CHAPTER 06

3.5K 51 12
                                    

THEA ALLIAN SANTOS POV

Tulala ako habang nakatingin sa dalawang damit na nakalatad sa kama ko, hindi ko kase alam kung anong theme ng birthday ng anak nila Benjamin.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang Pinto na kinatingin ko, napangiti ako ng makita ko siya.

"Ang tagal mo naman! Bilisan mo dyan anong oras na at hinihintay kana ng inaanak natin, syaka mag bihis ka na nga tandaan mo lalaki ako.." – sabi niya tas tumingin sa paa ko pataas sa ulo ko na kinainis ko. "...nadidistract ako sa mga katulad mo lalong na.. na sumexy kana, kaya huwag kang magtutuwalya na lang dyan."

Inis na nilapitan ko siya at binatukan ng napakalakas lakas.

"Ako sisisihin mo sa kalibugan mo hinayupak ka, kwarto ko ito ku-war-to-ko kaya wala kang pakialam na mag hubad pa ako sa kwarto ko, kaya subukan mo buksan ulit ang kwarto ko papaalisin na kita sa bahay ko tandaan mo yan Noel." – agad siya nagtatakbo papunta sa kwarto niya.

Si Noel ang lalaking Crush ko noong nagaaral ako sa high school. Tatlong tao simula ng magkita kami at nakita ng dalawang mata niya kung paano ako mag pursigido na magpapayat, isang taon na rin nakakaraan na humiling na dito na lang siya matulog sa bahay ko dahil kinuha daw ng Papa niya ang condo niya at ang bahay naman na pinapatayo niya ay hindi pa tapos dahil may isa pa akong bahay na inaasikaso niya, pinagagawa ko yun dahil ang lupa na yun ay lupa ni Mama.

Engineer kase si Noel kaya halos araw araw kami nag kikita kaya humiling siya na tumira na lang sa bahay ko pero may kapalit yun dahil 40% lang ang babayaran ko sa bahay na pinapagawa ko sa kanya.

Nang matapos ko na pagpilian na kung anong susuotin ko ay agad na nag ayos ng sarili ko at bumaba na dahil sabay kami ni Noel na pupunta sa birthday ng inaanak namin.

Nakatitig lang ako sa regalo ng inaanak ko kay Benjamin.

Hindi ko akalain na may lihim na pagtingin pala si Benjamin sa akin, nalaman ko na lang na ipagtapat niya sa akin iyon at dahil sa kalasingan niya at sa pagmamahal naman ni Bea kay Benjamin ay nagawa nila ang isang gabi na dapat hindi nila ginawa at yun ay bunga si Princess.

Gusto kong tanggalan ng trabaho si Benjamin sa business ko ay hindi ko magawa dahil nga kaibigan ko parin siya kahit nama'y pinagtapat na siya sa akin, iniwasan ko siya kahit lagi kami mag kasama sa iisang restaurant.

Ang napakalaki kong opisina ay nahati sa dalawa dahil nga iniiwasan ko si Benjamin hindi dahil sa nararamdaman niya sa akin kundi sa nararamdaman niya sa mag ina niya.

Alam ko na mahal niya si Bea pero dahil sa akin inaakala niya na ako ang mahal niya kay iniiwasan ko siya para naman makapag isip isip siya na kung sino talaga ang gusto niya bago pa mawala sa kanya ang mag ina niya.

"Salamat Bestfriend dahil sayo nilinaw mo ang pananaw ko sa pagmamahal sayo at kay Bea, nang dahil sayo alam ko kung sino talaga ang gusto ko makasama habang buhay maraming salamat talaga sayo Bestfriend."

"Wala yun! Ako lang ang bestfriend mo na makakaya kang intindihin kaya kalimutan mo na ang kasalanan mo at mahalin mo na lang siya na walang pang alinlangan."

Naalala ko nanaman ang salita na yun na kinasasaya ko ng husto dahil nagawa kong pasiyahin ang kaibigan ko.

"Ninang ganda? Wahhh i miss you po ninang ganda, kala ko po hindi nanaman po kayo pupunta at ipapadala nanaman kay ninong panget ang regalo ko." – nakangusong saad ng batang si Princess na anak nila Bea at Benjamin.

Mr. Rich meet Ms. Fishball (Fletcher Series2) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon