Prologue

9.4K 498 358
                                    

"Science is magic that works"

Basa ni Chloe sa tarpaulin na nakadikit sa ibabaw ng pinto ng Science Laboratory. Kanina pa siya nakatayo rito sa harap habang pinag-iisipang mabuti ang kaniyang magiging pasya.

"You're already here, Chloe. There's no reason for you to back out..." pagkumbinsi niya sa sarili. Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mata sa kadahilanang nagtatalo pa rin ang kaniyang loob kung tutuloy pa ba siya o hindi. "You've already suffered enough. Hindi naman siguro masamang pangarapin ko naman ang maging malaya."

Bawat estudyante na napapadaan sa pasilyong 'to ay pinagtitinginan siya. Bukod sa palda niyang may bubble gum na nakadikit, may nakasulat pang 'I am Juanico High's dimwit alien' sa likod ng suot niyang blouse.

Nag-umpisang mapuno ng pangungutya ang paligid. Bawat tawanan at pagkadisgusto ng mga estudyante ay hindi nakalagpas sa tainga ni Chloe. Pero wala siyang ibang ginawa kundi ang lunukin lahat ng pagpapahiya sa kaniya at umakto na para bang wala lang. Hindi niya na iyon pinansin pa bagkus ay ito na ang nagtulak sa kaniya upang katukin ang pinto na kanina niya pa pinagmamasdan.

Agad sumalubong sa kaniya ang kwadradong silid. Sa gawing gilid ay nakapuwesto ang mga book collection ng kaniyang guro na patungkol sa science and biology. Sa likod naman ng kumpulan ng mga libro ay nandoon nakaupo ang taong kaniyang sadya.

"Sir Winston," tawag niya sa guro na kaagad namang nag-angat ng tingin saka ito napalingon sa pwesto niya. Sa sobrang abala nito ay tiyak na hindi siya mapapansin kung hindi niya pa ito tatawagin. Bakas ang gulat at pag-aalala sa mukha ng maestro nang makita ang itsura ng kaniyang estudyante. Mabilis itong tumayo para hubarin ang suot nitong coat at doon niya iyon ipinatong kay Chloe. Hindi mapigilan ng dalaga ang mapaiyak. Ito lang unang beses na may taong agad na nagmalasakit sa kaniya.

"I told you to approach your principal and speak out on this issue. Bakit hindi pa rin sila humihinto? Huwag mong sabihin sa'kin na hindi mo ako sinunod?" paunang bungad nito bago binigyan ng maiinom na tubig ang dalaga.

Ngumiti nang mapakla si Chloe bago sunod-sunod na umiling. Sinunod niya ang payo ng maestro, ngunit sadyang hindi kailanman papabor ang tadhana sa kagustuhan niyang maging malaya.


"I already did, pero alam niyo po ba kung ano iyong mas nakakatawa?" Nag-angat siya ng tingin para harapin ang guro. "Iyong pinamukha niya pa sa'kin na sarili ko iyong may mali, na ako pa rin ang may kasalanan kung bakit ako nabubully. Was it my fault if I was born to have eleven fingers? May mali po ba sa pagkatao ko, Sir? Mali po bang ipanganak ako na hindi kapareho ng iba?" Sunod-sunod na tanong ni Chloe na naging hudyat kung bakit dumaloy paibaba ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.

Hindi kaagad nakasagot ang guro matapos siyang marinig. Dama niya ang bigat na dinadala ng kaniyang estudyante na halos buong buhay na nitong binibitbit.

"How many times I tried to beg my Mom para lang hindi niya na ako ihatid sa school. But she keeps on reminding me that school is a place for me to learn. To learn what? Para matuto akong makihalubilo sa mga taong ayaw naman akong tanggapin? Pwes kung ganyan lang din naman ang sistema ng mundo, mas mabuti pa siguro kung hindi na lang ako nabuhay pa," sambit niya bago marahang pinahid ang kaniyang luha.

Bumuntong-hininga si Sir Winston at doon siya tumayo para alalayan si Chloe papasok sa isa pang pinto. Sumunod naman ang dalaga sa kaniya at ito na mismo ang pinagbukas niya. Bumungad sa dalaga ang isang tagong kwarto kung saan nakaayos nang mabuti ang iba't-ibang gamit na may kinalaman sa science. Sa itaas naman ay may nakadikit na glow-in-the-dark na mga adhesive stars na nagmistulang alitaptap sa madilim nitong kwarto. Pinindot ng maestro ang switch dahilan kung bakit kaagad na binalot ng liwanag ang buong silid.

