PROLOUGE

637 13 0
                                    

Nag daan ang dalawang buwan na natanggap na ni Mama si Clark kaya sa dalawang buwan na iyon laging nasa bahay si Clark uuwi lang pag gabi na.

Maaga akong nakarating sa harap ng Fletcher University, dahil gusto ko maubos na ito dahil nagluto ako ng favorite niyang ulam na menudo.

Aligaga ako ng breaktime na ng mga high school, ang laki ng ngiti ko dahil mabilis na ubos ang tatlong kilo ng fishball at dalawang kilo ng kikiam at squidball.

Agad na ako umuwi sa bahay namin para mailagay doon ang sidecar namin.

"Mama nandito na po ako!" – masayang saad ko, pero para ako tinusok ng kutsilyo ng makita ko si Mama na namimilipit sa sakit habang hawak ang puso niya.

Mabilis ako humingi ng tulong sa kapit-bahay namin na close na ni Mama simula ng hindi na siya nag tinda.

"Kailangan na siya maopera sa lalong madaling panahon hija." – malungkot na saad ng doctor ni Mama.

"Maghahanap po ako ng pera." – saad ko at agad na tumakbo hawak parin ang eco bag na ang laman ay menudo.

"Sana pahiramin ako ni Clark ng pera." – mahinang saad ko sa sarili ko.

Agad akong pinapasok ng guard dahil kilala naman ako dito, agad ko hinanap ang Business management building.

Agad ko siyang nakita na kasama ang mga kaibigan niya.

Nag tago na lang ako sa pinaka malapit sa kanila, ayokong ibigay itong ulam sa kanya at mangutang sa harap ng kaibigan at pinsan niya.

"Ito na ang perang pinusta namin Clark! Akalain mo iyon nanalo ka hahaha." – tawang tawang saad ng kaibigan niya.

Pustahan? Nanalo si Clark? Ano naman ang pinustahan nila?

"Syempre ako pa! May dugo kaya itong Fletcher, lahat nakukuha." – saad ni Clark.

"Pwede mo nang hiwalayan si Ms. Fishball, nanalo kana!"

Ms. Fishball? Ako ba ang pinag uusapan nila? Bigla akong kinabahan kung sakaling ako nga ang pinag uusapan nila.

"Hahhaha hindi ko akalain na si Ms. Fishball pa ang tinarget mo na pustahan natin, sa taba iyon at ang panget panget pa, kala ko hindi ka papatulan." – bigla ako napaupo sa narinig ko.

Pinagpustahan ako? Please mag salita ka Clark na hindi ako iyon.

"Syempre ako pa! Lumuhod pa ako sa harap niya para pumayag siya, tiniis ko ang amoy asim niya para manalo lang sa pustahan na yan." – natatawang saad ni Clark kaya agad akong tumayo at nag mamadaling lumapit sa kanila.

__________***__________

Fletcher series 2

Niwell_01

Plagiarism is a Crime

Mr. Rich meet Ms. Fishball (Fletcher Series2) - CompletedWhere stories live. Discover now