CHAPTER 27

526 11 0
                                    

Theo Santos POV

"Papa hindi na kailangan, yung pamilya na ni Clark ang bahala sa mga Valdez na iyon."

"Tigilan mo ako Theo baka sayo ko ibuntong ang galit ko sa mga Valdez nayon."

Tumingin ako sa girlfriend ko na kanina pang namomorblema.

"Tulungan mo naman ako?"

"Kaya mo na yan, malaki kana." – napakunot noo ako sa sinabi niya.

Siraulo! Pasalamat ka at mahal kita.

"Papa naman, baka tumaas yung BP nyo sige ka, mag aalala na husto si Thea."

"Siraulo ka!? Huwag mong gawin panakot yung kapatid mo, sasapukin kita."

Napayuko na lang ako dahil kahit ako hindi ko kaya si Papa, si Thea lang naman nagpapaamo kay Papa.

"Micca dalhin mo ako kung nasaan ngayon ang Valdez na yun."

Seryosong seryoso si Papa na makita ang Valdez na yun.

Tango lang ang sinagot ni Micca at umalis na sa harap namin.

Sumunod naman si Papa kaya no choice na talaga ako kundi sumama.

Hindi sa ayokong papuntahin si Papa dun, ayoko lang makita na yung Valdez na yun. Baka hindi ko makontrol yung sarili ko na patayin mismo sa harap ko.

"Mag kotse tayo, bawal kay Papa sumakay ng Motor."

Biglang napatingin sa akin si Papa ng masabi ko na bawal siya sumakay.

Ngumiti lang siya sa akin, Yun kase ang laging bilin ni Mama na kahit anong sasakyan huwag lang daw ang Motor.

Doon kase namatay ang dalawa kong tito na kapatid ni Mama, papunta daw kase sila sa first birthday ko na masalpuk daw sila sa isang Kotse na kinamatay nila.

Hindi pa buhay nun si Thea kaya wala siyang alam na may mga kapatid pa si Mama na namatay na.

"O sige dumito muna kayo kukunin ko ang sasakyan ko."

May sasakyan siya? Ang alam ko lang Motor, dahil yun lang din ang lagi niyang gamit.

"Huwag kang mag aalala Theo, kakausapin ko lang siya kung bakit niya nagawa sa kapatid mo yun. Hindi ko rin naman gusto bahiran ng dugo ang mga kamay ko baka hindi na ako sunduin ng Mama mo sa kabilang buhay."

Natatawang sabi niya pero ramdam ko na iba yung sinasabi niya, sa gusto ng puso niya.

"Papa huwag ka na po mag sinungaling, kilala na po kita."

"Theo! Alam mo ba yung nararamdaman ko? Gusto ko siyang patayin sa ginawa niya sa kapatid mo kung hindi lang dahil sa Mama mo nagawa ko na yun, Ama niya ako pero wala akong nagawa na bastusin niya ang kapatid mo tarantado pinagkatiwalaan ko siya tapos ganun ang isusukli niya sa akin."

Napayakap ako kay Papa dahil nakikita ko na siyang lumuluha.

Kaming mga lalaki hindi namin pinapakita ang luha namin dahil baka sabihin mahina kami.

Hangga't kaya namin hindi namin iyon pinapakita!!

"Papa yung nararamdaman mo ganun din ako, ako yung kapatid niya pero wala man lang ako nagawa nakatingin lang nanaman ako."

Mr. Rich meet Ms. Fishball (Fletcher Series2) - CompletedWhere stories live. Discover now