CHAPTER 15

1.8K 29 5
                                    

THEA ALLIAN SANTOS POV

Buti na lang hindi na ako kinukulong ni Clark sa kwarto niya, simula kase na pumunta na kami dito lagi na niya ako kinukulong at kung sa Pethouse niya napakaraming bodyguard na nakabantay, dito naman dobleng dami.

"Are you ok?" – nagulat ako kakaisip ng may biglang yumakap sa akin mula sa likod ko.

"May iniisip lang ako." – saad ko.

Mula ng nakarating ako dito, sobrang pag iingat at pag aalaga ang ginawa ni Clark sa akin, kung minsan aalis para pumunta sa trabaho niya mga limang oras lang siya doon at  uuwi din agad at dito sa bahay niya tinatapos ang trabaho niya.

Kapag naman uuwi siya lagi siyang may dalang pagkain na mga favorite ko. Dahil sa mga ginagawa niya ay mas nangingibabaw na yung pagmamahal ko kaysa sa takot at galit.

Hindi ko alam gagawin ko kung mahulog na talaga ako ng husto. Dahil once na nahulog na talaga ako, kailangan ko tanggapin ang mga mali o tamang gawain ng pamilya ni Clark.

"Hey! Sino naman iniisip mo?" – Inis na tanong niya.

"Ah? Yung Restaurant ko, matagal ko ng hindi nabibisita yun." – pagsisinungaling ko.

kahit naman hindi ko asikasuhin yun nandoon naman si Benjamin, malaki ang tiwala ko sa kanya.

"Wag mo ng isipin yun, binibisita ko yun tatlong beses sa isang linggo." – saad niya at sinubsob ang mukha niya sa leeg ko kaya ramdam ko yung hininga niya doon.

Agad kong tinanggal yung pagkayakap niya sa akin at humarap sa kanya.

"Pinupuntahan mo yung restaurant ko?" – nagtataka kong tanong ko sa kanya.

Tango lang ang sinagot ni Clark at hinila ako pahiga sa kama. Yakap na yakap siya sa akin habang ako naman nakahawak sa dibdib niya na nararamdaman ko yung sobrang lakas ng tibok ng puso niya.

"May sakit ka ba sa puso?" – takang tanong ko.

"Why?" – nakataas na kilay na tanong niya sa akin.

"Ang bilis tumibok ng puso mo ei, kala mo hinahabol ng sampung aso." – natatawang saad ko.

Agad niyang kinuha ang kamay ko at pinayakap sa kanya at hinila naman niya ako palapit sa kanya kaya yung mukha ko nasa dibdib na niya.

"Pakinggan mo Baby, ganyan yan kalakas kapag kasama kita nang dahil kasama ko ang babaeng mahal na mahal ko." – saad niya at lalong siniksik niya ako sa dibdib niya.

Pinakinggan ko lang ang tibok ng puso niya pero hindi bumabalik sa ayos na tibok, kaya sa sobrang pakikinig ko nakatulog ako.

Nagising ako sa malakas na sigaw na naririnig ko sa labas ng kwartong tinutulugan ko ngayon, Ayoko naman makichismiss kaso wala rin naman ako magagawa sa kwarto ito dahil ni TV wala dito sa kwarto, tas ang tanging libangan ko lang ay yung Tuta na binili ni Clark nakaraan linggo, para daw hindi ako mabangot sa bahay niya.

Dahan dahan ako lumabas ng kwarto at naririnig ko parin yung ingay at ngayon naririnig ko ay iyak ng isang babae naman. Dahan dahan naman ako bumaba sa hagdan at doon ko nakita si Clark na nakaupong parang hari at ang babaeng umiiyak ay si Angela na nakaluhod na nakaharap kay Clark.

"Parang awa mo na Clark, huwag mong idamay ang kumpanya ng pamilya ko sa galit mo sa akin." – iyak na pagmamakaawa niya. "Please huwag mo ng idamay sila."

Mr. Rich meet Ms. Fishball (Fletcher Series2) - CompletedWhere stories live. Discover now