sa paghahanap sa kanila buti na lang yung iniipon kong pera pag napasok ako ay yung ang ginamit namin para mag simula sa negosyo.

"Bestfriend tara na?" – gulat ako napatingin kay Benjamin na nasa harap ng bahay namin kasama ang kanyang pedicab at maraming design na barbie.

"Uy hindi na! Mas gusto ko pa mag lakad, exercise din iyon noh." – nakakahiya kase alam ko nanaman na hindi nanaman siya hihingi ng bayad sa akin.

"Pero bestfriend para hindi ka-----" – hindi pa natatapos sasabihin ni Benjamin ng sabay kami napatingin sa babaeng umiiyak habang hawak hawak ang balakang at tiyan niya habang may anim na taon na bata ang nasa tabi niya.

"Please! Tulungan nyo ako, manganganak na ako parang awa niyo na." – agad kami pumunta sa babae para alalayan.

"Hala! Benjamin kunin mo ang pedicab mo dalhin natin sa hospital dali." – nagmamadaling tumakbo si Benjamin para kunin ang pedicab niya, gusto kong tumawa ng makitang nadapa siya kamamadali para kunin ang pedicab niya kaso mas pinilit ko na lang na bigilan iyon dahil awang awa na ako sa babaeng ito.

Agad namin dinala ang babae sa hospital at dahil anong oras na nagdesisyon na kami ni Benjamin na bumalik sa mga dapat namin gawin, ako naman namalengke na at patakbong umuwi sa bahay dahil magluluto pa ako ng sauce para sa mga paninda namin.

Pawisan akong nakauwi sa bahay at hinihanda na lahat ng gagamitin ko sa paggawa ng sauce habang pinapakuluan ko ang sauce ay tumakbo na ako sa Cr para maligo tatlong minuto lang ang tinagal ko doon sa Cr dahil pinagsabay sabay ko lahat para isang buhusan lang kahit may tuwalyang nakapulupot sa katawan ko ay nagawa ko parin iayos lahat ang mga kakailanganin sa pagtinda ni Mama.

"Kinis ah!" – gulat ako napatingin sa harap ko ng makita ko si Kuya Manya na natitig sa legs ko kaya agad ko ito tinakpan ng takip ng tupperware.

"A-ano pong ginawa nyo dito?" – kinakabahang tanong ko habang siya nakatitig parin sa legs ko kahit may takip na ito ng takip ng tupperware.

"Wala naman! Napadaan lang kase ako." – wika niya at sa balikat ko na siya nakatingin dahil sa takot ko ay agad na ako tumakbo sa kwarto ko at ang suot ng uniform.

Pagkatapos ko magbihis ay agad na ako lumabas at si mama nakita ko na hinihintay niya ako bago siya umalis.

"Ito baon mo ngayon. Ayoko ng reklamo anak, o siya ingat sa pag pasok." – tango lang sinagot ko at tumakbo na sa sakayan ng Pedicab, pero nagsialisan nanaman sila kaya no choice ulit ako naglakad.

Nakarating ako sa room na late na kaya pinagalitan ako ng adviser namin kaya wala akong nagawa kundi linisan ang napakabahong Cr namin dito.

"Ito tubig oh! Late karin pala." – namumulang napatingin ako sa kanya, kaya agad kong kinuha ang tubig at sinimulan na ang linisin ang Cr.

"First time kang nalate ah!" – natatawang sabi ko.

"Late din kase crush ko." – napatigil ako sa sinabi niya, kaya mukhang nagulat siya sa sinabi niya kaya agad siya tumingin doon sa nag uusap kaya tinignan ko rin.

Mr. Rich meet Ms. Fishball (Fletcher Series2) - CompletedWhere stories live. Discover now