Chapter 11: Kilos

1.5K 138 14
                                    

"Mills, bakit ka n-nagnonosebleed?" Nauutal na tanong ni Alison nang makitang tuloy-tuloy na dumaloy ang dugo sa ilong ng kaibigan, hindi niya maiwasang matakot lalo na at parehong-pareho ito sa nakita niya sa maestrong si Louie na nilabasan din ng dugo sa ilong bago pa man ito naging isang zombie.

Wala sa wisyong kinapa ni Mills ang kaniyang ilong at laking gulat niya na lang nang may dugo nga ito. Kabado siyang tumingin kay Yohan na agad din siyang inabutan ng panyo.

"You're bitten, aren't you?" Agarang tanong ni Shilloh gamit ang seryoso nitong boses na siya namang sinalubong kaagad ni Mills.

"Hindi, magkasama kami the whole time kaya nakakasiguro ako na hindi siya nakagat." Depensa ni Yohan dahilan kung bakit mapaklang tumawa si Shilloh.

"Can't you see? She's bleeding. Parehong-pareho lang din ang lagay niya before pa naging zombie si Sir Louie." Dagdag ng dalaga.

Sa isang iglap lang ay natuon lang kay Mills ang atensyon ng lahat. Tutok na tutok sila sa kung ano man ang susunod na mangyayari.

"They're also covered with blood so hindi rin imposibleng isipin na infected silang tatlo." Pagtutuloy nito na siyang ikinaangat ng tingin ni Willow.

"Desisyon ka? Sige, sabihin na nating tama ka na duguan nga silang tatlo. But are they pale? Do they have bruises or bitten marks? Wala 'di'ba?"

"Enough with that bullshit argument." Doon lamang sila nahinto nang sumingit si Wren. Pare-pareho silang napatahimik at inaantay lamang nila ang susunod nitong gagawin.

"Earlyseven, check Yohan and Corbin. Meadow, you inspect Mills." Utos niya at agad namang nagsisunuran ang mga naturang kaklase.

"Wala silang sugat, dugo lang nakita ko." Tugon ni Earlyseven saka inakay si Corbin paupo sa pwestong malapit sa kaniya.

"Same goes with, Mills. I think the goos on her clothes came from the zombies." Sagot ni Meadow na siyang nagtulak kay Wren para taas kilay na harapin si Shilloh.

"See? So stop exaggerating." Tipid nitong sambit dahilan ng pag-irap ng kaklase at nanahimik na lamang sa tabi.

"I think the warm temperature caused her plexus to be engorged kaya siya nagka-nosebleed," singit ni Ledger saka nilagay ang likod ng kamay niya sa noo ni Mills upang alamin ang lagay ng temperatura nito."Hindi rin siya malamig so please don't panic. She's- I mean- they're completely fine." Pampalubag-loob nito bago sila tinignan isa-isa.

Nang nawala na nga ang pagdududa sa mata nila ay doon na naglakas-loob si Elsie na lapitan ang kaibigan. Kaagad niya itong niyakap nang mahigpit at kasunod no'n ang pagragasa ng luha niyang kanina niya pa talaga pinipigilan.

"Elsie naman, hindi mo'ko kailangang iyakan. Excited ka naman masyadong patayin ako." Biro ni Mills saka hinimas ang buhok ng dalaga bago niya inalis ang dalawang kamay nito na mahigpit na nakapilipit sa kaniya. Hinarap niya ang kaibigan nang may ngiti sa labi nang sagayon ay pakalmahin ito.

"I-I'm so scared as h-hell. I thought I w-would never see you a-again." Natatakot nitong pag-amin habang marahang pinupunasan ang kaniyang mga luha.

"Nandito na ako, hindi mo na kailangan pang matakot." Tugon ng kaibigan bago niya inalalayan si Elsie na maupo sa armchair.

"Saang lupalop ba kasi kayo ng Juanico High nagsusuot? Bakit ang tagal niyong nakabalik?" Pang-uusisa ni Ryder. Hindi na niya tuloy pa maisip kung nagkataon na umabot sila ni Cody kanina sa cafeteria lalo na at mahahalata sa itsura ng tatlo na hindi naging madali ang napagdaanan nila. Nahirapan na nga silang makatakas sa quadrangle kanina nila Cody, ano na lang kaya sila Yohan? Kung susumahin ay mas malala ang naranasan ng kaniyang mga kaklase kaysa sa kanila kanina.

Save UsWhere stories live. Discover now