CHAPTER 10

1.9K 33 1
                                    

THEA ALLIAN SANTOS POV

Tulala ako habang nakatingin sa pinto ng kwarto nang walang hiyang lalaki iyon. Sana nakinig na lang ako kay Noel na walang mahahantungan ang pagmamahal ko sa kanya.

Naiinis ako sa sarili ko dahil nag mahal ako sa isang lalaking kasal na, sa lalaking malaki ang reputasyon sa mundong kinagagalawan ko.

Pag pinagpatuloy ko ito alam kong masisira ang restaurant na pinatayo ko para sa pangarap namin ni Mama.

Napatingin ako sa balkonahe ng makitang nakabukas iyon kaya dali dali akong pumunta doon at tinignan kung gaano kataas ang kwartong kinalalagyan ko mula dito sa taas pababa.

Nanlumo ako sa nakita ko dahil sa nakita ko, jusko anong klaseng lugar ang nilalagyan ko.

Napakataas ng lugar na kinalalagyan ko, halos mga langgam na ang mga tao pag tinititigan ko sila at ang mga sasakyan parang isang laruan lang sila.

Inis na pinag sisipa ko ang mga halaman na nakapaligid sa balkonahe at buti na lang hindi sila nahulog at kung sakali mang mahulog iyon alam ko maraming masasaktan dahil matitigas ang Vase nito.

Napatingin ako sa taong nagbukas ng pinto at ang mukha ng taong kinamumuhihan ko ang bumungad sa akin na nakangiti habang hawak ng kanang kamay niya ang mangkook na ang laman ay sopas dahil sa amoy nito habang ang kaliwang kamay naman nito ay hawak ang susi na pinagbuksan ang pinto.

Hanep eh nilock niya talaga bwusit siya, papatayin ko talaga yan.

Parang may biglang pumasok sa utak ko na alam kong napakapanganib yun pero baka yun ang maging dahilan para makaalis ako sa pesteng lugar na ito.

Nakakalokong ngising pinakita ko kay Clark na ang pagkangite niya kanina ay biglang naglaho at napalitan ng pagtataka dahil lang sa isang ngisi.

"What are you going?" – inis na tanong niya pero hindi ko siya pinansin at paatras akong lumapit sa gilid ng Balkonahe at inakyat ko agad iyon at humawak, kapag binitawan ko ang pagkakahawak ko mahuhulog ako sa napakataas na building na ito.

Napalunok agad ako ng tumingin ako sa baba dahil alam ko isang pagkakamali ko mamatay na lang ako bigla. Narinig ko na lang na biglang hinagis ni Clark ang mangkook na hawak niya at dali dali akong nilapitan.

Pilit na pinapaalis ako ni Clark at hinihila ang kaliwang kamay ko at ang kaliwang paa ko pero pinipilit ko rin tanggali iyon.

"Fuck! How could you do this to me? what the heck!? Baby you know that you're my life. I'm begging you please! Get out of there." – nagmamakaawang saad niya pero hindi parin ako nagpatalo.

"Aalis lang ako dito kapag pinayagan mo na ako umalis sa buhay mo, sa buhay na meron ka dahil kahit kailangan hindi ko pinangarap na maging isang mistress." – matapang na saad ko.

"No! Ayoko! Simula ng makilala kita Thea Allian akin ka, at ng dahil din sayo naging magulo ang mundo ko ng mawala ka sa akin kaya hindi ako papayag na mawala ka ulit  sa akin dahil AKIN KA." – inis na saad niya at hinawakan ang dalawa kong kamay at pilit na pinapapasok sa loob ng balkonahe kaso isa nga akong mapilit ay hindi ako nag patalo.

"Mamili ka Mr. Fletcher. Ang palayain ako sa pesteng lugar na ito at sa buhay mo o ang mamatay ako sa mismong harap mo na kahit kailan hinding hindi mo na ako makikita." – cold na saad ko na kinalaki ng mata niya.

Nanginginig na hinihila parin ako ni Clark pero dahil nga pasaway ako ay binabawi ko yun at dahil doon na out of balance ang isa kong kamay na kinalaglag ko buti na lang at hawak ni Clark ang isa kong kamay.

Mr. Rich meet Ms. Fishball (Fletcher Series2) - CompletedWhere stories live. Discover now