Chapter 24: Sagupaan

1K 82 7
                                    

"Aantayin ba nating makaalis si Chloe sa loob bago tayo papasok?" Mahinang tanong ni Cody nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa dalagang nasa sahig at patuloy pa rin na sinisira ang lahat ng cellphone na makikita niya.

"Hindi, kailangan lang nating maghintay sandali. Delikado tayo kung magkataon," paunang sagot ni Yohan saka muling sumilip para obserbahan ang galaw ng kaklase. "Malayo sa kaniya iyong modified control car ni Willow kaya hindi niya iyon makikita kaagad."

"Ano bang meron? Bakit niya sinisira 'yan?" Puno nang pagtatakang tanong ng kasama pero hindi sumagot si Yohan. "Bakit ganoon na lang kalaki ang galit ni Chloe para bumalik pa siya rito sa room at basagin lahat ng cellphones na nandito?" Dagdag pa ni Cody pero muli, hindi magawang makasagot ng kausap. Nanatiling tikom ang bibig nito habang pilit na inaalisa ang pagkakataon kung kailan siya kikilos para makuha ang sadya.

Sa kakalibot ng kaniyang tingin ay doon nahagip ng kaniyang mata ang isang napakapamikyar na notebook na siyang hindi naman siya nagdalawang-isip na kunin. Nirolyo niya iyon saka maingat na isiniksik sa kaniyang bulsa.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa harap hanggang sa sumakto namang  tumalikod si Chloe. Saglit niyang sinulyapan si Cody at nang tanguan siya ng kasama ay doon na siya kumilos. Agad siyang dumapa at dahan-dahang gumapang  papasok. Maingat siyang kumilos nang sagayon ay hindi siya nito mapansin. Palipat-lipat din ang kaniyang tingin kay Chloe at sa sadyang laruan. Nang ilang dangkal na lamang ang layo ng kamay niya mula sa controlled car ay ang siya namang paghinto ng dalaga sa ginagawa. Bumakas ang gulat sa mukha ni Yohan dulot ng naging reaksyon nito dahilan kung bakit hindi rin siya kaagad nakakilos.

Ilang segundong nanatiling nakahinto si Chloe waring nararamdaman niya na hindi lang siya nag-iisa rito sa loob. Bagay na mas lalong nagpakaba sa sistema ng dalawang binata. 

"Don't you guys familiar about the quote that says 'When you managed to escape from death. Don't you ever dare to show yourself from it again, because demons won't want to let you go for the second time.' " Kaswal nitong sabi saka marahang lumingon sa pwesto ni Yohan na kasalukuyan pa ring nakadapa sa sahig at pilit na inaabot ang pakay.

"It's been awhile, how are you Yohan and Cody?" Dugtong nito bago tumayo at ngumiti na siyang lagi nitong ginagawa. Ni isa sa kanila ay hindi nakasagot dahil sa matinding kaba na bumabalot ngayon sa kanilang sistema. Kahit ilang beses man nilang pilitin ang sarili na kumalma, hindi pa rin nila magawa, dahil alam nilang pareho na ang kaharap nila ngayon ay hindi na katulad noong dati.

"Hindi namin intensyon na istorbohin ka," paunang sambit ni Yohan habang pilit na kinakalma ang sistema.
"Bumalik lang kami rito dahil may kailangan kaming kunin. Iyon lang." Matapos niyang idugtong iyon ay kaagad na nagawi ang tingin ni Chloe sa ilalim ng armchair kung saan nandoon ang modified control car na siyang hindi niya napansin kanina. Kitang-kita niya rin ang cellphone ni Mills na nakadikit doon, ang nag-iisang cellphone na hindi niya pa nasisira.  Saglit siyang nanahimik upang analisahin ang sitwasyon hanggang sa tuluyan niya na ngang napagtanto ang gustong gawin ng dalawa.

"Oh, so you guys are planning to escape without me?" Inosente niyang tanong saka makailang beses na kumurap. Nagkatinginan si Yohan at Cody sa itinanong nito at mahahalata ang matinding pag-aalangan kung sasagutin ba nila ito o hindi.

"Oo nga naman. Bakit ko nga ba nakalimutan na tinalikuran niyo na nga pala ako." Pagpapatuloy niya
bago nagpagpag. Sumeryoso bigla ang mukha niya at ni kahit anong bahid ng kainosentehan ay hindi na magawang makita ng dalawa. Tuluyan na nga itong nagbago at sa isang iglap lang ay nawala ang dating Chloe na lubos nilang kilala. Sa uri pa lang ng tingin na ginagawad sa kanila ng dating kaklase ay para bang hindi na sila nito kilala.

"Sinunod mo na lang sana ang suggestion ni Cody kanina, Yohan. Inantay niyo na lang sana ako na umalis bago kayo kumilos," panimula niya saka dahan-dahang inilapit ang sarili sa binata. "Dahil hindi ko na kayo palalabasin pa rito nang buhay." Tuloy nito dahilan kung bakit halos manlaki ang mata ng dalawa.

Save UsWhere stories live. Discover now