CHAPTER 29

600 11 2
                                    

Thea Allian Santos POV

"Babe sorry na hindi na mauulit."

Hahawakan na sana niya yung kamay ko na iwasan ko ito.

"Tigilan mo ako Clark, Oo alam natin may pagkamanyak ka pero bakit ganun naman ginawa nyo shuta."

Pwede naman sa Cr ah. Bakit doon pa sa kwartong yun?

"Nakita mo ba yung ano nila?"

Biglang naging seryoso yung boses niya na kinataas ng kilay ko.

Kapal nito ibabaligtad pa niya sa akin yun.

"Tigilan mo ako sa paratang mo."

Sabi ko na kinainis ko na talaga ng husto.

Pagkahinto ni Clark ng sasakyan niya ang pagtanggal ko agad sa seatbelt ko at pagbukas ng pinto.

Lalapitan sana niya ako ng bigla ko siyang hampasin ng kamay ngunit hinuhuli niya lang ito at hinila ako papasok ng bahay.

Pagbukas niya at magsasalita sana ako ng biglang bumukas ang ilaw at pagputok na kung anong paputok yun.

Bigla tuloy ako napatingin sa harap namin at nakita ko doon yung Papa ko na may hawak na picture frame ni Mama at si Kuya na nakaakbay kay ate Micca at katabi naman nito si Benjamin na karga ang bunsong anak nila habang nakaakbay din sa asawa nito.

Nandito rin yung mga magulang ni Clark na nakangite sa amin.

Biglang binitawan ni Clark yung kamay na nakahawak sa kamay ko at nagulat ako na bigla itong lumuhod na kinaiyak ko.

Ito yung isang pangarap ko, yung may lalaking luluhod sa harap ko upang hingiin ang kamay ko at ito ngayon.

Natutupad na yun! Thank you Mama dahil ginagabayan mo ako mula dyan.

"Babe, ayoko ng magsabi na kung ano-anong malambing na salita dahil alam kong alam mo na yun, Babe Will you marry me?"

Shuta talagang lalaking ito walang ka-susweet sweet sa katawan.

"Oo naman!"

Nakangiting saad ko na kinatayo niya at sinuot ang singsing sa daliri ko.

"I love you!"

Malambing na saad niya at agad niyang hinalikan yung labi ko.

Kung hindi ko pa kinalabit siya hindi siya titigil.

Jusko nakakahiya sa mga pamilya namin kaya.

"Kailan kasal nyo?"

Bigla kami napatingin kay Papa na mag salita ito.

"This Month tito."

Napahampas ako sa kanyang dibdib dahil sa sinabi niya.

Grabe ngayong buwan na?

"Why? Nakahanda naman na yung event na gaganapin na dapat nangyari noon kaso nakidnap ka kaya hindi natuloy."

"Hindi kaya nasira yun?"

"Babe nandoon lang yun at secured na secured dahil alam ko magpapakasal rin sa akin."

"Pano kung hindi ako pumayag or nireject ko yung proposal mo sa akin pano na yun?"

Hagad niyang hinawakan ang dalawa kong pisnge at pinisat na kina palo ko sa kamay niya ngunit hindi ata nasaktan dahil nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko na nakanguso na dahil sa pag ipit ng mapalad niyang kamay.

Mr. Rich meet Ms. Fishball (Fletcher Series2) - CompletedWhere stories live. Discover now