CHAPTER 30

557 13 2
                                    

Thea Allian Santos POV

Napatulala ako sa nakikita ko ngayon dahil hindi ko akalain na napakaganda dito.

"Sabihin mo lang sa amin ni Papa at itatakas kita dito."

Hinampas ko yung braso niya dahil sa mga pinagsasabi niya.

"Siraulo ka sa tingin mo makakatakas ako dito? Tignan mo napakarami ng mga bantay dito."

"Naninigurado lang kung papayag ka."

"Mag sitigil na nga kayong dalawa dyan, magsisimula na yung seremonya."

"Ang unfair naman papa nauna pa yang ikasal kesa sa akin."

Bigla akong napatingin kay ate Micca na katabi lang namin ay namumula siyang umiwas ng tingin.

"Kasalanan mo rin naman hindi mo pa kase niyayaya ei."

"Kailangan ba lalaki ang laging nagyayaya." – nakakunot noong saad niya.

Agad akong napatingin kay ate dahil nakatingin rin siya kay kuya habang sinasabi niya yun.

"Ay ate boto ako sayo kaso sa sinabi ni Kuya hiwalayan mo na yan doon ka na lang sa Crush na sinasabi mo sa akin, crush ka rin naman yun ei."

Saad ko kahit wala naman siyang Crush na kinukwento.

Napataas tuloy kilay si ate Micca sa sinasabi ko.

"Sabay ka sa trip ko." – bulong ko sa kanya na kinakurot lang niya ng mahina sa kamay ko.

"Pagkatapos ng kasal mo Thea makikipag usap na ako sa Crush ko at sasabihin ko wala na kami ng kuya mo."

"What the? Subukan mo lang Micca sinasabi ko sayo, at sino naman yang Crush mo? Nandito ba?"

Hahaha yan mag selos ka HAHHA shuta ka ah.

"Yes kuya nandito siya, hindi naman siya mayaman pero malakas at gwapo yun kuya." – ngising saad ko na kinaluhod niya.

"Will you marry me?" – biglang saad ni Kuya kay ate Micca na kinatawa namin ni Papa ng malakas habang si Ate ayun napalaki yung mata dahil sa ginawa ni Kuya.

May mga tao pa naman nandito sa kinatatayuan namin lalo na marami din bodyguard na nakabantay sa amin.

Huminto na kakatawa si Papa dahil sa bulungan na naririnig namin kaya binatukan na ni Papa si Kuya para tumayo kaso ayaw talaga tumayo.

"Hindi ako tatayo kapag hindi ako sinasagot ni Micca Papa."

"E tarantado ka, yayayain mo magpakasal sayo may singsing kaba?"

"Ha? Yun lang sige na nga sa susunod na lang kapag nakabili na ako." – Saad niya at agad tumayo.

Tang ina saan nagmana itong lalaking ito? Ang lakas ng topak ei?

Hindi naman ganito si Papa!?

Pinaayos na kami ng pila kaya umayos na kami at kapag nababawasan ang tao dito sa labas dahil papasok na doon dumodoble ang kaba ko dahil first time na mangyayari sa buhay kong ito.

Mr. Rich meet Ms. Fishball (Fletcher Series2) - CompletedWhere stories live. Discover now