CHAPTER 22

1.2K 30 13
                                    

THEA ALLIAN SANTOS POV

Napalaki yung mata ko ng palabasin nila sila kuya at papa sa kwarto ko.

"Anong ginagawa mo dito? Ayokong makita kita dito kaya lumabas kana." – iritang saad ko at tinuon ang mata ko sa upuan na walang nakaupo.

"Gusto kong lang makasama ka ngayon, Isang buwan hindi kita nakausap at nakasama sobrang kitang namiss Baby." – Malambing na saad niya na kinaangat ng ulo ko at sa mga mata na niya ako nakatingin.

Tang ina nito! Anong sabi niya? Miss niya daw ako? Ei tarantado pala siya, hindi nga niya ako dinalaw nung sinugod ako sa hospital ng mga tauhan niya tang ina talaga.

"Bakit ngayon kalang? Bakit hindi mo man lang ako dinalaw yung mga panahon na nandoon pa ako sa hospital ni kuya Art?" – inis na saad ko sa kanya na kina hilot ng ilong niya papunta sa ulo.

"Im sorry Baby, may mahalaga akong inaasikaso kaya hindi agad ako nakapunta doon." – pagsusumamo niya.

"Mas mahalaga nga pala yung anak mo kaysa sa akin tama ba ako?" – saad ko muntik na ako mapiyok sa salitang anak.

"No! Baby hindi ko yun anak lalo na at walang nangyari sa amin." – malungkot na saad niya na nakatayo sa harap ko.

"Anak niyo yun, siya na nagsabi tang ina." – galit na sabi ko.

"No baby! I swear walang nangyari sa amin, sayo ko lang binigay yung katawan ko baby maniwala ka." – malungkot na saad niya at agad niyang kinuha yung upuan na kanina tinitignan ko at nilagay niya sa tabi ng hinihigaan ko.

Agad siyang umupo doon at kinuha ang kamay ko.

"Babawi ako baby, pag nakalabas ka dito mamamasyal tayo sa ibang bansa na gusto mong puntahan promise." – pag susumamo pa rin niya.

"Clark hindi kaba napapagod?" – saad ko na kinakunot ng noo niya.

"What do you mean baby?" – nagtatakang tanong niya at hinahalik halikan ang likod ng kamay ko. Agad kong binawi ang kamay ko dahil sa inis sa kanya, kahit marupok ako may natitira parin akong kaartihan sa katawan.

"Clark kasal ka parin, Oo sabihin na natin hindi mo siya minahal pero Clark sa mata ng Diyos at sa mata ng mga tao kasal ka, kabit parin ang tingin nila sa akin." – I said in tears.

Hinuhuli niya ang kamay ko na kanina niyang hawak pero iniiwas ko lang ito, dahil hanggat hawak niya ako masasaktan at masasaktan ako. Pinipilit na niyang kunin ang dalawang kamay ko pero iniiwas ko lang na kinapatak ng mga luha niya sa mata niya.

Nagulat man ako pero nangingibabaw parin ang inis at galit ko sa kanya ngayon.

"Huwag mo silang pakinggan baby dahil kahit anong gawin nila ikaw naman ang mahal ko." – Lumuluhang saad na niya sakin.

"Yun na nga Clark dahil sa lintik na pagmamahal mo nasasaktan ako, ayoko muna kitang makita please lang lumayo layo ka muna sa akin, kung talaga tayo yung nakatadhana ipaglalapit muli tayo pero sa ngayon Clark ayusin mo muna yung problema mo na pati ako nadadamay, bumalik ka kapag ok na." – saad ko sa kanya na kinatayo niya.

Mr. Rich meet Ms. Fishball (Fletcher Series2) - CompletedOnde as histórias ganham vida. Descobre agora