Special Chapter

847 56 11
                                    

Nakaupo si Mills sa damuhan habang ang kaniyang tingin ay nanatili sa asul na kalangitan. Sinadya niya talagang dumito muna upang ipahinga ang kaniyang sarili mula sa mahaba niyang araw ngayon.

Hawak ng dalaga ang isang piraso ng papel. Naglalaman iyon ng sulat para sa kaniyang yumaong kaibigan.

Tinitigan niyang mabuti ang pangalan ni Elsie. Ginamitan niya talaga iyon ng colored pen para magmukhang kaaya-ayang tignan. Halatang inayos niya talaga ang pagkakasulat no'n lalo na at sa linis at ganda ng pagkakagawa niya ay hindi talaga  nagkaroon ng kahit katiting na mali ang liham. 

Gumuhit ang tipid na ngiti sa labi niya saka niya dinukot ang dalang lighter at walang pasabing sinunog ang papel. Pinanood niya kung paano paunti-unting nilamon ng apoy ang kaninang hawak niyang liham hanggang sa tuluyan na nga iyong naging abo.

Ito ang kadalasang ginagawa nilang magkaklase kapag naiisip nila ang mga dating kaibigan. Sinusulat nila sa papel ang mga bagay na gusto nilang sabihin sa kanila saka nila iyon susunugin. At ginagawa lang nila ang bagay na ito, sa mismong lugar na 'to.

Pinaniniwalaan kasi nila na maipaparating nila kaagad ang mga mensaheng iyon sa kinaroroonan ng mga dating kasama sa oras na masunog iyon.

"Nakabalik ka na pala." Mabilis siyang napalingon sa likuran at doon niya nakita si Willow na kalmadong naglalakad patungo sa pwesto niya.

Ngumiti si Mills bago tinapik ang damuhan sa kaniyang tabi senyales na tabihan siya. Lumapit naman kaagad ang dalaga sa kaniya at doon naupo.

"Oo, kanina pa," sagot niya bago ngumiti ng tipid. "Hindi lang ako dumiretso kaagad sa bahay. Tumambay muna ako rito."

Napansin kaagad ni Willow ang abong dumikit sa berdeng damuhan. Halatang bago pa iyon kaya naman ay agaran niyang napagtanto na nagsulat na naman ng liham ang kasama. Binalik ng dalaga ang kaniyang tingin kay Mills. Nakita niya kaagad kung paano nito pasadahan ng tingin ang nakatayong bahay 'di kalayuan sa kanilang pwesto. Miski siya ay hindi rin nakapagpigil at tumitig na rin sa pwestong iyon.

"Tatlong taon na pala iyong lumipas," sambit ni Mills nang hindi man lang inaalis ang tingin sa gawing harapan. "Sa tatlong taon na iyon, ang dami ng nangyari, sobrang daming nagbago. Pero bakit parang hindi pa rin ako nakakalimot? Iyong mga pinagdaanan natin sa loob ng Juanico High, iyong pagod at hirap na dinanas natin makaligtas lang, lahat ng iyon buhay na buhay pa rin sa utak ko."

Nilingon niya sa Willow bago muling nagsalita. "Hanggang ngayon, nahihirapan pa rin akong kalimutan ang lahat."

"Kahit three years na iyong nakalipas, it is still not enough for us to move on, Mills," sagot ng dalaga. "Miski ako naman ay hirap din. The pain and longing that they left in my heart, it still aches. Even up until this time."

Gumuhit ang mapait na ngiti sa labi Mills at doon niya muling tinignan ang gawi ng kaibigan. Bakas ang lungkot sa mukha ng katabi, bagay na siyang hindi na niya rin ikinagulat pa.

"Kung hindi ba nangyari iyong outbreak na iyon, kompleto pa rin kaya tayo hanggang ngayon?" wala sa wisyong tanong ni Willow na siyang hindi niya kaagad nasagot.

Kitang-kita niya kung paano muling naging dominante sa mata ng kaibigan ang malamyos nitong tingin. Nag-uumapaw muli ang emosyon sa mga mata  nito na siyang naging rason kung bakit siya nakaramdam ng awa.

Akala niya siya lang. Buong akala niya ay siya na lang ang nananatiling nakakulong sa nakaraan, ngunit hindi pala. Lalo na at sa inaasal ni Willow ngayon, nakakasiguro siyang miserable pa rin ito katulad no'ng dati.

"Ang saya siguro 'no kung nandito pa rin sila, kung nandito pa rin sana siya," sambit nito. "Alison would still treat me the same. Her being my friend who never failed to treat me like her own younger sister, and me who loves to act as a tough kid in front of all of you, but is so fucking childish right in front of her."

Save UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon