Chapter 5: Takbo

2.6K 222 95
                                    

You can imagine virus as a nanotechnology. Some are harmless and few will make you sick. But most of them are seriously deadly.

***

Pabalik na sa clinic ang nurse na umasikaso kay Chloe kanina. Lumabas kasi ito saglit upang kumuha ng panibagong gamot sa head nurse na nasa kabilang building pa ang office. Baguhan pa kasi siya at ito pa ang unang beses na may dinala sa klinika na estudyante na ganoon ang sitwasyon. Kaya minabuti  niyang ilista  muna sa papel kung ano ang napansin niyang simptomas kay Chloe at ngayon pabalik na siya habang dala ang gamot. Gamit ang isang kamay ay tinulak niya ang glass nitong pinto at nagtaka naman siya kaagad nang hindi niya nakita ang dalaga sa hospital bed. Sandali pang nangunot ang kaniyang noo lalo na at iniwan niya lang ito dito kanina kaya bakit biglaan na lamang itong nawala? Hindi rin naman umabot ng limang minuto ang itinagal niya sa pag-alis kaya bakit wala na ito rito?

"Ms. Chloe Montemayor?" tawag niya sa pangalan ng dalaga saka lumabas muna saglit upang silipin kung nasa labas ba ito at naisipan lang na maglakad sandali. Maganda rin kasi ang tanawin sa mismong harap ng clinic at nakakakalma talaga ito sa sistema, kaya sa isip niya ay baka nagpahangin lamang ito. Pero kataka-takang wala siyang mahagilap kaya dali-dali siyang bumalik  sa loob.

Nilapag niya muna ang gamot sa mesang malapit sa kaniya bago tinungo ang may bintana sa gawing gilid. Akmang hahawiin niya na sana iyon nang sagayon ay malayang makapasok ang sinag ng araw sa loob ng kwarto, ngunit natagpuan niya na lamang ang sarili na napahinto nang mapansin niyang tila may nakatayong anino sa likod ng puting kurtina. Base lamang sa postura ng katawan ng nandito ay nahalata niya kaagad na ito na nga ang dalagang kaniyang hinahanap kaya hindi na siya nagdalawang-isip pa na hawiin iyon.

"Bakit tumayo ka na agad? Hindi ka pa tuluyang magaling," salubong niya rito pero hindi ito kumibo. Ilang sandali niya pang tinignan ang bata bago maingat na nilapit ang kamay.

"Halika, aalalayan kita pabalik doon sa kama mo para makapagpahinga ka nang maayos," magalang niyang paanyaya at maingat na idinapo ang kamay sa balikat ng dalaga na hindi man lang nadala sa kaniyang sinabi.

"Nurse,"  tawag nito nang hindi man lang siya nililingon. "Is it okay if I'll ask you something?"

Bahagya namang gumaan ang pakiramdam ng nurse nang diresto na ito kung magsalita senyales na bumubuti na nga ang lagay nito 'di gaya kanina.

"Sure, what is it?" tugon niya kaagad  habang maingat na inayos ang maikli at gulo-gulong buhok ni Chloe.

"What will you do if your stomach craves for food?" Bahagya mang nawirduhan ang nars sa itinanong ng estudyante pero mas pinili pa rin niyang sumagot.

"I am going to look some foods."

"What if there's no food inside your fridge and you can't go out to buy foods. What will you do?" tanong na naman nito na siyang nagpakunot sa noo ng kausap. Hindi  niya maintindihan kung bakit tinatanong pa ng kaharap ang ganito kasimpleng bagay. Nang dahil nga sa ayaw niyang hindi maging komportable ang bata ay muli na naman siyang tumugon.

"Then, I will eat anything available," sa pagsagot niya ay doon na dahan-dahang humarap sa kaniya ang estudyante. Agad namilog ang mata ng nurse nang makita ang napakaputla nitong balat lalong-lalo na ang ugat nitong naglilitawan. Puno rin ng dugo ang bibig ng bata na tila ba kagagaling lang nitong kumain ng preskong karne. Saktong paglipat ng kaniyang mata ay saka niya pa lang din napansin na may hawak itong buntot ng isda at nang lingunin niya ang aquarium sa 'di kalayuan ay doon niya napagtanto na ang hawak ni Chloe na buntot ay iyon pala ang matagal na niyang alaga na flower horn.

Save UsWhere stories live. Discover now