CHAPTER 08

2.1K 36 5
                                    

THEA ALLIAN SANTOS POV

Hindi ko alam kung bakit ganto ang nararamdaman ko simula ng sabihin niya ang dahilan niya kung bakit nila ako pinag pustahan.

"Talaga bang marunong ka mag bake ng cookies?" – nakahalumbabang tanong ko, habang siya ay abalang nag hahalo ng harina nama'y kasamang itlog.

"Oo naman!" – sabi niya na nakangiti.

"Hanggang kailan mo ba ako ikukulong dito sa condo mo? Clark kahapon pa ako nandito." – nang pagkasabi ko sa kanya iyon ay bigla siyang tumigil kakahalo at tinitigan ako ng napakasama. "Grabe namang matang yan, nag tanong lang eh." – pout na saad ko habang siya ang sama parin ng titig sa akin.

"Ibabalik ko muna ang pagmamahal mo sa akin bago kita ibalik sa pamilya mo." – he said then pinag patuloy na ang pag hahalo sa harina nama'y itlog.

"Anong magagawa ko, ikaw naman ang nasusunod sa ating dalawa o siya tatawagan ko lang ang Secretary ko sa restaurant ko for sure nag aalala na sa akin yun." – saad ko at ng akmang tatayo na ako biglang binagsak ni Clark ang bowl sa lamesa.

Agad ko naman sinuri kung may basag buti na lang at wala kaya this time ako naman, sinamaan ko siya ng tingin habang siya naman ay halo-halo ang reaction na hindi ko alam kung ano yun.

"Alam mo hindi ko maintindihan ang utak mo noh? Paiba iba ano ka bata?" – sigaw ko sa kanya.

"Subukan mong tawagan ang Noel na yun masusubukan niya ang galit ng isang Clark James Fletcher." – malamig na saad niya.

"Ano bang pinag sasabi mo? Secretary ko ang tatawagan ko hindi si Noel, tsaka ang secretary ko? Pag seselosan mo? Jusme Clark bayaw mo yun." – sigaw ko naman sa kanya na kinagulat niya.

"Hindi mo Secretary si Noel? Hindi mo siya tatawagin para humingi ng tulong at makaalis sa poder ko? Talaga bang totoo yung narinig ko?" – gulat na gulat ako sa reaction na pinapakita niya sa akin.

Para siyang batang nagmamakaawa na bigyan ko ng lollipop sa reaction na sinabi ko na Hindi ko Secretary si Noel kundi ang bayaw niya na si Benjamin.

"Oo, ipapaliwanag ko lang kung bakit ako matatagalan na hindi bumisita sa restaurant para na rin masabi niya kay Papa at Noel na hindi ako makakauwi." – saad ko ng bigla naman niya ako niyakap na kinakabog ng husto ng dibdib ko.

"Thanks Baby! Kaya mahal na mahal kita mabilis kang sumunod sa mga gusto ko." – masayang saad niya at bigla niya akong hinalikan sa noo.

"O siya sige na ipagpatuloy mo na yang pagluluto mo ng cookies at tatawagan ko lang ang secretary ko." – nang pakawalan na niya ako sa kakayakap niya ay pinuntahan ko na ang bag ko sa Sofa at kinuha ang Cellphone ko para tawagan si Bestfriend.

Nang makailang Ring pala ay bigla na niyang sinagot, bago ako makapag salita ay nakita ko si Clark na nagtatago sa likod ng pinto ng kusina at alam ko pasimpleng nakikinig itong lalaking ito.

"Hello Bestfriend ako ito si Thea Allian Santos ang pinakamagandang bestfriend mo" – natatawang saad ko. Agad kong tinignan ang pinto ng kusina pero wala siya siguro guni-guni ko lang yun kanina.

Mr. Rich meet Ms. Fishball (Fletcher Series2) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon