CHAPTER 01

4.6K 82 13
                                    

"Anak nasaan na yung mga sauce na ginawa mo?" – napatigil ako kakabitones ng uniform ko ng marinig ko ang sigaw ni mama sa labas.

"Ay Mama nandyan na po lahat! Naiayos  ko na po sa sidecar! Ang ibang sauce naman po nasa ilalim incase po na maubusan po." – sagot ko at agad na nag ayos ng uniform ko.

Lumabas na ako ng bahay para magpaalam kay Mama dahil papasok na ako.

"Mama alis na po ako!" – wika ko nag aayos na ng sapatos ko.

"Anak ito yung baon mo oh!"

"Huwag na po Ma! May tira pa po ako ng binigay nyo nung nakaraan, hindi ko po nagagastos gawa po ng halfday lang naman po ako!" – nakangiting sabi ko at agad na humalik sa pisnge niya.

"Mamayang pag uwi mo ng tanghali huwag ka munang kukuha ng lalabhan mo magpahinga ka naman!" – kitang kita ko sa mata niya ang pag aalala.

"Mama naman ayos lang po ako! Huwag kang mag alala kaya naman po ng katawan ko ang mga gawain na iyon, dapat nga po ikaw mag pahinga dyan eh." – sagot ko kay Mama. "Ay anong oras na po Mama, alis na po ako! Babay po." – sabi ko at agad ng tumakbo papunta sa paradahan ng pedicab.

Ako nga pala si Thea Allian Santos thirteen years old, second year high school, hindi po ako kagandahan dahil mataba ako at marami po akong tigyawat sa mukha, simula kase ng nagkaroon ako ng Menstruation nagsitubo na ang mga tigyawat ko na kinainis ko naman.

Nagulat ako ng pagpunta ko sa paradahan ng pedicab ay nag sialisan sila. Kaya napasimangot ako sa ugaling pinakita nila.

Malalate na ako pano na ito? Kaya no choice ako kundi maglakad papasok, nagulat ako ng may biglang huminto sa harap ko na pedicab at design na barbie. Lakas nga nantrip yan eh kalalaking tao barbie ang design ng pedicab niya kaso dahil daw favorite ko ang Barbie kaya daw nilagay niya ito sa pedicab niya.

"Sakay na bestfriend hatid na kita male-late kana." – masayang sabi ng kaibigan ko.

Siya si Benjamin Alfonzo ang nag iisang kaibigan ko na lalaki. Fourteen years old na siya pero hindi na siya nag aaral dahil ang Nanay at Tatay niya ay may sakit kaya siya na ang nag tratrabaho sa kanila dahil siya ang panganay sa mag kakapatid.

"Ayoko baka mabigatan kapa sa akin! Ang payat payat mo tapos isasakay mo pa ako dyan." – nakasimangot na sabi ko.

"Sige na Bestfriend tignan mo malalate kana kaya sumakay kana." – inis na sabi niya kaya agad akong sumakay. "Ang daming arte ng Bestfriend ko sasakay din pala." – napahirap ako sa sinabi niya.

"Salamat Benjamin! Mamaya bibigyan na lang kita ng Fishball!" – nakangiting sabi ko.

"Damihan mo ng sauce ah! Kahit sauce lang ulam na." – nakangiting sabi niya kaya agad ako napangiti.

Pumasok agad ako sa school dahil malalate na ako sa flag ceremony namin. Hinihingal ako nakarating sa pilaan namin.

"Buti nakarating ka agad Allian! Sinabi sa akin ng president natin pag na late daw sa flag ceremony maglilinis daw ng CR." – bulong na sabi sa akin ng kaibigan ko, buti na lang at hindi ako na late siguradong ako lang ang maglilinis ng CR namin na napakabaho.

Mr. Rich meet Ms. Fishball (Fletcher Series2) - CompletedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt