CHAPTER 05

3.5K 63 1
                                    


7 years later.........

THEA ALLIAN SANTOS POV

Agad ako nagising sa mahimbing na pagtutulog ko ng marinig ko nama'y kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"Senyorita Thea? Pinapasabi ni Sr. T na sabay na daw po kayo kumain."

"Paki sabi po bababa na!" – sigaw ko para marinig niya dahil nasa labas siya ng kwarto ko.

"Sige po senyorita." – agad na ako naghilamos at bumaba para kumain na.

"Good morning dalagita ko." – nakangiting wika niya sabay halik sa noo ko.

"Good morning din Papa!" – masayang saad ko at umupo na sa upuan ko at nag simula na kami kumain.

"Thea anak, 7 years death anniversary ng Mama mo samahan mo ako sa simbahan at magpapamisa ako sa kanya then deretsyo na tayo sa mama mo."

"Sige po Papa." – saad ko at kumain na agad.

Pagkatapos namin kumain ay dumiretsyo nga kami sa simbahan at nag pamisa si Papa pag katapos ay dumiretsyo na kami sa Mama ko.

Agad na nilapag ni Papa ang bulaklak na binili namin bago kami pumasok sa loob ng sementeryo.

"Hi Mama! Nandito po ulit kami. Kamusta na po kayo dyan? Si kuya po kamusta na?" – masayang saad ko.

Umupo si Papa sa lapida ni Mama para mahawakan ito at linisin ang lapida ni Mama dahil may nakaharang na konting buhangin.

"Hi hon! Musta dyan? Alam mo ba Malago na ang restaurant na tinayo ng Anak mo. Tapos pangalan mo pa ang pinangalan niya sa restaurant niya." – masayang kwento ni Papa.

"Papa naman! Three years nyo na po binabanggit kay Mama yan! Paulit-ulit lang po."

"Pinagmamalaki lang kita anak!"

"Mama alam mo ba ngayon ko lang sasabihin sayo ito. Ang sama-sama po ni Papa nung araw na burol mo lang siya nag pakita sa akin." – sumbong ko kaya biglang ngumuso si Papa na kinasinghap ko.

"Pinaliwanag ko naman na sayo yun anak diba?" – malungkot na saad niya kaya umupo rin ako para yakapin si Papa.

"Oo nga po! Gusto ko lang po na sumimangot yan mukha nyo ang gwapo nyo po kase pag nakasimangot ang mukha nyo hahhaha."

"Ikaw anak ah! Pinagkakaisahan mo ako." – napangiti lang ako dahil nag pout si Papa na lalo kong kinasinghap.

Napatitig ako kay Papa ng bigla siyang umiyak habang hinahawakan ang lapida ni Mama, gantong ganto ang iyak niya yun araw na burol ni Mama noon.

Flashback ...........……

Iyak lang ako ng iyak sa balikat ni Benjamin simula ng iburol si mama sa gilid ng simbahan dahil bawal daw doon sa bahay namin dahil masikip ang kalye.

Ang aarte kase ng mga tao doon, hindi naman talaga masikip dumaan na nga doon ang kotse ni Clark doon kaya hindi yun masikip maarte lang sila.

Mr. Rich meet Ms. Fishball (Fletcher Series2) - CompletedWhere stories live. Discover now