CHAPTER 16

1.3K 30 3
                                    

THEA ALLIAN SANTOS POV

Naalimpungatan ako ng may malakas na busina ang naririnig ko sa labas ng bahay nila Clark. Inis na bumangon ako para pagsabihan ang mapangahas na taong yun, kaso pagbukas ko ng pinto ng kwarto ni Clark ay may tatlong maid na nakahilera na nakatayo rito.

"Ano pong meron? bakit po kayo nandito?" – nakakunot noo kong tanong sa kanila.

"Pinapunta po kami dito ni Master Cj para po tulungan ayusan po kayo para po sa kasal ni Master Art po." – sagot ng isang Maid.

"Ay oo nga pala. Nasaan ngayon si Clark?" – tanong ko sa kanila.

"Yung nagbubusina po siya po yun!" – sagot naman nung isa.

"Bakit ayaw niya pumasok dito at doon pa siya nag iingay?" – tanong ko ulit. Ayys!! kakagising ko lang nagiging marites na agad ako.

"Ayaw po ni Master Cj na makita ka po na inaayusan gusto niya po surprise niya ito makita." – sagot niya ulit.

"Arte naman, tara na ipasok niyo na yan maliligo lang ako." – saad ko sa kanila.

"Pero Lady bawal po kami pumasok sa loob ng kwarto ni Master Cj, yun po ang kabilin-bilin niya kanina po." – saad nung isa na kanina pang tahimik.

"Ei? Saan naman ako ngayon magbibihis at aayusan?" – Takang tanong ko.

"Sa guest room po lady." – saad ng isa.

"Ah sige sige mauna na kayo at maliligo lang ako." – saad ko na kinatango nila, agad ko sinarado ang pinto at dumiretsyo sa Cr para maligo. Nang matapos na ako maligo ay dumiretsyo na ako sa guest room kahit naka bathrobe pa ako.

Nang makapasok ako sa loob ay nakaayos na lahat na susuotin ko ako na lang talaga iniintay. Special na ba ako sa lagay kong ito?

"Umupo po kayo dito Lady, make up muna uunahin natin gawin." – Tango lang sagot ko sa kanila.

Agad akong umupo sa sinasabi ng maid, ay una niyang inasikaso ang buhok ko, kala ko iisa lang ang gagawa sa aking buong katawan ay hindi pala dahil bigla daw tumawag si Clark na galit na galit dahil hindi pa daw ako natatapos dyan.

Mainipin talaga ang lalaking yun, daig pa sa babaeng may regla araw-araw ei.

Nang matapos na lahat lahat na pinaggagawa nila sa buo kong katawan ay pinalabas na ako ng Mansyon, nagdadalawang isip nga ako kung lalabas pa akong kwartong iyon gawa nga first time ako magkaganito, pagkalabas ko gulat na mukha ni Clark ang bumungad sa akin.

"You're beautiful!" – nakangiting saad niya.

Hiyang hiya naman ako na lumapit sa kanya, agad niya akong dinaluan at biglang halik sa aking mapupulang labi dahil sa lipstick.

Nng matapos na siya mang halik ay agad naman niya binuksan ang pinto ng passenger seat at ng maisara iyon ay patakbo siyang lumipat sa kabila at sumakay sa Driver seat.

Agad niyang hinawakan yung kamay ko habang ang isang kamay niya ay nag da-drive at ako naman ay sa bintana nakatingin dahil naiilang parin ako sa presensiya niya kahit araw-araw ko na siya kasama.

"Be kind there, Baby." – seryosong saad niya. Tango lang sagot ko dahil ayoko muna mag salita, kinakabahan kase ako dahil ito ang first time na mamemeet ko ang buo niyang pamilya.

Mr. Rich meet Ms. Fishball (Fletcher Series2) - CompletedWhere stories live. Discover now