CHAPTER 19

1K 28 0
                                    

THEA ALLIAN SANTOS POV

Para akong bumalik sa pagkabata dahil sa lalaking kayakap ko kanina pa.

"Hey bunso bitaw na, hindi na mawawala si Kuya." – malambing na saad niya sa akin.

"Ayaw! Baka mawala ka ulit, kuya grabe yung pinagdaanan namin ni Mama nung araw na hindi ka nanamin nakita, kayo ni Papa." – mahinang saad ko.

Bigla akong napaluha dahil naalala ko nanaman si Mama.

"Sorry na bunso, ayos lang kahit yumakap ka pa dyan hanggang bukas, huwag ka lang umiyak." – pagsusumamo ni kuya sa akin.

Grabe iba yung saya ko ngayon, Oo may mga kinikilala akong kuya at tinuring ko na sila na tunay na kapatid pero iba parin pag kuya mo talaga, kadugo mo talaga!

"Gusto ko pong malaman kung ano pong nangyari sayo kuya? Dahil ang alam din ni Papa patay kana." – tanong ko sa kanya.

Agad niya ginulo yung buhok ko, papaluin ko sana yung kamay niya dahil ginulo niya buhok ko, hindi ko na ginawa dahil baka tanggalin niya ang pagkayakap ko sa kanya.

Pagbibigyan ko muna siya sa ngayon dahil sa susunod puputulin ko na kamay nun.

"Bukas ko sasabihin, gusto ko kapag nag kwento ako kasama doon si Mama." – nakangiting saad niya sa akin pero kita ko sa mata niya yung pangungulila.

"Pero kuya baka magalit ka rin dahil magkatabi yung puntod mo kay mama, pero ipapatanggal natin bukas." – saad ko.

"It's ok Thea, pinatanggal ko na kahapon pa." – sagot ni Papa na nasa harapan ko.

"Sa Fletcher ba mga tauhan na nasa labas?" – Tango lang ang sinagot ko kay kuya.

Ang pamilya naman ni Benjamin ayun nag aayos ng mga gamit nila sa taas. Binigyan muna nila kami ng time para mag usap usap dahil alam niya ang laki ng pangungulila ko sa Ama ko lalo na ang kapatid ko na kala namin ay Patay na talaga.

"Ang dami naman nila Allian." – sabat naman ni Papa.

"Takot ata na iwanan ko, syaka kuya nandito kase yung kapatid at mga pamangkin niya." – sagot ko.

"Bayaw niya si Benjamin?" – gulat na sigaw ni Papa.

"Opo!" – Sagot ko.

"Seryoso Bunso?" – gulat na saad ni Kuya na napabitaw tuloy kakayakap ko sa kanya.

"Ang OA nyo naman." – inis na saad ko sa kanya.

"Nakabingwit si Benjamin ng isang Fletcher." – hindi makapaniwalang saad ni Papa.

"Hindi naman Fletcher si Bea ei, magkapatid si Clark at si Bea sa Ina, magkaiba sila ng Ama kaya inshort hindi Fletcher si Bea." – paliwanag ko.

"Ikaw ah ang swerte mo bunso, nabaliw si Master Cj sayo." – nakangiting saad niya sa akin.

"Anong swerte doon? Excuse me! kabet kaya ako, swerte ba yun? Chee!! Manang ano pong niluto niyo? nagugutom na po ako." – saad ko at dumiretsyo sa kusina.

Mr. Rich meet Ms. Fishball (Fletcher Series2) - CompletedWhere stories live. Discover now