"Do you still remember your dreams back when you're still a kid?" biglaang tanong ng guro sa kaniya habang hawak nito ang isang polaroid camera. Tila ba naging isang mahika ang tinuran ng maestro sa dalaga lako na at agad na sumilay ang isang purong ngiti sa labi ni Chloe.


"When I was five, I dreamed about growing up. Back when I was ten, I wanted to become a midwife," sagot niya bago lumapit sa isang stuffed toy na hugis dinosaur sa isang sulok. Kinuha niya iyon saka pinagmasdan nang maigi. "And now that I am sixteen, I am planning to end my life."

Wala sa wisyong napalingon sa kaniya ang maestro para sana tignan kung pinal na ba ang pasya niya. Sa nakikita niya sa ekspresyon ng kaniyang estudyante ngayon ay desidido na nga talaga itong wakasan ang buhay niya.

"Are you really sure about this, Chloe?" tila naninigurong tanong ng guro. Inakala niyang aatras pa ito ngunit sa nakikita niya ay buo na nga ang loob ng kaniyang estudyante.

"That's why I am here to inform you that I will accept your offer," buong tapang nitong banggit saka binalik ang stuffed toy na hawak sa ibabaw ng stall. "You mentioned that there's a way to save me from this hell, right? Tatanggapin ko na ang alok mong tulong sa akin. Just... just do it." Hindi kababakasan ng kahit katiting na pagbibiro ang dalaga at para bang handa talaga itong harapin ang lahat ng kung anumang nag-aantay na kapalit.

Lumapit ang maestro sa kaniya bago siya nito giniya paupo sa isang hospital bed na nakakubli sa likod ng isang puting kurtina. Tinungo naman ng guro ang kaniyang mesa sa 'di kalayuan at kumuha ng syringe at isang pill bottle.

Sandaling naguluhan ang dalaga sa biglaang paglapit ng maestro sa kabilang lamesa. Bakas ang pagtataka sa kaniyang mga mata lalo na at hindi niya mawari kung ano ba ang ibig nitong gawin ngayon. Para saan ang hypodermic syringe at ang likidong nasa maliit na bote na hawak ng guro ngayon?

Nagugulumihan man ngunit pinili pa ring mag-antay ni Chloe at iniwaglit ang kaniyang mga napapansin at naiisip. Sa kabila ng lahat ng kaniyang dinanas na ilang taon niya na ring tiniis, wala siyang ibang hinahangad ngayon kundi ang kalayaan niya.


"This will hurt you for a minute," paglilinaw ng guro bago inangat nang kaunti ang manggas sa uniporme ni Chloe. Nang masigurong kalmado na ang dalaga ay agad niya itong tinurok at sinigurado na lahat ng likidong laman ng syringe ay dadaloy sa bawat ugat niya. Agad nakaramdam ng kakaiba si Chloe na para bang may kung anong ibayong klaseng sakit ang dumaloy sa kaniyang mga ugat matapos iyong maiturok sa balat niya.

"Sir, what's h-happening?" Mas lalo lamang siyang kinabahan nang umpisahan siyang itali nito sa aluminum na guardrails bago ito kumuha ng panyo na siyang binusal sa kaniyang bibig. Umusbong ang takot at pagtataka sa mukha ng dalaga nang bigla na lamang sumakit ang mga buto at kalamnan niya sa katawan. Sa sobrang pagkirot ng mga iyon ay tila ba nais na nitong mabali dahilan kung bakit hindi niya mapigilan ang sarili na humiyaw. Lumitaw ang mga ugat niya sa katawan dulot ng tuloy-tuloy niyang paggalaw hanggang sa tuluyan nga siyang napahiga sa kama.

"Don't be scared, Chloe. In fact, I am just doing you the favor that you're asking for," makahulugang banggit ng guro saka hinaplos ang buhok ng kaniyang estudyante na ngayon ay naiiyak na sa nararamdamang sakit.

"This i-is not what I asked to yo— Ahh!"

"The world pushed you to be like this, my dear," dagdag nitong banggit bago tinignan ang repleksyon niya sa salamin.

Nang mag-umpisang lumabas ang dugo sa bibig at ilong ni Chloe ay doon gumuhit ang matinding kaba at takot sa ekspresyon ng dalaga. Sa puntong 'to, alam na niyang may hindi tama sa nangyayari. Hindi niya lubos inakala na ganito ang kahihinatnan niya sa loob ng lab at sa mismong kamay pa ng pinakapinagkakatiwalaan niyang maestro.

Ngumisi sa harap ng salamin ang guro saka nito inayos ang suot na necktie.

"Today, something incredible is waiting to be known," sambit ni Wingon bago iniwan sa loob ng tagong kwarto si Chloe na wala na ngang malay.

Save UsWhere stories live. Discover now